Chapter 1: Meeting you again

25 2 0
                                    

ALEXIA

"Manang! Alisin mo nga sabi yan eh! I don't eat sardinas What the F!" Sigaw ko sa bagong katulong sa pamamahay ko. Kasasabi ko lang kahapon na ayuko sa sardinas pero inihain niya parin sa harap ko.Nakakainis na!

"Alexia? What's the matter?" Usisang tanong nung pinsan kong hilaw na akala mo may pake sa akin.

"Wag mo nga ako kausapin close ba tayo?" Pabalang na sagot ko.

Ang aga-aga binabadtrip ako ng mga tao dito. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at kinuha ang aking bag. First Day of school badtrip ang reyna buset! Nagtungo ako sa garahe para puntahan si Thadeo ang Lamborghini ko. Yes may pangalan, pake mo?

Agad akong sumakay kay Thadeo at pinaharurot ito ng mabilis tungong school. I saw my favorite spot but may nakaparada ng sasakyan. My anger raises. Sino nanaman kayang demonyo ang sisira ng araw ko ngayun? Bumaba ako ng sasakyan at hinarap ang guard.

"Sinong hudlom ang nagpark ng sasakyan nya sa spot ko? Baka gusto mo ng ipatawag manong!?" Galit na sigaw ko.

Nagmamadaling tinawagan ng Guard ang mayari ng sasakyan at nanginginig na nagsalita.


"Ma'am Aguirre, Papunta na raw ho" tiningnan ko lamang siya at tinanguhan. Napapagod ako magsayang ng laway.

Makalipas ang katapusan ng mundo nagpakita rin ang hudlom. Nakatungo lang ako habang naglalaro sa cellphone ko ng mobile legends. Aba'y pake ko ba sa driver na ito? Maglalaro muna ako bago ko siya kausapin.

You've slain an enemy

Double kill

Triple kill

Maniac

Savage

"Lexia? Pinatawag mo ba ako para lang panuorin ang galing mo sa ML? Kung Oo may klase pa ako baka pwedeng mauna na ako?" Tanong nung Driver na sa tono ng pananalita ay Lalake--- Sarcastic na Lalake to be exact. Tinaas ko ang kamay ko para patigilin siya at sinenyasan siyang maghintay, attitude ako bakit? Pamilyar ang boses ng lalake pero wala parin akong pake.

Napagod ata ang loko kaya nakiupo narin sa tabi ko. Desisyon din tong taong to eh. Lakas makaupo 'di naman invited na umupo.

"Palagan mo kaya mo yan! Regen para mapalagan mo! Oh first! Sige Farm! Go lang ng Go, Push niyo na yan! Attack mo yung Lord kaya mo yun! GO LANG! Ohh ayan ipa maniac mo! Ay dapat pinatay mo" Maingay na sigaw nung lalake. Inabot ko sa kanya yung phone ko ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Ohh edi ikaw maglaro! Magaling ka diba?" Inis na wika ko.

"Ang cute mo parin talaga, Hon." Nanginig ang buong pagkatao ko ng marinig ko ang endearment na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali! Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Dahan dahan ay nilingon ko ang taong tumawag sa akin ng makapanindig balahibong endearment na iyon. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa gwapo ngunit may bahid ng pagkagagong mukha ng taong nasa harap ko.

"L-Lejandro?........ At ano namang ginagawa ng isang demonyong katulad mo sa Casa De Luna? Sa pagkakaalam ko pumanaw kana? Bakit buhay kapa?" Inis na sabi ko.

Your Broken PromiseWhere stories live. Discover now