Kabanata I

12.9K 185 4
                                        

Alierissa Montigue

Ang tunog ng mga ibon ang gumising kay Alierissa, nakaramdan siya nang pagtapik sa kanyang balikat. Sa pagkakataon na ito, iminulat ni Alierissa ang kanyang mga mata upang tingnan kung sino ang gumigising sa kanya. Bumungad sa kanya ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Tania Cruz. 

"Ang aga pa." Pabirong pagrereklamo ni Alierissa sa kanyang kaibigan, tinangka pa nitong magsaklob muli ng kumot ngunit hinatak ni Tania ang kumot na nagsisilbing panangga ni Alierissa sa lamig.

"Can you let me off the hook? Nakita mo naman kung gaano ako kasaya kagabi hindi ba. Halos maubos ko nga iyong laman ng bote at kung pwede lang isama ko na iyong bote." Nakabusangot na saad ni Alierissa habang nakatingin kay Tania. Tania just rolled her eyes and sighed. She knows she can't be mad at Alierissa's reckless drinking.

Alam nilang pareho na salungat ang nararamdaman ng dalaga sa bawat katagang isinambit nito. Hindi maiiwasan dahil kahit si Alierissa ay nais kalimutan ang dahilan ng kanyang kalungkutan.

'The fact that Tania knows me better than I do. It can't be help.' Alierissa mentally thought. She felt bad for giving her bestfriend another thing to worry.

"Forget all of it. Alierissa may buhay ka pang dapat alalahanin." Nag-aalalang saad ni Tania habang diretsyong tiningnan sa mata si Alierissa.

"Salamat sa pagpapaala. Kailangan ko magising sa katotohanan." Alierissa smile weakly at the retreating form of Tania. Alierissa sighed heavily while standing up. She's wishing it to be a great one.

Nagpasya na ang dalaga na bumaba sa unang palapag ng kanilang tirahan upang sundan ang kanyang kaibigan.

"Bango naman ng niluluto mo. Inaasahan ko talagang tataba ako sa 'yo eh." Pagbati ni Alierissa nang makarating siya sa kusina. Nakakatakam kumain kapag kakain ka lang, dahil ang proseso ng pagluluto ay nakakapagod para kay Alierisaa.

"Ikaw talaga." Saad ni Tania.

Nilalasap pa ni Alierissa ang amoy ng lutuin ni Tania. Napatigil ito nang mapalingon sa kinaroroonan ng kanilang orasan at makitang halos mag-aalas dyes na.

Alierissa got a scheduled interview today.  She can't be jobless with all this debt. She needed a job!

Taranta siyang tumaas baba para makapagbihis sa maikling oras na umaabot sa 20 minuto. It would take an hour for the transportation.

"Hey! Bring your breakfast with you." Tawag ni Tania kay Alierissa na aligagang hinahanap ang mga kailangan niyang dalin. Alierissa muttered a thank you to Tania before dashing out.

Natataranta itong napatakbo sa pinakamalapit na estasyon ng tren. Buti na lamang ay nakaabot si Alierissa sa papaalis na train kung hindi, baka kailangan niya pang maghintay. Hindi na nagpahuli si Alierissa at isinisik niya ang kanyang sarili sa loob, alintana kung maraming tao.

Nang makapasok saka pa lamang nakahinga ng maluwag si Alierissa. Kung siya ay papalarin maaari pa siyang makaabot sa interview kung tuloy tuloy lang ang daloy ng transportasyon.

Nabuhayan ang kanyang determinasyon dahil alam niyang kaya pa, pero muli niyang isinantabi ang sayang nararamdaman nang may narinig siyang kaguluhan na sa palagay niya na nagmumula sa kanyang katabi.

Trouble with the President (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon