"Jeonghan, 'Nak, hindi kita papabayaan. Aalis lang ako saglit pero babalikan kita, mahal na mahal kita. Tandaan mo palagi 'yan, okay? I love you, 'nak."
"'To naman si mama, napakadrama! Pupunta ka lang naman SM. I love you too, Ma."
--
"Ma? Asan ka na, Ma? Akala ko ba babalikan mo ako?"
--
"Mama, miss na kita. Miss na miss na kita."
"Jeonghan, gising! Huy!" Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko at alam ko na basang basa na ako sa pawis.
"Ma! Si mama? Tangina, asan si mama?!" Nandito siya. Nandito si mama, naniniwala ako nandito si mama. Kitang kita ko na hinawakan at niyakap niya ako bago siya umalis.
Pero... naiwan ako mag-isa.
At hindi na muling binalikan.
"Gago ka ba? Tayo lang nandito. Pinagnanasaan mo nanaman ako siguro sa panaginip mo. Stop lying, Hannie. I know you're whipped for me." Kumunot ang aking noo at sinamaan siya ng tingin.
"Shut up, Seungcheol. You're nasty."
![](https://img.wattpad.com/cover/207130415-288-k831735.jpg)