Pangalawang Kabanata

11 0 0
                                    

Pag dating ng alas dos ng madaling araw, kumilos si Estring upang tuparin ang nais ng ama. - ang lumayas. Inayos nya ang kanyang mga gamit at kinuha ang ipon nya sa kanyang damitan. Nag dahan dahan sya palabas ng bahay, patungo sa kanilang tindahan. Pumasok sya at kumuha ng makakain at perang nag kakahalagang apat na libo. Nang makakuha na sya, lumabas sya at handa ng umalis.

Bago sya tuluyang umalis ay tinignan muna nya ang bahay na kinalakihan. Naluluha sya sa pag tingin dito. Ngayon lamang sya sumuway sa ama. Lahat ng gusto nito ay sinusunod nya. Ng akmang aalia na sya, nasilayan nya ang ina nya na lumuluha, nag lalakad papalapit sa kanya.

"Anak ko, wag kang umalis. Ako ang bahala sayo, ipapaliwanag natin sa ama mo ang lahat." umiiyak na ani ng ina nya.

"Nay, sobrang sakal na po ako. Sakal na sakal na.. Pag pasensyahan nyo po ako saking plano, mahal na mahal ko kayo nay." naluluhang aniya.

"Manatili ka na lamang dito bibeng.. Nag mamakaawa ako sayo anak, wag kang umalis." hawak hawak ng ina nya ang kanyang braso na maingat netong hinawakan.

"Nay, kung hindi mo ko paaalisin ay magpapakamatay ako sa harap mo."

Ganoon kadisido si Estring. Makalayo lamang sa ama, gagawin nya ang lahat .

"Hindi anak.. Ayoko.." kumuha ng pera ang ina nya sa kanyang bulsa, binigyan eto ng karagdagang dalawang libo. "Magpakalayo ka...sulatan mo ako. Lagi mo akong babalitaan, ha?"

Naluha na napatango si Estring "Opo nay, mag iingat po kayo, mahal na mahal po kita nay. Kayo ni Papa. Susulat po ako lagi sa inyo. Pangako." ngumiti si estring ng pilit at niyakap ang ina nang mahigpit. Humalik sya dito at tumitig ng matagal. Pinagmasdan ang ina na matagal nyang muling makikita.

Tumalikod na sya at lunakad ng umiiyak. Sobrang sakit para sa kanya na gawin ito, pero desidido na sya sa plano nya. Kung san man sya mapadpad ay hindi nya alam.

Sa kalaunan ay naisipan nyang pumunta sa kanyang Tiya sa Mindanao. Doon muna sya mananatili hanggang sa makapag isip sya para sa sarili.

Habang bumabyahe papuntang Mindanao, naisip nya ang kanyang nobyo. Masakit sa kanya na hindi ito nakapag paalam. Hindi sya pumunta sa bahay ng nobyo dahil alamng ama nya na pupuntahan eto doon. Inisip nyang lumayo muna. Yung tipong malaya, gustong magawa ang lahat ng hindi pa nagagawa. Itinigil ang pag aaral para sa pansariling nais, ngunit eto ang gusto nya. Maging malaya.

Bigla ay sumagi sa isipan nya ang pagkikita nila ni Romeng, napangiti sya ng kusa. Naaalala nya ang pagkasabay nila sa isang Bus, magkalapit sila ngunit hindi nag papansinan. Gusto man nilang maghawak kamay ay bawal. Maraming nakakakilala sa kanya at baka makarating sa ama neto. Mayayari silang dalawa pag nag kataon.

Sa bus na yon, tanging tinginan lang at ngitian ang kanilang nagagawa. Tamang kindat si romeng at si estring naman ay di mapalagay sa kilig na nararamdaman.

Bigla ay nalungkot ang kanyang mukha, hindi na nya masisilayan pa si richard. kung makikita man nya, hindi man ngayon, pero sa susunod na panahon.

Nang magising na sya ay nasa terminal na sya ng bus. Hinanap nya ang maguindanao na linya at sumakay ng nakita yon. Umupo sya sa pinaka dulo at tumingin sa bintana.

"Alas kwatro na pala, napaka bilis ng oras. At ilang minuto nalang ay makaka alis na ko dito sa Capiz. Ano kaya ang magiging buhay ko?" napabuntong hininga sya. "Nagugutom na ko, hindi pa pala ako kumakain."

Habang bumabyahe sya ay inilabas nya ang pagkaing nakuha nya sa tindahan nila. Inunti unti nya yon kasi sa mindoro pa ang susunod na terminal. Natulog syang muli yakap yakap ang kanyang bitbit.

Paglipas ng dalawang araw ay nakarating na sya sa wakas sa Maguindanao, Mindanao. Napakahaba ng byahe nya. Hindi nya inintindi ang pagod na naramdaman dulot ng pagkaupo nya. Inunat nya ang kamay at tumingin sa paligid at bumulong, "Maligayng pagbabago Estring."

Nag lakad sya patungo sa terminal ng Padyak. Sinabi nya ang lugar kung saan nakatira ang Tiya. Kinakabahan sya ngunit talaga nga namang desidido na sya. Iindahin nya ang panenermon ng Tiya nya. Alam nyang mag aalala ang ama nito ng husto. Pero masyado syang masaya na nakalaya sya para intindihin yon.

Nang makarating sa tahanan ng tiya, tila nanginginig ang kanyang kamay. Maraming nakatingin sa kanya, wari ay kinikilala ang kanyang mukha. Kumatok sya sa pintuan ng tahanan. Maya maya ay bumukas iyon at sobrang ganda ng pagkangiti nya sa sumalubong sa kanya.

Tila ay nawala ang pagka ngiti nya nang makita ang sumalubong. Rumespeto sya rito na may kasama pang pag yuko ng mababa.

"Ah, andito po ba sk Tiya Fe? Pamangkin nya po ako."

Tinitigan sya ng lalaki, may paghanga sa kanyang mata. Nagagandahan ata sa kanya. Sabagay, maganda naman talaga sya.

(CHAROT HEHE maganda mama ko 💖)

"Andito sya binibini. Tuloy ka," iminuwestra nito ang kamay nya papasok. Kaya pumasok ako sa loob at umupo sa may katigasan nilang bangko.

Luminga linga ako sa paligid, may nakitang larawan at tinitigan iyon. Hindi nya namumukhaan ang mga nasa litrato. Marahil ay matagal na panahon na syang huling pumunta rito.

Maya maya lamang ay dumating na ang tiyahin nya. Agad na bumalatay sa mukha nito ang gulat at pagkasabik. Nginitian nya nang magabda ang tiya.

"Tiya Fe, kamusta po kayo?" napakaganda ng ngiti neto na sinalubong ang tiyahin.

"Ayos naman kami dito. Anong nakain mo at napadpad ka dito?" naguguluhan man ay bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan na makita sya.

"Pinalayas kasi ako ni Papá, may hindi magandang nangyari sa bahay." kinamot nya ang pisngi nya at tumingin sa tiyahin. Alam na nya ang susunod. Ang mala baril netong bunganga.

"Ano?! At dito mo naisipan na tumira?! Paano pag nalaman ng ama mo na andito ka?! Edi parehas tayong nabaril non, pagnagkataon?! Ano ba ang ginawa mo at pinalayas ka ng ama mo? Mag sabi ka sakin, Bibeng. Wag kang mag sinungaling." nakapameywang na to habang nanenermon. Nako naman. Eto na ang sinasabi ko.

" Tiya, nalaman kasi ni Papá na may nobyo ako. Iyong si Romeng? Anak ni Tatay Francisco na mortal na kaaway ni Papá? At nung nalaman nya, pinalayas nya ko.. "

" Ano ka ba namang bata ka, oo. Anong sabi ng inay mo?"

"Wala po. Pinagbilinan lang ako."

Napatapik sa noo si Tiya Fe, "Jusko kang bata ka. Ano nalang sasabihin ng ama mo? Kinukunsinti kita?"

"Wag nyo na lamang sabihin kay Papá. Ako na po ang bahala. Tutulungan ko po kayo sa lahat ng bagay tiya. Pangako po"

Nangangako sya sa bagay na wala syang kaalam alam. Ang pag lilinis at pag aasikaso sa bahay.

Lumaki si Estring na may katulong sa tabi nya. Marami silang trabahador. Marami ring katulong. Marami silang magkakapatid kaya siguro ganon. Kung sya ay tatanungin kung ilang silang magkakapatid?

Dose silang lahat. Pang pito sa magkakapatid si Estring.

Oo tama kayo nang nababasa. Isang dosena sila. Lahat ay may katulong, kaya lumaki nang walang alam sa kahit anong gawaing bahay.

"Wag mo akong niloloko Bibeng, tuturuan na lamang kita. Para matuto ka naman."

Nag liwanag ang mukha nya. Tila binalot ng kasiyahan ang buong pagkatao nya.

"Nako, maraming salamat Tiya Fe," hinawakan nito ang kamay ng tiya. "Maraming maraming salamat po. Tutulong po ako sa gastusin at sa pagkain. Binigyan ako ng ina ng panggastos ko. Bibigyan ko po kayo."

"Osige na, ipaghahanda kita ng makakain. Pag tapos non eh iaayos ko ang iyong kwarto."

Malambing na nang yakap si Estring sa Tiya, "Maraming maraming salamat po tiya."

Magkasunod silang pumunta ng kusina upang kumain.

❇️❇️❇️❇️❇️❇️

Hello sa inyo. Sana nagustuhan nyo ang bagong update ko. Sorry sa pagtatagalog, first time kong sumulat kaya sana nauunawan nyo ko.

Keep safe and God bless.
I love you all.
🌻

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now