#DOTD. [Date Of The Day]

54 3 1
                                    

[AN: Masyado bang natagalan sa update? Sorry, My Dear readers! Ayoko kasing parang chippy-chippy-bang-bang lang ang isusulat ko dito. Pasensya na po. :) And also, may sarili po akong version ng mapa ng Enchanted-Kingdom-like setting ko. :D]

---

“Stop staring at me.”

“I love staring at you.”

Nakakunot-noo akong tumingin sa kanya. Naglalakad kami ngayon at kasalukuyan kaming nasa may tapat ng Anchor’s Away. Buti na lang at bumalik na din sa ‘medyo’ tamang katinuan ang lalaking ‘to. Kung hindi ko pa sya pinektusan kanina, baka di na sya tumigil kakasayaw ng victory dance. At imbes na pagtawanan sya ng mga tao, tuwang-tuwa pa sila. Sa lahat talaga ng lalaking nakilala ko, masasabi kong sya ang pinaka-kakaiba. A very rare specie to be exact. Imagine, nakakahiya yung ginagawa nya pero keri nya lang.

“Di mo pa ba nae-encounter ang mga salitang ‘It’s rude to stare’?” naiiritang sabi ko.

Nagkibit-balikat muna sya at umiwas ng tingin bago mag salita, “Sa’yo lang naman ako nagkakaganito eh. I don’t mind.”

Kapalmuks talaga.

Tiningnan ko ang reaksyon nya. Di sya nakatigin sa’kin habang sinasabi nya ang mga salitang yon. Para syang nakatingin sa kawalan habang nakangiti.

Sa isang taon na pag-sunod-sunod nya sa’kin, ni minsan hindi ko sya tinignan na hindi nakasinghal at pagalit… ngayon lang. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang itsura nya.

Ang mga mata nyang medyo luwa at namumula.

Ang ilong nyang pango.

Ang nguso nyang makapal at medyo maitim.

Ang mukha nyang tambayan ng pimples.

Ang buhok nyang isang linggo na yatang hindi nasasayaran ng shampoo.

Ang balat nyang kulay chocolate. Not the white chocolate.

Ang height nyang napag-iiwanan ng panahon.

At ang porma nyang nahalungkat pa ata sa baul ng ninuno nya.

Sige lang Shareign Dane Zamora Mendez, lokohin mo ang sarili mo. Mata mo na yata ang may diperensya ah.

Masyadong bang mahirap tanggapin yung totoo mong nakikita? Magpakatotoo ka nga.

Okay fine!


I hate to admit this but… saksakan siya ng gwapo. Oo na, ang gwapo nya. Lahat ng sinabi ko kanina, yun ang antonym nya.

Look at his smile. The smile that can put you under his spell.

All in all, he’s a big catch. Ang swerte ng babaeng makakasama nito habang buhay.

Napatagal yata ang pagtitig—HINDI! Pagtingin! Oo, tinitignan ko lang sya! Di ko sya tinititigan! Pramis!

Naputol ang ‘pag-tingin’ ko sa kanya nang mapansin kong unti-unting…

…namumula ang mukha nya.

Napaiwas ako ng tingin at napa-iwas din sya. Tumingin ako sa kaliwa ko at sa kanan naman sya. Pero hindi din nagtagal, tumingin sya sakin at nagsalita.


“Ang gwapo ko diba? So, ilang percent na ba ako dyan sa puso mo?”


Sasagutin ko sana sya ng, ‘Uso mahiya!’ pero di nalang ako nakaimik. Anong magagawa ko? Ako pa ang tinubuan ng hiya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Makilala Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon