Chapter 2: New Friend or Enemy?!

14 2 0
                                    

*****   Allison's P.O.V.    *****

"I wonder baket kaya ganto si Caleb, kala mo hindi ko naririnig mga sinasabi niya ng pabulong" bulong ko sa sarili ko, habang naglalakad kami papuntang parking area.

"Ano nga ba ulit yung sinasabi mo kanina?" tanong ko sakanya.

"Ah ayun? wala yun next time ko nalang ulit sasabihin sayo. Sakay ka na" Pinagbuksan ako ng pinto ni Caleb at sumakay ako.

"Bakit ba antagal tagal niyo? nag date pa kayong dalawa no?" sabay irap at patawang sabi ni Calli.

"Anong date date? eh eto kasing si Allison, makikipag away pa ata dun sa nakabangga sakanyang lalaki" Sagot ni Caleb kay Calli.

"Fyi, di ako makikipag talo no! and by the way Calli ang cute cute niya. Para siyang yung mga ideal guy sa wattpad!! grabe matangad tapos mistiso tas maputi. Grabeeee eto na ata sis!" sabi ko kay Calli.

"Nakuha mo pangalan? ano daw pangalan sis?" tanong ni Calli sakin.

"F...Fe...Felix!! ayun Felix pangalan niya, mukhang mabait naman sis!" sagot ko sa tanong ni Calli.

"Wattpad wattpad, ideal guy daw! Maputi lang naman at matangkad. Tas pag niloko kayo sasabihin niyo lahat ng lalaki manloloko, pano mas pinipili niyo looks over attitude!" Biglang singit ni Caleb sa usapan namin ni Calli.

"Ay ang lalim naman pala talaga ng pinaghuhugutan, sino ba yan Caleb ha?" tanong ni Calli kay Caleb.

Bigla nalang tumahimik si Caleb at hindi nagsalita. Natulala nalang siya bigla.

"Tara na tara na, saan niyo ba plano pumunta?" biglang sabi ni Caleb.

"Coffee shop napag usapan namin kanina ni Allison" sagot ni Calli sakanya.

Agad inistart ni Calli yung kotse at nag drive, habang ako nagbabasa lang dahil hindi ko parin tapos.

Tiningnan ko saglit si Caleb, nakita ko na busy siya kakapindot sa cellphone niya habang naka earphones. Kala mo may tinatype na pagka haba haba. Biglang tumingin saken si Caleb, sabay iwas ko ng tingin at balik ng tingin sa binabasa ko.

***** Caleb's P.O.V. *****

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, mukhang gusto niya yung lalaking yun. Pero sino nga ba ako? bestfriend nga lang pala turing neto saken. Tiningnan ko siya, ngunit nahuli ko din siyang sumulyap saken.

"Ang ganda ganda parin talaga niya, kahit na sobrang naadik na siya sa wattpad. Kahit na iba ang gusto niya. Gusto ko lang naman ang sumaya siya, kahit sa ibang tao ko siya makitang masaya. Ayos na atleast alam kong masaya na yung taong mahal ko." Ayan ang mga bagay na naiisip ko pag tinititigan ko ang isang Allison ang nagiisang mahal ko sa buhay.

Nakita kong parang naluluha si Allison, kaya medyo lumapit ako sakanya.

"Ano ba yang binabasa mo? parang naiiyak ka sa kwento na yan ah?" tanong ko kay Alli.

"Eh eto kaseng writer na to, napaka galing magpaiyak. Lagi nalang talaga!" sagot niya saken.

"So ano ngang title ng story na yan? maganda ba talaga?" Sagot ko ulit sakanya.

Let Me Tell You A StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon