Bumabalik na naman 'yong sakit. Bumabalik na naman lahat. Mariing ipinikit ko ang mga mata at pinilit ang sariling tumingin sa paring nagsasalita sa unahan. Kailangan kong kumalma kahit sobrang hirap. Kahit hindi ko kaya. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, walang ibang magpapakalma sa'kin. Hindi tulad noong nasa tabi ko pa siya.
Today, I will set him free. I wish him to be happy. Even if it hurts this much, titiisin ko. Para sa kanya. Kahit gaano kasakit, kahit sobrang hirap. Pagdating sa pagbabago, wala tayong ibang pagpipilian kung hindi ang masanay.
Pakiramdam ko tumitigil ang pagtibok ng puso ko habang tinatanaw siya. Bakit ganito kasakit? Para akong sinasaksak ng ilang libong kutsilyo sa dibdib. Para akong sinasakal na halos hindi ko na kayang huminga habang nakatanaw lang sa kanya. Habang hinahanda ang sarili sa pagpapalaya sa kanya.
Namalayan ko nalang na hindi na ako tumatakbo o naglalakad. Tahimik lang akong nakatanaw ngayon sa kanila. Habang masaya silang tumatawa na para bang wala silang ibang iniisip kundi ang sandaling iyon lang. Na para bang kanila lang ang oras na 'yon. Bawal umiksena.
Masakit pala talaga. Masakit makitang masaya siya kasama ang iba. Mula sa pagtanaw sa kanila ay sarili ko ang nakikita kong nasa tabi niya. Nababaliw na yata ako. Dahil iniisip kong ako ang babaeng nasa harapan niya, kahit nandito naman talaga ako. Nanonood lang mula sa malayo.
"Marie!" Narinig kong tawag ni Ally sa pangalan ko. Hindi ko namalayang nakatayo na pala ako sa di kalayuan sa tapat ng gate nila.
Mabilis na tumakbo ito patungo sa gate at binuksan saka ako nilapitan at niyakap. Sumunod naman dito si Jeremie habang nakangiting nakatingin sa amin. Ngumiti lang din ako saka kumalas din agad sa yakap ni Ally. Hindi kami ganoon kaclose pero lagi siyang ganito tuwing nagkikita kaming dalawa. Walang dudang maraming nagkakagusto sa kanya dahil sobrang bait niya.
"Ghad! It's been years! I missed you! Kamusta ka na?!" Nakangiting aniya saka hinawakan ang dalawang kamay ko. Halatang galak na galak sa pagkikita namin.
Ngumiti ako at napatingin kay Remrem na nakangiti lang habang nakapamulsa sa gilid ko. Nag-iwas din ako ng tingin nang mapalingon siya sa'kin. Kung ano mang meron sa mga mata ko, ayokong makita niya iyon ngayon. Huwag ngayong masyado akong mahina. Huwag ngayon alam kong masakit.
"Ayos lang. Medyo busy kasi graduating." Naiilang na ani ko.
"Oh. Buti nalang, Tapos na ako sa ganyang kabusyhan. I'm currently working to provide my needs. I'm already earning for myself." Aniya. Pilit na ngumiti nalang ako dito. "Nga pala! Galing ka sa school?"
"H-Ha? Ah. O-Oo, ano kasi. Nagtext si Mama. Nagka-emergency sa bahay." Pagsisinungaling ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Jeremie. Nag-iwas ako ng tingin at bumitaw na sa hawak ni Ally sa kamay ko. "Paano, una na muna ako." Paalam ko at tumalikod na para iwan sila. Baka marami pa silang pag-uusapan. Ayokong makaistorbo.
Humakbang na ako palayo at hindi na ponansin ang pakiramdam ng paghabol ng tingin ng kung sino sa'kin. Masasanay din ako.
Sasanayin ko nalang ba ang sarili ko sa ganito? Hindi ko din alam. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako gamito pero sana, sana balang araw magawa ko ring makaalis sa linyang ginuhit ko sa pagitan naming dalawa.
Another day came. Same routine. Same feeling. I feel like not going to school, pero kailangan. Kaya kahit ayoko ay pinilit kong pumasok para sa long quiz sa accounting. Ayos lang bumagsak sa pag-ibig, huwag lang sa school activities.
Walang buhay na naglakad ako papasok sa room at pabagsak na naupo sa upuan kong katabi ng bintana. Kaonti palang kami kaya pinili ko nalang munang pumalumbaba at tumanaw sa malawak na field katapat ng classroom namin. Pinapanood ang iilang senior na naglalaro ng basket ball sa open court malapit sa building ng sport science. Parang gusto ko ding maglaro nalang sa labas kaysa maghintay dito sa loob. Lalo lang akong nag-ooverthink.
YOU ARE READING
Restart : Moments with you [ON-GOING]
Literatura KobiecaShe was always been there for her bestfriend. She fell in love with him. Always have a chance to confess her feelings but she never tried to. What if, she lose her chance and had nothing left to do, but to accept the fact that she didn't let him kno...