Awooo 1

10.6K 224 37
                                    

Ang Housemate Kong Mumu Book is now a published book under PSICOM Publishing Inc.

Now available in all leading bookstores nationwide. (P150.00 only)

Don't forget to grab a copy. Thank you! Hugs&Kisses! PlainVanillaGirl ❤

------------------------------------------------------------------------

Visit my facebook page for more info/updates:

https://www.facebook.com/pages/PlainVanillaGirl

Or add my facebook account:

https://www.facebook.com/PlainVanillaGirl WP

Or follow me on twitter: chinchanchuu

UNEDITED VERSION >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

AWOOO 1

"Ikaw lang ba mag-isa ang titira dito, hija?" Tanong sa akin ni Manong Franco na kasalukuyang binubuksan ang main door ng bahay. Nakatayo ako sa likuran niya at hawak hawak ko naman sa magkabilang kamay ang aking mga bagahe.

"Oho! Nakatanggap po kasi ako ng scholarship sa Frankenstein University at masyado po iyong malayo mula sa kasalukuyan kong tinitirhan." Sagot ko.

"Ahhh, ou. Maaari mo iyong lakarin mula dito." Aniya.

"Isa rin ho iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na ako tumutol sa kagustuhan nina Ate na dito muna ako manirahan."

Kagyat akong nilingon ni Manong Franco.

"Hindi ka ba natatakot mag-isa sa ganito kalaking bahay?" makahulugan niyang tanong sa'kin.

"Sa-sanay naman ho akong mag-isa..." nakangiti kong sagot sa kanya. Napatango siya at ibinalik uli ang kanyang atensyon sa pintuan ng bahay.

"Mabuti kung ganoon. Ah teka, bubuksan ko muna ang main switch ng kuryente..." Aniya at nagpatiunad na sa paglalakad nang mabuksan na ang pinto.

Kumunot ang noo ko nang mapatigil sa paglalakad si Manong Franco.

"M-May problema ho ba?"

Tila may kung anong bumabagabag sa kanya nang lingunin niya ako.

"Ma-Manong Franco, o-okay lang ba kayo?"

Isang impit na ungol ang sinagot niya sa tanong ko. Pagkatapos ay para siyang Zombie na naglakad ng pagewang-gewang patungo sa direksyon ko at ang kanang kamay niya ay nakaturo lang naman sa aking gawi. Napaatras ako dala ng matinding takot.

"Zo-Zoeeeyyy..."

Sisigaw sana ako nang maagap niyang mahawakan ang balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin.

"Zooo-eee-yyyy."

Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Napapikit naman ako ng mariin.

Waaaa!!! Manong Franco huwag pooo!!!

Proooooooooooooooot...

Napangiwi ako sa mabahong amoy na aking nasinghot. Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Manong Franco na hawak hawak ang kanyang tiyan habang ang isa ay nasa balikat ko na tila nagpapaalalay.

"Zoey, pasyensya na pero kailangan ko na talagang magbanyo!" aniya saka kumaripas na ng takbo palabas ng bahay.

"Kung may kailangan ka andyan lang kami sa may harapan!" pahabol pa niyang sigaw mula sa labas.

Ang Housemate Kong Mumu!(Available in Bookstores Nationwide)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon