Paunang Kabanata

23 2 0
                                    

Merong isang pamilya na masagana, masaya, at medyo madaming mag kakapatid sa isang lugar sa Dumarao, Capiz. Sila ang mga Jinon. Kilala ang pamilya nila dahil sa Ama nila na si Bienvinido Jinon na isang Kapitan sa kanilang barangay.

Ang ating panauhin sa kwentong ito ay si Estring.

Si Estrella Flores Jinon.

Si Estring ay isang tipo ng  dalagita na mahinhin, masiyahin, may pagka prangka ito at suplada.

Mahinhin sya dahil ganon syang pinalaki ng kanilang Ama.

Suplada at prangka sya dahil siguro namana nya sa kanyang Ama.

Masiyahin sya kasi tunay ngang masiyahin ang pamilya nya.

Ang pamumuhay nila ay masagana. Hindi sila mayaman, hidni rin sila mahirap. Alam nyo yung katamtaman? Ayun ang meron sila. Meron silang pagmamay ari na grocery. Sa barangay nila, sila ang may pinakamalaking tindahan. May bodega rin sila ng mga soft drinks. Coca cola.

"Nay, ako na ho dyan." Nagmamano na sabi ni Estring. "Doon nalang ho kayo sa bahay. Palit muna ho tayo." Nakangiting sabi ni estring sa nanay nya na si Auring.

"Nako ikaw talaga. Osya sige. Kakain lamang ako ng tanghalian at sasamahan na kita dito. Nag tanghalian ka na ba bibeng?" Tanong sa kanya ng ina nya. Bibeng ang tawag sa kanya ng knayang ina.

"Oho naman nay. Alam ko naman po na ayaw nyong mag pagutom ako. Kaya bago ho ako pumunta dito, kumain na ko." Nakangiti paring sabi nya. "Paborito nyo ko diba." inakbayan pa nito ang nanay nya. "Sige na ho nay. Ako na dito."

"Ang kulit mo talaga. Osya sige." At pumunta na nga sya sa bahay nila.

Nakabukod ang bahay nila sa kanilang tindahan. Mga kalahating kilometro ang layo mula sa kanilng bahay.

"Ang ganda nga naman ng punta ko dito, oo. Si estring pa ang bantay." Nakangiting bati ni Nestor. Mahinang tumawa ito at lumapit kay estring. "Estring, may bibilhin sana ako. Gusto kong ikaw ang mag asikaso sakin."

Napasinghal ng mahina si estring. "Nestor, pwede ba? Ako'y iyong tigilan na? Sinabi ko nang hindi ako interesado sa isang katulad mo. Mayabang ka masyado. Hindi ganon ang tipo ko."

Maniwala man kayo o sa hindi, isang chixx si estring sa lugar nila. Kung di kayo naniniwala sa pila pilang manliligaw eh, ngayon maniwala na kayo dahil ganong ganon ang manliligaw ni estring.

"Nag papa hard to get ka pa ha. May nobyo ka na ba?"

Napatingin si estring kay Nestor. Luminga linga sya sa paligid. Nang makitang konti ang tao, tsaka sya nag salita ng mahina. "Oo nestor. Kaya tigilan mo na ako."

"Bakit ka bumubulong? Ito ba ay isang sikreto?" Nakangisi ngunit seryosong ani nya.

"Nestor, pwede bang ako'y iyong tigilan? Baka may makarinig sa'yo. Alam mo naman kung gaano kahigpit ang ama ko." natatarantang ani nya.

"Osige, mananahimik na ko. Ngunit sa isang kundisyon." ngumiti ng pilyo si Nestor. "Pahawak ako ng kamay mo. Mga limang segundo lang Estring." naging masuyo ang ngiti neto. Kilalang pilyo ang binata, kaya hindi sya masyadong nakikipag biruan dito. "Sige na Estring."

Napabuntong hininga si Estring. "Paano pag may nakakita sa atin? Ano na lamang ang kanilang iisipin? Pwede bang itino mo yang sarili mo? Kakasabi ko pa lamang na ako ay may nobyo. Ililibre na lamang kita ng maiinom. Ayos ba yon?" ngumiti ng pagka ganda ganda si Estring. Sino ba si Nestor para tumanggi? Napaka ganda nyang ngumiti.

"Hay, osya sige. Ilibre mo nalang ako ng Coke. Yun ang gusto ko. Ililihim ko ito."

Napapalakpak si Estring sa sinabi ng binata. "Masusunod po, Kuya Nestor."

Agad na kumilos si Estring upang kuhaan si Nestor ng maiinom. Nang makakuha sya, agad nyang isinalin ang laman ng Coke sa isang supot ng plastik.

"Heto na ang iyong inumin." ngumiti ito ng pagka ganda ganda. "Ano nga palang bibilhin mo?"

Napakamot sa pisngi si Nestor. "Mabuti at ipinaalala mo. Muntik ko nang makalimutan. Kalahating kilo ng pako, yung uno ang sukat, tapos yung pang tapal sa bubong?" kinamot nya ang noo nya, "Ano nga ang tawag don?"

"Iyong Vulcaseal?"

Napa palakpak sya sabay turo kay Estring. "Oo, yun nga. Nadali mo!"

Napatawa si Estring at nag umpisa ng asikasuhin ang mga bibilhin ni Nestor. Iniutos nya sa mga trabahador ang pagkuha ng mga yon.

Nang matapos na ito, iniabot na ni Nestor ang bayad nya. "Heto, Estring. Maraming salamat." at nag paalam na nga sya.

Ganoon ang ginagawa ni Estring sa buong mag hapon, pag may bumibili, pag sisilbihan. Nang dumating ang hapon, dumating na ang kanyang Ina. Sinabi neto na pinapatawag sya ng kanyang ama. May pag uusapan daw sila.

Nang makarating sa silid ng magulang nya ay agad nyang binati ang kanyang Ama na nakaupo sa kanyang magarbong upuan. Ayon sa mukha neto, wala naman sigurong masamang nangyari. Grabe ang takot ng mag kakapatid sa kanilang ama.

"Pinapatawag nyo daw po ako Pa?" kinakabahang sabi ni Estring.

"Ikaw ba ay may nobyo na?" walang kasing istriktong sabi ng ama nya.

Bigla ay para syang naputulan ng hininga. Ang akala nya na magandang usapan ay nauwi sa ganto. Paano nyang nalaman iyon?

"Ah.. Opo Papa"

"Sino?"

Pakiramdam nya ay mahihimatay na sya sa kinatatayuan nya. At pakiramdam nya ito na ang huling araw nya.

"Si... Si... Si Romeng po Pa,"

Pagkarinig nang pangalan ay agad na napatayo ang ama nya sa narinig.

"Sino kamo? Si Romeng? Anak ni Francisco?"

Alam nyang nang gagalaiti ang kanyang ama. Sa kadahilanang anak iyon nang kaaway ng kanyang ama. Napapikit sya sa takot. Hindi malaman ang sasabihin. Nanginginig na ang kanyang mga kamay sa sobrang takot sa ama. Ni hindi na sya makatingin.

" Pa.. Patawarin nyo po ako. Pero mahal ko po si Romeng.. Hindi naman po sya hadlang sa pag aaral ko at sa pag aasikaso sa tindahan.. Bibihira rin po kaming magkita, lalo na po ang magkasama. Pasensya na po Pa.."

Nangangatog na ang huong katawan nya, tumingin sya sa kanyang ama na ngayon ay sobrang sama ng tingin sa kanya. At ang mas kinagugulat nya ay ang hawak neto. Meron na syang hawak na buntot ng pagi, na lagi nyang pinapalo sa amin.

Walang ano ano na pinalo sya ng kanyang ama sa hita. Agad na lumatay ang pagkahampas doon. Napapikit sya sa sakit. Alam nyang bawal iyon pero itinuloy nya dahil mahal nyang tunay si Romeng

Maya maya ay dumating ang kanyang ina. Pilit na pinipigilan ang kanyang ama sa pag palo sa kanya.

"Bienvenido! Tumigil ka! Itigil mo ang ginagawa mo! Maawa ka sa anak mo!"

Natauhan bigla ang kanyang ama, agad na tumigil sa ginagawa. "Lumayas ka ngayon din. Kung hindi ay mapapatay kita." nang gigigil na ani ng kanyang ama.

Agad syang tumalikod at pumunta sa kwarto nya. Nagkulong sya at hindi na kumain ng hapunan. Mag damag syang umiyak. Hindi alam ang gagawin.

Sa huli ay napag desisyonan nyang lumayas. Sakal na sakal na sya sa kanyang ama. Kaya pag dating ng alas tres ng madaling araw, lumayas sya.



Here's my update for today!! Sa susunod na araw ulit mga kaibigan. Sana nagustuhan nyo ang aking update ngayon. Mag ingat po ang lahat. Wag lumabas upang di mahawa ng sakit 💖

Godbless us all 🌻

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now