Naaalala mo pa ba?

10 1 0
                                    

   Naaalala mo paba yung unang araw na nakilala kita
   
   
    Yung araw na kung saan Tumigil ang oras at nakulong ako sa mundo na kung saan hindi ko na alam kung paano tatakas?    
   
   
    Sa mundo na kung saan hindi ko alam ang gagawin ko,  naguguluhan at nabobobo
   
   
      Ano nga bang nararamdaman ko!  Tama pa ba yung mahalin kita kahit na mahal ako ng bestfriend mo.

     Tama pa ba' na ipaglaban kita kung alam ko namang una palang talo na ako.

     Bakit ba pilit parin tayong pinaglalapit kahit malabo,  kahit na imposible at maraming masasaktan.

    Bakit?  Kaylangan pa nating makilala ang isa't isa kung hindi naman talaga tayo ang nakatadhana para sa isa't isa.
   
   
   
    Ginawa ba yun?  Para malaman nating mali.  Na Hindi pwede?
   
   
   
    Dahil naguguluhan ako Mahal natin ang isa't isa pero bakit hindi pwede,  bakit maraming hadlang,  Bakit hindi tayo pwedeng maging masaya.
   
   
   
    Minsan naisip ko?  Kung tama pabang ipaglaban ang isang relasyon na kung saan maraming hadlang at maraming tao ang masasaktan.
   
   
    Na minsan natanong ko sa sarili ko? 
Kaylangan ba nating maging selfish at tapakan ang mga tao para makamit natin ang maging masaya.

O

Ang Bumitaw?  Para wala ng masaktan pa.

•••••••••••••••••••

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon