CHAPTER SIX

2 0 0
                                    

Dumating na ang kinatatakutan ko. Nanghina na lang ang katawan, biglang nagdilim ang paligid ko.

Sinugod ako sa ospital ng aking mga magulang.

*Sa hospital...

Doc: Mommy wag po kayong mabibigla. Lumala na po ang sakit ng anak nyo.

Mama: Po?

Doc: Stage 4 na po. Kailangan nyo na pong makahanap ng donor para po maisagawa na natin kaagad ang bone marrow transplant.

Mama: Sige po doc sisikapin po naming mabuti na makahanap ng donor.

Doc: Maaari nyo pong ipatest ang inyo pong dalawang anak maaari pong isa po sa kanila ay magmatch kay Halley.

Mama: Sige po doc. Try po naming kausapin ang mga anak po namin. Maraming salamat po.

Pumunta na si Mama at Papa sa room ko.

Anwyll: Tita ano pong sabi ng doctor?

Mama: Stage 4 na daw ang cancer nya.

Anwyll: Ano po?

Grabe daw ang iyak ni Anwyll sabi ni Mama.

Mama: Wag kang mag-alala sisikapin nating makahanap ng donor para sa kanya. Umuwi ka muna at magpahinga ka na rin. Kahapon ka pa nandito baka ikaw naman ang magkasakit nyan.

Anwyll: Pero tita gusto ko po syang bantayan.

Mama: Kami na muna ang magbabantay tsaka kawawa naman ang kapatid mo walang kasama sa bahay.

Anwyll: Sige po tita. Pakisabi po kay Halley na babalik din po ako agad. Kayo na po munang bahala sa kanya.

Mama: Wag kang mag-alala di namin sya pababayaan.

Anwyll: Sige po mauna na po ako.

Nagising na ko. Nakita ko ang aking magulang na umiiyak habang nagkwekwentuhan.

Halley: Ma! Pa! Bat kayo umiiyak?

Mama: Oh anak gising ka na pala. May gusto ka ba?

Halley: Wala po. Ano po bang nangyari bat umiiyak po kayo ni papa?

Mama: Anak may masamang balita kasi si doc. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo.

Halley: Sige na po ma sabihin nyo na po. Pa! Please lang sabihin nyo na po!

Papa: Anak sabi kasi ng doctor lumala na daw ang sakit mo. Anak stage 4 na ang cancer mo. :(

Parang nagunaw ang mundo ko. Hindi ko akalain na dadating ako sa puntong ito ng buhay ko. Para akong sinakluban ng langit at lupa.

Papa: Kailangan na daw nating makahanap ng bone marrow para maisagawa na daw ang transplant.

Halley: Ma, Pa, si Anwyll po ba ay hindi bumisita?

Mama: Kakauwi nya lang anak. Kahapon pa sya dito sinabihan ko sya na umuwi muna dahil kailangan din nyang asikasuhin ang kapatid nya tsaka ang sarili nya.

Halley: Ah ganun po ba.

Mama: Wag kang mag-alala sabi nya naman ay babalik sya agad.

Noong oras ding yon ay binisita ako ni Katty at Joey.

Katty: Siz grabe ang pag-aalala namin sayo.

Mama: Iwan muna namin kayo.

Halley: Sige po ma.

Katty: Anong balita? Anong sabi ng doctor?

Halley: Stage 4 na daw.

Joey: Stage 4?!

Halley: Oo stage 4 na.

Diko na napigilan kaya humagulgol na ko sa harap nilang dalawa.

Halley: Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw ko pang mamatay huhuhuhu. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Gusto ko pang maging engineer.  Gusto ko pang matulungan ang mga magulang ko. Gusto ko pang bumuo ng sarili kong pamilya. Masisira pa ata ang pangarap ko dahil sa bwisit na sakit na to! Ayaw ko pa kayo iwan huhuhuhu.

Napaiyak na din si Katty dahil nakikita nya kong umiiyak.

Katty: Siz wag mong sabihin yan. Di ka pa mamamatay. Lalabanan natin yang sakit mo.

Joey: Ano ka ba diba mas malakas ka kesa sa leukemia na yan? Diba si Halley ka?

Halley: Kala ko din ang lakas ko pero nung nakita kong umiiyak ang mga magulang ko dahil sa akin, dahil sa lintik na sakit nato! Nanghina yung loob ko.

Katty: Wag ka ngang ganyan. Normal sa magulang yun, syempre nag-aalala sila sayo.

Joey: Nandito din naman kami para pagkuhanan mo ng lakas ng loob. Si Anwyll, nandyan din sya para samahan ka sa laban mo!

Katty: Siz wag kang panghinaan ng loob. Mahal na mahal ka namin. Ang laban mo ay laban din namin.

Halley: Mahal na mahal ko din kayo. Salamat ah kase lagi kayong nandyan para sakin.

Katty: Ano ka ba. Magkakapatid na ang turingan natin kaya damayan lang to no. Kaya mo yan wag kang susuko. Fighting!

Halley: Buti na lang talaga ang daming taong sumusuporta sakin kundi hindi ko na alam ang gagawin ko.

Joey: Oo naman no, maraming nagmamahal sayo kase mapagmahal ka din, mabait na anak, mabuting kaibigan, tsaka sweet na girlfriend. Maraming nagmamahal sayo kase yun din yung pinapakita mo saamin.

Halley: Grabe naman na tats naman ako dun hahahaha. Pero seryoso salamat talaga.

Katty: Nakailang salamat ka na ba ah hahahah. Wala kang dapat ipagpasalamat dahil deserve mo lahat ng support na natatanggap mo.

Joey: Tawagin na namin si tita. Kailangan narin kasi naming umalis dahil maraming schoolwork na kailangang tapusin. Wag kang mag-alala kami na bahala sa prof natin. Ipapaliwanag namin lahat para hindi din sila mag-alala tsaka para makahabol ka din sa mga lessons natin.

Halley: Sige sige salamat. Dabest talaga kayo. Mag-ingat kayo sa pag-uwi.

Katty: Bye magpagaling ka ah. Babalik din kami bukas.

Halley: Wag na kayong masyadong mag-alala sakin unahin nyo muna yung mga dapat nyong unahin. Bye!

IMPERFECTLY PERFECT Where stories live. Discover now