***** Caleb's P.O.V. *****
Wala akong na receive na kahit ano from Allison, hindi ko alam asan siya ngayon at kung dismissal na ba nila, kung sino ang kasama niya. Hindi ko na siya tinext after nung text namin kanina na niyaya ko siya.
Balak kong hindi muna sumabay sakanya pauwi mamaya, pede naman ako mag pasundo kay mommy. So hindi ko na siya tinext at lumabas na ako ng classroom namin.
Tinext ko si mommy, "Mommy? can you pick me up at school? hindi daw makakasabay si Allison may gagawin pa daw siya".
Naglakad ako papuntang parking lot may mga waiting shed naman dun at hindi mainit, magisa akong pumunta dun at nakakapanibago walang Calli at Allison. Umupo muna ako sa waiting shed inaantay ang reply ni mommy.
* 1 new message received*
"Okay wait lang anak, be there 30 minutes lang" reply ni mommy sa text ko.
"Thanks mom, I'll be waiting here at the shed near the parking area" reply ko sakanya.
Kinuha ko ang earphones ko at sinuot, nagpatugtog ako at mi-nax ko ng volume para wala akong marinig na iba.
~~"Ikaw na pala ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko. Pakisabi na lang na wag ng mag-alala at okay lang ako"~~
Damang dama ko yung lyrics nung kanta, hindi ko rin alam bakit. Mukha mang baduy kase tagalog pero ansakit niya pakinggan promise!
~~"Ingatan mo siya binalewala niya ko dahil sayo. Nawalan na ng saysay ang pagmamahal na kay tagal ko ring binubuo. Na kay tagal ko ring hindi sinuko. Binalewala niya ako dahil sayo, dahil sayo"~~
Hindi ko alam kung nabaliwala nga ba talaga ako, pero susubukan ko parin ipaglaban at hindi ko lang basta isusuko yung taong mahal ko.
Hindi ako nawawalan ng pagasa na baka gusto niya din ako at hindi niya lang masabi, ganun naman talaga diba pag mahal mo? kahit walang kasiguraduhan itataya mo. Ang tangging sigurado ka lang ay yung nararamdaman mo.
Natigil ang pag sesenti ko ng biglang may tumapik saken. Nagulat ako kase halos patulo na ang mga luha ko.
Agad kong pinunasan para hindi mahalata nung kung sino man na tumapik saken. Pero nakatungo paren ako at hindi ko siya tiningnan.
"Anong ginagawa mo dito? hindi kayo mag sasabay ni Allison pauwi?" nabobosesan kong tinig ni Calli.
"Ahhh....Hmmm... Hindi? Hindi kami magsasabay ngayon may mga kailangan pa akong gawin" palusot ko kay Calli.
Tumabi saken si Calli at hinawakan yung kamay ko, nagulat ako hindi ko alam kung iaalis ko ba yung kamay ko.
"Alam mo Caleb, alam ko naman na may gusto ka kay Allison eh. Matagal ko ng ramdam yun" biglang sabi ni Calli saken.
"Pe...Pero ba...baaat siya parang hindi niya ramdam?" naiiyak na sabi ko sakanya, sumandal ako sa mga balikat ni Calli.
"Hindi ko maintindihan kung bat hindi niya maramdaman yung mga pinaparamdam ko sakanya. Lalo na ngayon? na mukhang nagkakasundo sila ng Felix na yun" tumulo nalang bigla ang mga luha ko. Hindi ko napigilan na umiyak.
BINABASA MO ANG
Let Me Tell You A Story
RomanceAllison is a huge fan of stories from wattpad while Caleb was contradictory of what Allison wants, he loves watching movies rather than reading a story from wattpad! Then soon Allison would meet Felix having the same traits of her.