Chapter 9

3 0 0
                                    

Justin's POV

 Ang ganda pala talaga ng boses ni Kathryn, nakakainlove.. yung kanta ^_____________^

"Hoy Baliw! Ang galing mo pala" sabi ko ng bigla akong pumasok sa kwarto niya.

"Huh?!" pagtatakang tanong niya.

"Ayyy. Baliw na nga bingi pa. Sabi ko ang galing mo"

"Ahhh.. Ehh Thank You" sabi niya at ngumiti. Ngiting nagpapaganda or else nagpapa-pangit pala sa kanya.

"Bakit ka nga pala nandito?!" sigaw niya. "OMG! Diba sabi ko sayo wag kang papasok sa kwarto ng babae!"

Ano ba itong babaeng  to' Histerical na ee..

"Nakabukas yung pinto kaya pumasok na ako, atsaka hindi ka naman babae ee" 

"Ako?! Hindi Babae?!"habang dinuduro yung sarili niya. "BULAG KA BA?!" sigaw niya.

May toyo na po itong babaeng 'to!! Ilabas niyo na ako sa kwarto niya PLEASE!!!.

"Hindi." bulong ko.

"ee hindi naman pala ee! Bwisit naman" umupo siya ng padabog.

"Big Deal ba sa iyo yon? Kasi kung hindi bakit ka nagag--"

"DI AKO GALIT!!!" tumayo siya at tinulak ako palabas ng kwarto niya at malakas na sinarado ang pinto.

"TOMBOY!"

 ___________________________________________________

Nakaraan na ang isang linggo at heto na naman kami. Pasukan na kaya gahol na gahol kami ni Kathryn sa pag-aayos ng gamit at sa bagong form. 

Nasa school na kami at napakarami ng tao, kung tutuusin halos isang libo lang pero nagkalat. Pumunta kami ni Kathryn sa may bulletin para hanapin kung saan kaming section.

"Mendoza. Mendoza. Mendoza. Mendoza." paulit-ulit na sabi niya.

Psh. Nasan na kasi yung pangalan ko! Valeriano lang naman kaya dapat nasa dulo.

"Ayon! Nahanap ko na. Kathryn Santos Mendoza." sigaw niya.

Agad kong tiningnan kung totoo ba yung sinasabi niya at nakita ko nga yung pangalan niya.

"Heto sayo!" agad niyang nilagay ang kamay niya sa tapat ng papel. "Justin Aeron Manuel Valeriano" banggit niya.

Tinignan ko yung tinuturo niya at nakita ko nga ang pangalan ko. 'Uyyy! Magkaklase kami'

"HAHAHAHAHAHHAHA!"

"hoy! bakit ka tumawa? may nakakatawa ba?" tanong niya.

"Di ka na kasi magsasawang titigan ang Face ko! Kaklase mo ako ee! HAHAHAHAHAHAHA"

"Psh. Sana lang di tayo magkatabi" sabi niya saka dumila bago maglakad.

"Saan ka pupunta?" sabi ko atsaka siya hinabol.

"Sa CR! Sasama ka?" 

Aba'y pilosopo itong babaeng ito ha!

"Papaano kung OO! Sasama ako sayo ha!" sabi ko sabay humalakhak.

"IHhhhhhhhhhh.. Bastos!!!" sabi niya saka tumakbo.

Ang Cute niya talaga! Ang sarap pisilin ng Cheeks niya.. GRRRRR...

---------------------------------------------------------------

"Ano! Saan raw yung room natin?"gahol na tanong niya.

"Saglit lang kasi. Atat ka masyado ee, maghintay ka pwede?"

"Papaano ako maghihintay ee ilang oras na tayong umiikot ikot dito sa campus pero di pa rin natin mahanap yung room natin." sabi niya pa. 

Bwisit naman kasi ee! Wala bang mapa ng school dito? Napakalaki kasi papaano namin mahahanap yung room namin?

"Ehem."bigla kaming napatingin sa likod ni kathryn ng may magsalita. "Cutting Classes?" tanong nito.

"Ahh Hindi po. Hindi po kasi namin alam yung room namin, kanina pa po namin hinahanap pero di namin makita. Pwede niyo po bang ituro?" mahinahong tanong ni Kathryn.

"Freshman kayo no?" tanong nito. "Halika sumunod kayo sa'kin"

Sumunod kami agad at umakyat-taas kami sa mga hagdan hanggang sa huminto yung 'Guider' namin sa tapat ng isang pinto.

"Nandito na tayo" bigla niyang sabi. Kumatok siya at tumingin sa'min, tumingin naman si Kathryn sakin na parang natatakot.

hinawakan ko yung kamay niya at sinabing "Wag kang matakot"

"How may i help you?" tanong ng guro.

"FreshMan sila at kanina pa sila hindi pumasok sa class!" sabi nung 'Guider' namin.

"Ohh! Sila ba sila Justin Valeriano at Kathryn Mendoza?" tanong ulit ng guro.

Tumango lang kaming dalawa ni Kathryn at nagtinginan sa isa'isa na para bang tinatanong niya kung 'Papasok pa ba tayo sa room na'to?'

Di ko nalang siya pinansin at tumingin ulit sa guro.

"Pasok na kayo!"

Agad akong pumasok pero hinila muna ako ni Kathryn. Hinila ko rin siya kaya napilit ko na rin siyang pumasok.

"Introduce yourself" sabi ng guro.

Ako na ang naunang magsalita kasi alam kong kinakabahan 'tong katabi kong si Kathryn.

"Eheeemm.. Hi!" masiglang bati ko. Ang ingay naman sa room na'to, habang nakatingin sila sakin kasi ay nagdadaldalan sila. "Im Justin Aeron Valeriano, 16 years old" sabi ko.

Wow Ha! Bakit sila pumalakpak at yung iba naman ay parang kinikilig? Ang lakas talaga ng karisma ng kapogian ko.

"Hi." mahinang sabi ni Kathryn. "Im Kathryn Santos Mendoza, 16 years old"sabi niya pa habang nakayuko.

"Okay. You two! Magtabi kayo dun sa last chair sa right side"

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA... Infairness magkatabi pa kami XD

(A/N: Leave Comments)

i HATE himTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon