Hi! Gusto ko lang mag sorry sayo. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung hindi kita nagawang ipaglaban, sorry kung mas pinili kong bumitaw kesa kumapit. Sorry! I don't understand kung bakit kaylangan kong maramdaman to! Kung bakit ako nasasaktan. Remember the day na tinanong mo ako kung minahal kita? Sorry kung nag sinungaling ako. Sorry kung hindi ko nagawang sabihin ang totoo ' iyun kase yung panahong gulong gulo ako. Ayokong mahulog sayo, ayoko ng pakiramdam na parang mahal na kita. Ayoko! Kaya nag sinungaling ako, pinili kong lumayo at kalimutan ka kase ayokong sumugal. Akala ko na kapag lumayo ako makakalimutan na kita na mawawala nadin yung nararamdaman ko. Pero hindi eh! Araw - araw ginagambala ako ng isip ko, araw - araw pag nakikita kita o nakakasalubong nandun yung sakit. I don't understand paano? Paanong nangyareng nahulog ako sayo. Paanong nangyare na mahal na kita'
Pinigilan ko everytime na makikita kita umiiwas ako, everytime na alam kong nandiyan ka tumatago ako, gusto kong lumimot kase alam ko na wala na. Na tapos na ' na hindi na pwede although sinabi mo na ako parin. Na walang nagbago ' Then you ask me kung meron paba? Kung mahal parin kita. Promise! Gusto kong sabihin sayo na ikaw parin na walang nagbago. Pero pag naaalala ko ang masasayang pag uusap nyo ng kaibigan ko hindi ko nagawang sabihin sayo na mahal parin kita kase alam ko na may nagbago na. O baka ako ang nagbago Sorry! Nagsinungaling ako kung kaya ko lang sigurong sabihin sayo ang tunay na nararamdaman ko sasabihin ko ang totoo. Mahal parin kita Kung iniisip mo na hindi kita minahal Sorry. Mahal kita pero Kaylangan na talaga kitang kalimutan.2 days nalang ang natitira na ilalagi natin sa school and very thankful ako kase nakilala kita. 😄 Gusto ko sanang sabihin sayo ito in person kaso wala akong lakas ng loob. Basta lagi kang mag iingat, Remember when i said na you will find someone better na mas deserving kesa sakin yung ipaglalaban ka at susuportahan ka nahanap mo na sya at alam kong mamahalin ka nya ng buo Always take care.
Handa na akong mag let go.
Masaya ako na makita kang masaya kahit hindi na ako ang dahilan. Kahit na iba na ang nagpapangiti sayo. Naway dumating ang araw na magkita tayo na wala ng sakit, galit at poot sa isa't isa. Time heals all wounds at sana makaya ko. Makaya ko ng lumimot sa kahapon na hindi na pwedeng ibalik- 07/16/17
BINABASA MO ANG
Untold Story
Novela JuvenilMay mga bagay na hindi natin kayang sabihin at ilahad sa iba subalit, sa pamamagitan ng pagsusulat na ito ay nais kong ibahagi ang buhay ko