Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.
Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)
Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤
------------------------------------------------------------------------
Visit my facebook page for more info/updates:
https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl
Or add my facebook account:
https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP
Or follow me on twitter: chinchanchuu
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>UNEDITED VERSION
AWOOO 8
Tik Tak! Tik Tak!
Tik Tak! Tik Tak!
Tik Tak! Tik Tak!
"Hoy! Anong tinutunganga mo diyan sa grandfather clock?" tanong ko kay Tyron. Inilapag ko ang aking backpack sa sofa at hinubad ang aking suot na sapatos.
"Dumating kana pala?" malamig na bati niya sa'kin. Anong problema ng kumag na'to? Hindi ko talaga siya maintindihan. Minsan ang sungit. Minsan naman pa-epal, makulit at may sayad. Bipolar na mumu! Tsaka bigla na lang nang-iiwan sa ere, walang pakialam sa mundo. Kakausapin ako tapos biglang magagalit na hindi ko naman alam ang dahilan.
"Bakit ang tagal mong umuwi!" taas boses na tanong niya sa'kin.
Kumunot ang noo ko. Dinaig pa niya ang babaeng may menstrual period ah! Bahala siya. In the first place, bakit ko naman siya pro-problemahin diba? Multo lang naman siya kaya alam kong wala na siyang personal necessities na gaya ko. Speaking of personal necessities, kanina pa kumakalam ang sikmura ko. Huhuhu
Pupunta na sana ako sa may kusina nang bigla na naman itong magsalita.
"Paano kung kaya kong patigilin ang paggalaw nito?" I raised my brow. Ano na naman ang trip ng isang 'to? Nilingon ko siya at titig na titig parin ito sa grandfather clock. Ang weird lang!
"Paano kong kaya kung pahintuin ang oras?"
Nilapitan ko siya at napatitig narin ako sa pendulum bob ng grandfather clock na gumagalaw from left to right. Shet, maduduling ako nito! Teka! Ganito iyong nakikita ko sa mga circus! Naku, eto na iyon! Eto naaaa!!! Kapag na-hypnotise niya ako ay saka niya ako sasaniban!
"Paano kung kaya ko siyang pahintuin at kaya kong ibalik ang kahapon?"
"Wow, sino ka si doraemon! May kakahayang mag time travel? Ahaha—ha-ha?" sarcastic kong sagot na mukhang hindi niya nagustuhan.
"Tignan mo."
Nanlaki ang aking mga mata dahil biglang huminto iyong pendulum bob. Take note! Naka-slanting na paghinto! Like WTF! Magic! Langya! Paano?
"Pa-paano mo gi-ginawa iyon?" nauutal na tanong ko sa kanya. Napa-atras ako dahil titig na titig siya sa'kin. Naalala ko tuloy kung papano niya ako titigan nung nasa music room kami. Napalunok ako ng laway. Iyong feeling na awkward na awkward ako sa sitwasyon ganun!
"Pa-paano kung pwedi mong itama ang iyong mga pagkakamali?" hindi ako makasagot. Titig na titig lang ako sa kanya.
"Paano kung pwedi mo ng gawin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa dati?" napaawang ang mga labi ko. Gusto kong gumalaw pero pakiramdam ko ay binabangungot ako. Pinagpapawisan na ako ng malagkit. Parang may kakaiba. Hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko!
BINABASA MO ANG
Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)
ParanormalNaniniwala ka ba sa paranormal entities? Takot ka ba sa kanila? Eh paaano kung iyong bahay na titirhan mo ay pinamumugaran pala ng isang di pang karaniwang nilalang? Kaya mo bang tumira sa isang bahay kung ang housemate mo ay isang...Mumu? Zoey loat...