Chapter 1

22 1 0
                                    


Kathryn's POV
"Anak! Lilipat na tayo ng bahay" masiglang sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Nanaman?!" gulat na tanong ko.

Halos buwan-buwan na ata kaming lumilipat dahil lang sa wala kaming sariling bahay at lagi kaming pinapalayas

"Bakit? Ayaw mo ba? Siksik na nga tayo dito sa bahay ni Nanay ee kaya matuwa ka!"

"Paano ako matutuwa Ma, kung NPA tayo!" sabay kuha ng bag na hawak niya.

"NPA?" halata sa mukha ni Mama ang pagtataka.

"Oo! No Permanent Address"

"Sus! Ikaw talaga anak" sabay hawak sa buhok ko at ginulo. "Wag kang mag-alala! Tayo lang dalawa ang titira sa bahay na nabili ko, kaya baba mo na yang mga gamit natin at aalis na tayo. Magpaalam ka na rin kay Nanay".

"Sige Po"

mabilis akong tumakbo sa taas para kuhanin ang mga gamit namin at nagpaalam na rin ako sa aking Lola.

"Lola, aalis na po kami! Mag-ingat po kayo dito nila Tita at Tito ha. Kumain rin po kayo ng mabuti at inumin niyo rin po yung mga gamot niyo" kinuha ko yung kamay ni Lola para magmano. "Atsaka po lagi kayong magjo-jogging ha gaya ng sinabi ko sayo, Lola."

"Apo! Dalawin mo ako rito ha!"sabay kinuha ni Lola yung kamay ko at tinignan iyon "Apo, sa bago niyong tirahan makakakilala ka ng isang lalaki ng iibig sayo ng tunay kaso ipapakita niya sa iyo ang pag-ibig na iyon sa inis na paraan"sabi ni Lola sabay hawak sa kamay ko. "Kaso maraming kayong madadaanan na problema, kaya mag-ingat ka Apo!"
Alam niyo ba. Sa rami-rami ng sinabi ni Lola isa lang ang naramdaman ko, biglang tumibok yung puso ko na para bang possible iyong mangyari. Kaso hula-hula lang naman iyon kaya di ako maniniwala.

"Anak! Tara na!" sigaw ni Mama pamula sa labas.
bigla naman akong natauhan kaya't nagpaalam na rin ako kay Lola at bumaba na para sumakay ng Jeep.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagtataka ata kayo kung bakit kami lang ni Mama no'?! Iniwan kasi kami ni Papa, namatay siya sa sakit na Cancer sa puso dahil raw kay Mama. Ang ganda-ganda raw kasi ni Mama ee ayun yung pagkakasabi niya.

Mayaman talaga kami may sariling bahay na malaki at may 10 condo sa Manila kaso simula ng mawala si Papa inangkin lahat yun ng masama kong Lola [sa side ni Papa]. Lahat ng ari-arian rin ni Mama ay kinuha kasi raw may pondo rin raw dun si Papa. Kaya nakikitira kami kay Lola Precing.

Pero may natirang pera si Mama sa banko na Php. 10 Billion Pesos kaso ayaw ni Mama na gastusin yung pera kasi raw baka magka-emergency raw at kailanganin. Pero--

"Anak! Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatulala riyan!"

"Opo Mama! Okay lang ako"

Bumalik na tayo sa kwento. Pero--

"Anak! Di ka pa ba bababa?? natulala ka na naman" sabay kuha ng gamit.

'Lalim kasi ng iniisip mo Kathryn ee'sabi ng aking magaling na konsensya.

"Bababa na po!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagkalabas na pagkalabas ko ng sasakyan ay bumungad na sa'kin agad ang isang bahay na second floor, kulay puti ito at kulay brown.Ang ganda talaga ng pagkakagawa sa bahy na ito na halos kasya ata ang dalawang pamilya.

"Wow! Ang ganda ng bagong bahay natin Mama"

“Naman! para yan sa aking magandang anak no' kaya dapat maganda yan!”

Whoaaa! Nambola pa si Mama pero Love Ko to!

“Anak! Salamat ha, kasi kahit anong mangyaring pagsubok ay kasama kita” sabi ni Mama at akmang parang nasasaktan. “Tandaan Mo! Mahal na Mahal kita!”

“Wow Mama Ha! Ang emo mo.. Lakas maka-tama HaHaHaHaHa”

Nakitawa na rin siya habang inaayos yung gamit namin.

“Pero anak! Wag ka naman sanang ganyan, basag trip ka ee. Nage-emo yung tao tapos ginanun mo! KJ ka ee”

Yan Ang Mama Ko! Kapag kasama mo yan, para kang may kasamang mas bata pa sa'yo. Parang teenager lang kung umasta ee.

“I Love You Ma!” sabi ko sabay yakap.

“I Love You Too Anak!!”

“Joke lang Mama!!”

Pumasok na kami sa loob at inayos na yung mga gamit.

Pero Wait lang! Anong ibig sabihin nung sinabi ni Lola?

'Psh. Never mind. Thank you Lord sa magandang tirahan namin'

(A/N: Hello Guys! Please leave a comments and don't forget to add me on Facebook)
#Maria Veronica Say

i HATE himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon