CHAPTER TWO

5 0 0
                                    

Nakauwi na ko sa bahay after naming magbonding magkakaibigan. Agad naman akong tinanong nila mama kung kamusta daw ang first day ko sa school.

Mama: Anak kamusta naman ang unang araw mo sa school? Marami ka bang school works?

Papa: Nastress na ba agad ang baby namin? Ano ininom mo ba mga gamot mo?

Me: Ma, Pa, ano ba naman kayo first day pa lang oh, isa-isa lang po ang tanong hahah. Actually nagbonding po kami nina Katty at Joey kanina, sobra po kasi naming namiss ang isa't isa.

Papa: Basta kapag nahihirapan ka tell us ah. Tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya. We will just support you.

Sinet up na ni mama yung table para makapag dinner na kami. Gusto kasi ni papa na dapat ang family ay laging sabay kumakain. We have to talk about what happened sa buong mag-araw naming magkakapatid at sabi ni papa na magpapatibay daw ito ng relationship namin as a family.

Mama: Wala ba kayong naging problema ngayong araw?

Kuya Jayden: Wala po ma. Ang babait po ng mga katrabaho ko kahit first day ko pa lang po. Tinulungan po nila ako sa mga bagay na hindi ko pa po alam.

Papa: Mabuti naman. Basta tandaan nyo ah makisama lang kayo at matuto kayong tumanaw ng utang na loob sa mga tumutulong sa inyo.

Kuya Jayden: Opo Pa, noted po.

May tinanong ako kay kuya about sa isang childhood friend namin.

Me: Kuya kilala mo pa ba si Anwyll? Yung kababata natin dati kaso mga isang buwan lang sila dito at lagi din natin syang kalaro sa may park.

Kuya Jayden: Hindi ko na masyadong namumukaan eh masyado pa tayong bata nun. Mga 11 ata ako at ikaw naman ay 9. Pero parang familiar ang name sakin. Bakit mo natanong?

Me: Di ko na rin kasi matandaan ang itsura nya, pero kanina sa school may bago kaming kaklase at Anwyll ang name nya.

Kuya Jayden: Baka naman kapangalan lang. Wag mo ng masyadong isipin yan.

Gigi: Ate can you please help me sa assignment ko later? Hindi ko kasi masyadong gets yung lesson namin sa math kanina. Pero if your busy never mind na lang.

Me: Ofcourse Gigi, ate will always have time for you. Diba sabi ko naman sayo na if you need my help I'm always here cause I love you. My forever baby!

Gigi: Thank you ate, I love you too.

After ng dinner ginawa na namin ang mga nakaassign sa aming chores. Si kuya sa paghuhugas at ako naman sa pagliligpit ng mga pinagkainan. Hindi muna namin pinapatulong si Gigi dahil masyado pa syang bata at baka makabasag lang sya, pero minsan-minsan nagvovolunteer din sya na tumulong. After nun tinulungan ko na siyang gumawa ng assignment. Minsan nga ay kinoconsider nya na ako as her second teacher.

Gigi: Ate ang galing mo talaga sa math. I wish na someday I can be like you kasi ang bobo ko. I want to be an achiever din. Di ko pa kasi naranasan magkamedal. Ayaw ko na sa school ang hirap-hirap.

Nasaktan ako noong marinig ko yun. Hindi ko inaakala na lalabas sa bibig ng kapatid ko ang mga sinabi nya. She was only 10 and grade 4 pa lang sya.

Me: Gigi diba I always told you na hindi naman kailangan na matalino ka, kailangan lang naman talaga ay yung magsipag, matiyaga at mahalin mo ang ginagawa mo. Tignan mo si ate kahit may sakit ako nagsusumikap akong makapagtapos ng pag-aaral para maging engineer, kasi ito yung gusto ko. I will help you naman eh. Tsaka hindi mo kailangan ng medals kasi para sa amin ikaw ang the best. Kaya don't mind na yan ah.

Gigi: Yes ate.

After kong tinulungan si Gigi sa assignment nya, pinuntahan kami ni mama sa room. Ibinigay nya na sa akin ang phone ko baka daw kasi kailanganin ko sa school.

Mama: Ibibigay ko na sayo ang phone mo basta tamang gamit lang ah. Alam mo naman na nakakasama sayo ang sobrang pagka-expose sa radiation.

Me: Yes po ma, thank you!

Agad kong chinat sina Katty at Joey. Sinabi ko na that they can call me na anytime dahil binalik na ni mama ang phone ko.

(Chat room)

:Guys binalik na ni mama ang phone ko.

Katty: Owww that's good. We can have communication na, pero wag mong sasagarin ang sarili mo sa paggamit nyan ah.

:Yes poooo!
:@Joey??

Katty: Baka tulog na yan sizt. Lam mo naman yan maagang natutulog, healthy living daw hahaha.

:Osya matutulog na rin ako. GOODNIGHT:))

Katty: Goodnight <3

Bago ako matulog napag isip-isip ko na I'm so blessed because despite of my condition I have my friends especially my family who makes me feel special. They always give me strength to fight for life.

Sa pagtagal ng oras at pagmumuni-muni ko nakaramdam na ako ng antok at tuluyan na din akong nakatulog...





IMPERFECTLY PERFECT Where stories live. Discover now