what if

10 1 0
                                    


May mga bagay talaga sa mundo na hindi natin inaasahan na mangyayare

Makakatagpo ng mga tao na hindi natin alam na magkakaron ng Malaking parte sa buhay natin

Minsan kase ang hirap magtiwala lalo na't minsan ka naring nasaktan, minsan ka naring nabigo, at minsan ka naring naiwan

Ang hirap magbukas ng pinto kung takot ka sa posibleng mangyare once na pinapasok mo sya sa buhay mo

Kase wala namang permanente sa mundo

Lahat nagbabago

What if kung gusto ka nya ngayon bukas hindi na

What if may mas better syang makilala kesa sayo at iwan karin nya sa huli?

What if yung akala mo totoo ay pawang kasinungalingan lang

What if pinaglalaruan kalang nya?

Sobrang hirap sumugal kase hindi mo alam kung ano ba ang dapat mong paniwalaan

Kung magtitiwala kaba?

Kung hahayaan mo ba ang puso mo na sumugal kahit may posibilidad na masaktan ka.

Kase ako mas pinili ko na ikulong ang sarili ko,

Natakot ako na masaktan

Natakot akong sumugal

Natakot akong baka pinaglalaruan nya lang ako

At alam mo kung anong pinagsisihan ko?

Yun ay ang hindi ko man lang nagawang pagbuksan sya

Hindi ko manlang nagawang paniwalaan sya

Limitado ang panahon at pagkakataon

Ngayon hindi ko alam kung bakit

Hanggang ngayon hinahabol parin ako ng mga ala ala,  ng mga nakaraan kasama sya

Ngayon na hindi na ako

Hindi na ako ang taong nakakapagpasaya sa kanya

Ngayon na may tao nang kayang ipaglaban sya

Ngayon na may isang taong mahal sya at mahal na mahal nya

Habang ako

Andito

Nasa isang madilim na pasilyo naiwan na nakakulong sa takot,  naiwan sa ala alang kasama sya

Naiwan sa madilim na pasilyo kung saan nangako sya na kahit gaano katagal hihintayin nya ako

Pero siguro nga masyadong matagal bago ko nahanap ang kasagutan

Kaya nakahanap na sya ng iba

Kaya hindi na ako ang mahal nya.

Untold StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon