Pangatlong Kabanata

12 0 0
                                    

Maagang gumising si Estring upang makatulong sa gawaing bahay. Upang hindi maging pabigat, tumulong syang maglinis, ginagaya nya sa isip nya kung ano ang nakikita nya sa mga katulong nila. Napabuntong hininga sya sa naisip, Magiging mahirap to para sa akin , pero kakayanin ko. Kahit anong mangyari. Kailangan kong panindigan ang aking desisyon.

Ginalaw nya ang kaldero, nakatunganga sya sa hawak nya, di alam kung anong gagawin. Luminga sya at nakita sya ng kanyang tiyahin. Umiling ito at sinabing maupo na lamang sya. Wala syang nagawa at sumunod na lamang.

Habang nag mumuni sya ay naisipan nyang mag tanong, tungkol sa lugar kung saan nag papadala ng sulat. Nais nyang sumulat sa ina, pati narin sa kanyang nobyo.

"Tiya, nais ko lamang mag tanong, saan po ba ihahatid ang sulat na nais kong ibigay kay inay?"

"Sa kabilang bayan iyon, iha. Mabuti naman at susulatan mo sya. Para hindi mag alala ang ate Auring. Papasamahan na lamang kita sa mga pinsan mo mamaya. Ayos ba yon?"

Ngumiti sya ng maaliwalas. "Ayos na ayos po tiya, mag susulat lang po ako, pagkatapos mag agahan ay aalis na po kami para ihatid ang sulat."

Pumunta sya sa inaakupahang kwarto at kumuha ng papel. Nag umpisa na syang sumulat.

Mahal kong Ina,

            Ina, maayos po akong nakarating dito kila Tiya Fe. Maayos po ang kalagayan ko dito. Inay, nalulungkot po ako sa desisyon ko pero eto ang gusto ko, kahit na pansamantala lamang, makalanghap ako ng malaya. Yung walang pipigil sa akin. Pasensya napo inay, dahil sa sariling kagustuhan ko. Alam ko na pinapahanap na ko ni Papá, pero wag nyo po sana sabihin kung asan ako, babalik din po ako dyan, ngunit hindi pa ngayon. Pangako po iyan inay, mahal na mahal ko po kayo ni Papá, pati narin ang aking mga kapatid.

          Palagi po kayong mag iingat ina, palagi nyo pong tatandaan na mahal na mahal ko po kayo..

Nag mamahal,
Bibeng

Pinahid nya ang luha nyang tumulo. Hindi nya mapigilan ang emosyon nya. Nasasaktan sya sa isiping nasaktan nya ang kalooban ng ina nya. Pero alam nya sa sarili nya na naiintindihan ng kanyang ina ang nararamdaman nya. Alam nyang ayaw ng ina nya na magaya sya sa kuya nya. Ang nagpakamatay sa harapan ng Papá nya at sa sakanya.

Sumunod ay sumulat sya para kay Romeng, ang pamamaalam neto, nag sasabi na umalis sya pansamantala. Na kung sakali ay kung kaya nyang hintayin sya ay hintayin nya. Mahal na mahal nya ang binata. Ito ang unang lalaking minahal nya maliban sa ama at mga kapatid nya.

Napaka buting tao ni Romeng. Isa sya sa mga lalaking pang asawa ang datingan. Maasahan sa lahat ng bagay. Nasa Mahirap ang kanilang estado sa buhay. Ngunit wala syang pake don. Basta ang alam nya mahal nya ang binata. Tapos ang usapan.

Nang matapos sumulat ay nanghingi sya ng sobre sa kanyang tiya. Dalawang sobre para sa ina at nobyo. Nagtaka ang tiya nya pero di na nagsalita.

Pagkatapos mag umagahan, lumabas sila ng pinsan nya, upang pumunta sa kabilang bayan. Medyo may kalayuan pero ipupursigi nya ang sarili kahit pa hindi sya sanay sa lakaran. Ayaw nyang ipadala ito, gusto nya sya ang gumawa non.

Habang nag lalakad sila, ang daming tumitingin sa kanya. Palibhasa ay bago lamang sya. Mainit sa mata ng mga tao. Inayos nya ang may kahabaang kulot nyang buhok, hindi yon buhaghag. Saktong sakto sa itsura nya at mas lalong umaangat ang ganda.

Sa di kalayuang tindahan, nakita nya ang lalaking sumalubong sa kanya kahapon sa pintuan ng Tiyahin nya. Kinalabit nya ang pinsang babae, si Amanda, lumingon ito sa kanya at nag tatanong ang mukha neto, " Ano yun Estring?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now