Di ko akalain na pag nakilala ko sya, dito na pala lahat magsisimula.
***
Tumingala ako at nakita ko ang maulap na kalangitan. Hapon na kaya hindi na gaanong mainit at sabihin na natin na ang setting ngayon ng kwento ko ay sa isang Amusement Park.
Maingay.
Magulo.
Maraming tao.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko. Napako ang tingin ko sa isang ride at muntik na akong mapahagalpak nang tawa sa dalawang babae na nagkaroon ng instant bad hair day matapos nilang sumakay sa Space Shuttle. Iritang-irita sila sa itsura nila kaya mabilis silang umalis.
Ipinagpatuloy ko naman ang pagmamasid sa paligid ko habang nakasandal ako sa railings ng Roller Coaster Ride sa likod ko. May couples na naliligo sa asukal, families na ansarap pagmasdan, mga estudyanteng nag-cutting classes, at kung sinu-sino pang tao na naghahanap ng happiness at thrill sa buhay.
“Dane! Dane! My Dane Mendez!”
Natigilan ako sa pagsa-sight-seeing keberloo ko. Bigla akong napalingon sa nagmamay-ari ng boses na tumatawag sa maganda kong pangalan. Napasinghap ako at unti-unting lumaki ang mata ko kasabay nang pagbibilang ko sa isip ko nang cue para makatakbo palayo sa kanya. After three seconds flat, kumaripas na ako agad nang takbo dahil malapit na nya akong maabutan.
Kainis! Kainis! Kala ko natakasan ko na sya! Paano nya nalaman na andito ako? May lahi ba syang aso na ang breed ay K9 para maamoy nya kung nasaan ang hinahanap nya?
Takbo lang ako nang takbo na para bang nasa marathon ako at target kong maka-first place. Bahala na kung saan ako mapadpad nito!
Basta eto lang ang nakatanim sa isip ko: GET AWAY FROM JACE! HE IS EXTREMELY DANGEROUS TO MY HEART’S HEALTH!
Kaya lang naman ako nakarating dito dahil pinagtataguan ko nga sya. Nasa school ako kanina at nag-rerelaks lang muna sa isang bench dahil tapos na rin ang class ko. Payapa kong ninanamnam ang katahimikan sa paligid pero di pa umiinit ang pwet ko sa upuan nang bigla na lang sumulpot sa harap ko na parang kabute ang Jace Verdera na to’!
Ang lalaking lagi akong iniistorbo.
Ang lalaking walang sawa na sinusuyo ako.
Ang lalaking supplier ko ng flowers, chocolates, teddy bears etc.
At ang lalaking dahilan kung bakit naaabnoy ang puso ko and I don’t freakin’ like it!
Matagal na rin nya kasi akong binubulabog. It’s been a year if I’m not mistaken. Ganito pa nga ang pakilala nya sa’kin noon.
BINABASA MO ANG
Nang Makilala Ko Siya
Roman pour AdolescentsHi, Ate Shareign! Here's your story! Enjoy reading! xoxo