Still U

17 1 0
                                    

Sabi nila pag nagmahal ka handa kang ibigay ang lahat

Handa kang masaktan para sa taong pinili mong mahalin

Handa kang sumugal sa laro na walang kasiguraduhan kung mananalo kaba o hindi

Handa kang maging tanga para lang sa kanya

Handa kang isakripisyo ang kahit ano mapasaya lang sya

Handa ka !

Pero bakit ako Handa nga ba ako?

Handa nga ba akong hamunin ang pagibig para lang sa taong Hindi ko inaasahang mamahalin ko

Sa taong kahit kaylan ay hindi ako magagawang mahalin.

Nandito lang ako Nakatanaw, sumusulyap masaya na sa mga nakaw na tingin mula sa kanya

Hindi ko sya magawang lapitan dahil natatakot ako, natatakot ako na baka umiwas sya

Hindi ko magawang umamin dahil natatakot ako na baka hindi ako, hindi ako yung taong gusto nya.

Kaya sa mga simpleng nakaw na tingin ay dun ko na lamang ipinararating ang mga nais kong sabihin, mga nilalaman ng puso na pilit itinatago ng damdamin.

Mahirap? Oo sobra

Mahirap yung kahit nasasaktan kana kapag may kasama syang iba, yung may ibang nagpapatawa sa kanya ay wala kang karapatan masaktan

Una sa lahat walang Kayo

Ni hindi nga nya alam ang pangalan mo, ni hindi nga nya alam na nag eexist ka sa mundo at hindi nya kasalanang masaktan ka

Pero sino nga ba ang dapat sisihin na kahit alam mo ng walang pag asa ay patuloy mo paring minamahal ang isang taong kahit kaylan ay hindi magiging sayo.

Marami mang iba, na nagmamahal sayo at handang pasayahin ka at mahalin ay hindi mo magawang kalimutan sya.

Na hindi mo magawang Turuan ang puso mo na lumimot kahit na Paulit ulit kanang nasasaktan.

Umaaasa sa isang Bagay na kahit kaylan ay hindi mangyayari

Hanggang kaylan aasa?

Hanggang kailan magdurusa?

Hanggang kailan???

Hanggang kailan nga ba?

Dahil ako pagod na ako' napapagod na ako pero hindi ko magawang sumuko, hindi ko magawang lumimot hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko alam.💔

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon