🔥 Kabanata 2 🔥

13.9K 190 31
                                    

🔥 Kabanata 2 🔥

Liliana:

At dun ko pa talaga siya nakita ulit!

Siya ba ang may-ari ng isla?

Kaya pala sobrang arogante niya kahapon nang hindi ko masadyang matapunan siya ng kape. Nagtatrabaho ako bilang waitress sa isang restaurant dito sa isla. Maayos naman ang pa-sweldo, wala naman akong reklamo..

Pero nang marinig ko ang advertisement sa tv channel ng sariling isla kagabi na naghahanap sila ng mga dancers—sinubukan ko.

At hindi ako pakapaniwalang tinanggap niya ako. Sa paraan pa lang ng pagtitig at kung kung paano niya ako hinubaran sa mga mata niya—may halong inis ito. Siguro dahil sa hindi ko sinasadyang pagbangga sa kaniya.

"Kumusta man, day? Nadawat ka?" Kumusta, day? Natanggap ka? Bungad sa'kin ng room mate ko nasi Sasha. Isang linggo pa lang kaming nagkakilala nang sabay kaming makipagsapalaran dito sa isla Cuatros.

Nakangiti akong nag-sign language sa bago kong kaibigan.

"Okay kaayu! Nadawat ko! Pero wala ko nag-expect na boss d-i sa isla ang akong nabanggaan gahapon.."Okay naman! Natanggap ako! Pero hindi ko ini-expect na boss pala yung nabangga ko kahapon..

May kapatid na pipi si Sasha kaya naiintindihan niya ako. Sobrang saya ko! Kasi iilang tao lang ang kayang intindihin ang mga katulad ko na PWD. At ang akala ko rin kanina ay hindi ako tatanggapin dahil sa kapansanan ko..

"A, maayo! Asa sila ana? Maayo na musayaw unya gwapa pa gyud!" A, mabuti! Sa'n pa sila? Magaling nan gang sumayaw maganda pa! Kasalukuyang naghahanda ng hapunan si Sasha. Day off naming dala'wa sa restaurant pero mukhang magre-resign ako dun..

Kumuha ako ng mga plato namin at tinulongan ko siyang maghanda ng kanin at ulam. Nasa isipan ko pa rin ang iniwan niyang mga titig kanina. Alam ko kung anong meron dun—alam kong hindi maganda kundi panganib.

"Kain na tayo.." Senyas ko kay Sasha saka naupo.

Kinabukasan, pinuntahan ako ng isa sa mga staffs kahapon at sinabi sa'kin na pansalamantang magpe-perform ako sa Isla Cabana. At magsisimula na nga ito ngayon gabi.

Napoleon De Sullivan. Ito ba ang pangalan ng lalake kahapon?

Naghihintay ako ngayon sa labas ng opisina niya. Kakausapin daw kasi ako ng boss. Bahagya akong kinabahan pero siguro naman ay tungkol ito sa trabaho. Bumukas ang pintoan.

"Miss Solidad? Please come in, boss Leon is already expecting you." Lumabas ang isang bakla. Ito yung kasama kahapon noong isang pangalan ay Leila.

Tumango ako. Dahan-dahan akong pumasok sa malamig na opisina. Buti nalang at nagsuot ako ng knitted sweater at mataas na palda. Masakit din ang mata ko kaya isinuot ko ang glasses ko.

"Miss Solidad, right? Liliana Solidad?" Napakabaritono ng boses niya. Yung tipong buong-buo at parang bagong gising lang. Nakaupo ito at nakapatong ang mga kamay sa mesa.

Dahan-dahan akong tumango. Paano niya ako maiintindiha? Isusulat ko nalang ba? Sakto kasi nagdala ako ng notebook at ballpen sa sling bag ko.

Dali-dali kong kinuha at nagsulat ako habang nakatayo.

Liliana Solidad. Ako nga po, sir. Sulat ko at ipinakita sa kaniya. Nakaarko ang mga makakapal niyang kilay sabay iling.

"Take a seat." Sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ng malapad na round table nito. Lumakas ang pintig ng puso ko—nandyan na naman ang paraan ng pagtitig niya sa'kin. Nakakabastos.

"So, you're a mute, I see. Kaya pala hindi ka nagsalita nang mabangga mo ako last time." Sabi niya sa'kin. May halong sarcasm ang tono niya. Napakurap ako—nag-iisip kong anong dapat sabihin sa kaniya. Gusto kong mainis.

Pero boss ko na siya.

Nagsulat ulit ako. Sorry po, sir dahil mute ako.. Sabay bigay sa kaniya sa papel ko na yun ang nakasulat.

Gumalaw ang panga niya matapos mabasa ang sinabi ko. Iniwasan ko ang mga tingin niya sa'kin. Ngayon ko lang napagtanto.

Masyadong siyang gwapo at masyadong nakaka-alarma.

"Don't be sorry, it's not your goddamn fault—I mean, to become mute. Kaya nga binigyan kita ng trabaho, Liliana." Totoo ba? Biglang nag-iba ang hangin sa tono ng boses niya ngayon. Pero hindi ko rin naman gustong kaawaan niya o kanino man.

Tumango ako pagkatapos bilang pasasalamat. Saka ngumiti ng bahagya.

"Sa isla Cabana ka muna magtatrabaho at magsisimula ka ngayong gabi. The construction of the new building is still on the process—so, dun muna ang work place mo. You're starting salary is fifty thousand pesos, would it be fine to you?" Ang haba ng sinabi niya. At sa bawat kibot ng labi niya ay may kunting slow motion. Naiintindihan ko naman ang sinabi niya kahit mabilis siyang magsalita, e.

Maraming salamat, sir De Sullivan. Sobrang laki na po niyang sweldo ko. Sulat ko. Sobrang laki na nga naman ng 50 000 thousand para sa pagsasayaw lang—o baka meron pang extra service?

Kaagad kong isinulat iyon sa papel.

Sir, hindi po ako tumatanggap ng extra service sa pagsasayaw. Baka kasi may mga costumers na akalaing ganun ang trabaho ko.. Mahirap na.

"Of course, you will not! Sasayaw ka lang, yun lang!" Napaiktad ako sa biglang pagtaas ng boses niya habang nakakuyom ang kamao nitong nakapatong sa papel ko. M-May nasabi ba akong masama?

"You may go now, Liliana." Galit na sabi niya saka mabilis pa sa kidlat akong tumayo at lumabas ng opisina niya. Sinalubong naman ako kaagad ng baklang lumabas kanina. Abo't ang hininga ko sa kaba.

"Naku, Miss Solidad, masanay ka na sa isang boss na'tin. Nasigawan ka ba?" Sabi niya sa'kin ng may pag-aalala.

Sa wakas at nakilala rin kita sa malapitan Napoleon De Sullivan. I have waited for this moment. It was too easy to bait a bastard like you!

Good Boys Gone Bad Series 1: SECRET DESIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon