[4]

16 1 1
                                    

Hi guys. Sorry napakalame ng mga ginagawa ko. Bale itong mga magkakasunod na update ko e, parte parin ng flashback ni Rashettine.

*****

//Flashback//

Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako kaagad sa kwarto ko. Pagod ako dahil sa kakalakad. Wala na namang sumundo sa akin at dahil gusto kong makapag-ipon, di na lang ako nagcocommute.

Nagpahinga ako saglit at pagkatapos ay naligo na at nakabihis na ng pangtulog. Ganon naman kase ang palagi kong ginagawa. Bale ang pasok namin ay 7:15-4:00, from Monday to Friday.

Nagpupunas na ako ng basang buhok ko ng nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito, si Hazel lang pala

From:
Pandak na Hazel:

Kung gusto mo ng makapasok sa Rpw bes e, sundin mo na lang ang mga sinabi ko kanina. Mga rules at iba pa. At kung may tanong ka pa.
Wag mahihiyang magtanong~
Kung may rite med ba nito~
Jokeeeee. Tanong ka lang sakin. Sige, labyuuu.

Tss ang babae talagang yun.
Dinamay pa ang ritemed.

Maya maya ay napaisip ako. Ngayon na ba ako papasok sa mundong yun? Wala naman sigurong masama dun di ba? Siguro nga wala.

_

Makalipas ang isang oras na nakaupo sa kama habang gumagamit ng cellphone ay nakagawa na rin ako ng account. Which is an role play account that will also represent that I've entered the world of RPW.

I'm so excited at the same time nervous and curious. What can be the consequences if I won't follow the rules? Of course I'll follow. Baguhan pa lang ako, ayoko namang maging toxic.

Maya maya ay nakapag upload na ako ng profile ko. Ang name ko rin rito ay Binibining_Rashettine. I find it cool dahil sa mundong pinasukan ko ay makakapagtago ako o makakatakas muna ako ng pansamantala sa totoong mundo. Oo, pansamantala lang. Gaya ng sabi ng best friend ko, lahat dito ay puro peke. Pekeng pangalan, pekeng litrato, pekeng identity at higit sa lahat maaaring pekehin ang narararamdaman.

Binantahan rin ako ni Hazel na bawal daw akong ma-in-love dito sa mundong ito dahil mahirap daw masyado. Matapos ang pagu-upload ko ay nag friend request ako sa ibang mga role player na parang sa'kin lang din ay naiiba ang kanilang mga pangalan at profile.

May mga taong nag confirm rin ng friend request ko at natuliro ako ng may magcomment sa in-upload kong profile. Sabi niya Lb.
Naku po! Pano na to? Ano ba yung Lb?

Di ko muna pinansin pero ng ilang minuto na naman ang nakalilipas ay dumarami na sila. Sinasabing Lbdp, Lb, wbdp, rb.

Aish! Naguguluhan na ako buti na lang at nag comment rin ang best friend kong si Hazel na ang pangalan ay Hansel Writes. Sinabi niya ding Lb, kaya inopen ko na lang ang messenger ko at minessage siya. Tinanong ko kung ano ang meaning nong Lb. Sinabi ba namang...

"Love back is the meaning of Lb kaya mahalin mo sila pabalik okiieee BWAAHAHAHA?"

Yan ang sabi niya pero naguguluhan pa rin ako sa mundong pinasok ko. Dapat ko silang mahalin pabalik dahil sa Lb? My god tahong! Andami dami nilang mga naglb kaya mamahalin ko sila??? Maglo-log out na sana ako sa account na yun ng magmessage si Hazel at sinabing;

"Uyy loka loka! Joke lang na mahalin mo sila pabalik. Lb means love back. Heart sa reaction in Facebook ang love kaya i-love back mo ang profile din nila. I mean kapag hinart nila ang profile mo at nag comment silang lb, Lbdp ay ihart mo rin pabalik ang profile nila. Ayun yowwwn! Naniwala ka namang mahalin sila lahat pabalik. Baliw ka talaga. "

Hayst Hazel, pinaglululuko mo pa ako. Hahambalusin kita bukas HAHAHA. Ganon pala ang lb. Ngayon ko lang narealize na ang kumplikado ng mundong 'to. At di ko namalayan na ang pagpasok ko sa mundong 'to ay siyang makakapagpabago sa buhay ko sa totoong mundo.

Ng sa di inaasahan ay nakilala ko siya. Na ang buhay kong may problema sa pamilya at pagiging masayahin kong ugali ay mapapalitan ng pagkakaayos ng pamilya ngunit may sakit pa rin sa puso kapag, siya ay naaalala ko.

_Astrid🌌

RPW ROAD TO BE TRUEWhere stories live. Discover now