Bakas ang pagkagulat sa dalawa dahil sa muli nilang pagkikita at sa pagitan lamang iyon ng iilang oras. Tadhana ba o hindi lang sila pinapalad?
Bumagsak ang balikat ni Alierissa kahit walang magsasabi, alam na niya ang kahahantungan ng kanyang pagpunta rito sa MCL. Iyong tsansa na mayroon siya ay wala na. Nawalan na siya ng pag-asa noong mga oras na ininsulto o inaway niya ito sa istasyon pa lamang nang tren.
'When karma knows how to bite back nga naman. Grabe, hindi pa ginawang bukas. Kailangan ngayon ngayon agad iyong karma?' Inis na saad ni Alierissa sa kanyang isip. Iniyukom niya ang kanyang palad. Hindi inaakala ni Alierissa na ang isa sa nagmamay-ari ng kilalang kompanya ay sumasakay pala sa pampublikong transportasyon.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Leoniodes Myths. The hottest rich bachelor at his 20s and one of youngest billionaire.
Nang magkatinginan sila diretso sa mata. Alierissa was the first one to divert her gaze. Walang mukha na maihaharap dahil sa kahihiyan.
"Look, what we got here. Hmm, the one who called me a society pest." Saad ni Leo habang binabasa ang resume na ipinasa ni Alierissa at ng ibang pang aplikante.
Napagtanto ni Alierissa na siya rin pala ang dahilan kung bakit lubusang iritable at galit ngayon si Leo. The video they were probably referring to was probably taken this morning and went viral now. Kung saan ipinagsigawan ni Alierissa na di umano ay nambabastos si Leoniodes.
Gusto na lamanag maglaho ni Alierissa na para bang isang bula dahil sa kahihiyan."Why don't you take a seat first? You seem to be more quiet than the first time I met you." Kalmadong sambit ni Leo tsaka siya prenteng umupo at nagbasa ng mga artikulo nakalagay sa kanyang lamesa.
"I don't have any idea what you are talking about, Sir." Pagtatanggi ni Alierissa sa sinasabi ni Leo. Ngumiti lamang si Alierissa patay-malisya niyang ititanggi ang nangyari.
Kinakabahan ang dalaga sa kanyang sasapitin o matatanggap na salita. Nakatakas na nga siya kanina, nabulilyaso pa ngayon. Kahit siya ay aminado na naging mapanghusga siyang tao at mahilig mag bayani-bayanihan.
Tumikhim si Leo bago ibinagsak ng malakas ang hawak-hawak na babasahin at kunot-noo itong tumingin sa mga aplikante.
"Get out." Walang emosyon nitong utos ni Leo sabay harap-harapang itinapon ang mga resume ng aplikante na hindi man lang binasa ni Mr. Myths.
Kung kanina pinapanood lang ni Alierissa iyong mga naunang aplikante sa labas, ngayon naintindihan niya na kung ano ang pakiramdam pag siya na mismo ang lalabas sa opisina na ito. It could make anyone cry but on the positive perspective, it is an opportunity for her to get away from this guy.
"Ms. Montigue please stay back." Ma-awtoridad na sambit ng nag-iisang lalake sa kanila at walang iba kung hindi si Leo lamang.
Lumingon si Alierissa nang marinig iyon. Nagtataka ang dalaga kung bakit kailangan niyang manatili sa presensya ng lalaking ito. Kinakailangan bang pagbayaran ni Alierissa ang nasira nitong reputasyon o baka hindi papayag si Leo na makalabas si Alierissa ng buhay?
Hindi na nakagalaw si Alierissa sa kanyang kinatatayuan, tahimik na humihiling na sana na maayos pa siyang makalabas.
Why not just escape? Tutal malapit na rin naman siya sa pintuan at sa pamamagitan ng iilang hakbang abot kamay na niya ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Trouble with the President (COMPLETED)
RomanceSi Alierissa Montigue ay isang sa mga babaeng hindi naghahangad ng lubos, may sariling paninindigan at mabuting tao pero bakit nasangkot siya sa ma-impluwensiyang lalake? Tadhana ba o sadyang hindi lang pinalad? She called him 'maniac' He called h...