Chapter One

6 1 0
                                    

Bumuntong hininga nalang ako at tinitigan ang sarili sa salamin.

Kailangan ko ng magmadali. Baka hinihintay na ako nila Pat.

"Ate! Bilisan mo na! Naghihintay na sila sa simbahan!" rinig kong sigaw ni Lloyd.

Bumuntong hininga nalang ulit ako. Sana, sana kayanin ko. Sana, maging maaayos ang lahat pagtatapos nito.

Sana.. Sana..

Tahimik lang ako buong biyahe namin papuntang simbahan.

This will be the last time that I'll be with him. Huli na 'to, self. Kaya pa ba?

Huli na'to. Pagkatapos nito, kailangan ko nang bumalik sa dating ako. Dahil pagkatapos ng araw na'to, Wala na. Back to zero na ulit. Back from the beginning. Babalik na ulit ako sa pagbibilang, pagsisimula at pagbabago.

Right after this day, tapos na ang istorya ko kasama siya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ate Race nang mapansing tahimik lang ako sa tabi niya.

Nakikita ko ang awa, lungkot at pag-aalala sa mga mata niya, habang nakatingin a'kin. She knows everything.

Tumango ako saka ngumiti.

"I will be, Ate, soon." Sagot ko at humarap sa bintana.

Sana nga..

Bumalik ang kaba, sakit, at lungkot sa dibdib ko nang tumigil na ang sasakyan namin sa tapat ng simbahan. I can't help it. Parang naiiyak na agad ako sa nakikita ko. Masasaktan na naman ako.

Ang tanga mo kasi, Maru!

"Let's go. Late na tayo." ani Mama.

Mabigat ang loob na bumaba ako ng kotse at sinulyapan ang entrada ng simbahan. Ang daming tao. Tutuloy pa ba ako? Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko sa masasaksihan ko. My chest hurts. The pain is making me numb. I can't breathe.

Pinigilan ko ang pamumuo ng luha ko at nagsimula nang maglakad papasok habang nasa unahan sila Mama. It feels like my heart's about to shutter, everytime i took a step closer to the entrance. Everytime i took a step forward, the pain is also increasing. The pain is piercing in my chest, it's breaking me to a million pieces. Para akong unti-unting pinapatay sa bawat hakbang ko.

Nilingon ako ni Ate Race, looking so worried about me. Ngumiti lang ako ng pilit at tumuloy na papasok. This is the last time, Maru. Maging matapang ka naman. You've been a coward for all your life.

Sana, pagkatapos nito. Maging masaya na ulit ako. Dahil alam ko, pagkatapos nito, magiging masaya na rin siya.

...

"MARIA Rosario! Gumising ka na!"

Halos malaglag ako sa kama ng marinig ang nakakabulabog na sigaw ni Mama. Namumungay pa ang mga matang bumangon ako sa takot na baka makatanggap pa ng nanunuot sa butong sakit na taglay ng kurot ni Mama.

Hinagilap ko ang tsinela na pambahay sa ilalim ng kama ko saka binalingan ang orasan. Shet! Bakit ba hindi na naman nag-alarm ang lechugas na alarm clock na 'yan!

Napamura nalang ako ng mahina bago tinakbo ang daan papunta sa banyo.

"May exam pa naman kami ngayon!"

"Ate! Tawag ka na ni Mama!" sigaw pa ni Lloyd mula sa labas ng kwarto ko.

Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Basta ko nalang hinayaan ang bass Kong buhok nang hindi tinutuyo ng tuwalya at nagsuot nalang ng medyas.

Hinanap ko pa ang sapatos ko sa ilalim ng kama, maging ang neck tie ko. Humarap ako sa salamit at napamura na naman ng makitang baliktad ang polo ko!

Restart : Moments with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now