Chapter Two

8 1 2
                                    

Halos lahat na yata ng turo-turo na pwede naming kainin ay kinain namin hanggang sa mabusog.

"Laka talaga kumain nito ni Annetot." pang-aasar na naman ni Ralph kay Anne na mabilis nalukot ang mukha.

"Tumahimik ka dyan! Pera ko naman pinambili ko dito." irap niya kay Ralph na tumatawa lang.

Natigil ako sa pagngiti ng maramdaman ang kamay ni Remrem sa gilid ng labi ko. "Kalat kumain, eh." nakangiting aniya habang pinupunasan ang sauce ng fishball sa mukha ko.

Iniwas ko ang mukha ko at alanganing ngumiti. "Ako na." Tumango naman siya at nakangiti pa ding bumaling kina Finn.

Huminga ako ng malalim ng maramdaman na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagwawala na naman ito sa loob ng dibdib ko dahil lang sa simpleng paghawak niya.

"Kalma, self. Kalma." Pumikit ako ng mariin bago isinubo ang huling fishball sa stick na hawak ko at tinungga ang gulaman ko.

"Perya na tayo?" aya ko sa kanila saka nauna nang maglakad sa entrance ng karnabal.

Naramdaman ko naman agad ang pagsunod nila sa'kin. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon. Nagtext na si Mama.

Mama: Rosario! Uwi ng maaga, ha, hindi umaga!

Napangiti lang ako bago nagtipa ng reply.

Ako: Aye aye, Captain!

Saka ibinalik na ang cellphone sa bulsa. Sina Ralph at Patrick na ang bumili ng ticket habang naghintay naman kami nina Anne sa gilid ng Entrance. May entrance ticket pa kasi.

Nag-angat ako ng tingin ng maramdamang may tumabi sa'kin. Nakita ko agad ang nakasimangot na mukha ni Remrem sa'kin. Kinunotan ko siya ng noo.

"Anyare sa mukha mo?"

Mas pinalungkot naman niya ang mukha at Mas ngumuso na parang batang iiyak. "Para kang sira!" Hindi ko mapigilang mapangiti sa inaasta niya.

Bakit ba hindi ko matiis ang lalaking 'to?

Hanggang maibigay na namin ang entrance ticket sa bantay ng perya ang ganun lang siya sa tabi ko. Parang nagpapaawa pa.

"Ano ba kasi 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nag-walk out ka, eh." nakanguso pa ding aniya. Sinamaan ko siya ng tingin kahit nangingiti na talaga ako.

"Tigilan mo nga 'yan! Para kang sira!" Inabot ko ang mukha niya at pinilit inaalis ang pagkakanguso niya pero ibinabalik din niya sa pagpapaawa.

Naiiwan na tuloy kami nina Anne. "Jeremiah! Ano ba?!" tuluyan na akong natawa at hinampas siya sa dibdib. "Isip-bata mo!"

Nag-crossed arms pa siya pero humagalpak din ng tawa. Nilingon ko ang mga tao sa paligid at agad tinakpan ang bibig niya ng mapansing pinagtitinginan na kami.

"Wag ka ngang maingay! Baliw ka talaga!"

Inalis naman niya ang kamay ko sa bibig niya. Binalingan ako na tumatawa pa din pero mahina na. Pagkatapos ay huminga ng malalim saka ngumiti.

"Akala ko galit ka sa'kin, eh." sabi niya bago ginulo ang buhok ko at umakbay sa balikat ko.

"Bakit naman ako magagalit?" tiningala ko siya at tinaasan ng kilay. Nag-umpisa na ulit kaming maglakad.

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi, kapag nananahimik ka. May nagagawa akong hindi mo nagugustuhan." tumingin siya sa'kin ng mataman saka ngumiti ng maliit. "Ayoko ng pakiramdam na galit ka."

Nag-iwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Pinapakaba mo lagi ako." bulong pa niya. Hindi ko na siya nilingon at hinanap nalang namin sina Ralph. Natagpuan namin sila sa pila ng Caterpillar.

Restart : Moments with you [ON-GOING]Where stories live. Discover now