Chapter 1

2.3K 127 35
                                    

Die With A Smile by Pangaea69

Die With A Smile by Pangaea69

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 1

"Wala ka bang balak na pagupitan 'yang buhok mo, Glenn? Masyado ng mahaba 'yan at baka lumalabag ka na sa rules and regulations ng school niyo."

Itinigil ko ang pag-nguya ng pagkain sa bibig ko. Uminom muna ako ng malamig na tubig bago sulyapan si mama na pinuna ang mahaba kong buhok.

"Wala namang kinalaman ang buhok ko sa pag-aaral, 'ma. Hindi naman mababawasan ang utak na meron ako kung hindi ko ito pagugupitan." Napatigil si mama sa ginagawa niyang pagpa-plantsa ng uniform at tumingin siya sa'kin na para bang mali 'yung sinagot ko.

"Wala naman akong sinabi na mababawasan ang utak mo, Glenn. Concern lang ako dahil baka sitahin ka ng guard niyo sa school na mahaba na 'yang buhok mo at bigyan ka pa ng violation."

"Bigyan nila ako ng violation, 'ma. Wala naman akong pakialam do'n. Kahit isuspend pa nila ako, wala akong pakialam."

Tinapos ko lang ang pagkain ko at nagsipilyo agad ako ng ngipin. Balak ko na sana umalis ng bahay kaso pinigilan naman ako ni mama.

"Hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa'yo, anak. Hindi ka naman gan'yan dati. Napakabait mong bata at magalang. Nangyari lamang ang aksidenteng 'yon, naging gan'yan ka na."

Narinig ko yung sinabi ni mama pero nagbingi-bingihan lang ako. Kinuha ko lang yung bag ko sa may sofa at isinuot iyon.

Bago ako lumabas ng bahay ay mayroon lang akong sinagot kay mama.

"Kahit ako, 'ma. Hindi ko rin alam ang nangyari sa'kin. Ni isa sa inyo ni papa ay walang nagtangkang sabihin sa'kin ang totoong nangyaring aksidente. Don't ask me kung bakit ako nagkaganito. Ask yourself first."

Ilang buwan na ba ang nakalipas nang ma-discharged ako sa hospital? Anim na buwan? Hindi ko na maalala. Kahit ang mga taong nakapaligid sa'kin ay hindi ko lubos na mapagkatiwalaan dahil hindi ko naman alam kung may kinalaman sila sa nakaraan ko.

Wala raw dapat akong paniwalaan sabi ng mga magulang ko. Lalong-lalo na ang mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ano ang motibo ng sarili kong magulang kung bakit kailangan kong gawin o sundin yung sinabi nila sa'kin.

Walking distance lang naman ang school namin. Malapit lang naman ito sa aming bahay at ilang kanto lang ang pagitan para marating ko ito. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay biglang nagring ang daladala kong cellphone. Tumigil ako sandali sa paglalakad para kunin ang cellphone sa bulsa ko at para basahin na rin ang mensahe ng kung sinong nagtext sakin.

It's mom.

From: Mom

Don't forget to go home early, anak. Me and your dad prepared something special for your birthday, okay?

Pagkatapos kong basahin ang text message na iyon galing kay mama at agad akong nagreply.

To: Mom

I'll try, mom. Don't expect too much.

Pagkareply ko ay agad kong ibinalik ang cellphone sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglalakad. Mga sampung minuto ang nakalipas nang makarating ako sa harapan ng school namin.

Since nung bumalik ako sa pag-aaral after kong madischarge sa hospital, parang ang bigat palagi ng pakiramdam ko tuwing aapak ako sa harapan ng school na 'to. Para bang pati ang school na ito ay pinagtatakpan ang nangyaring aksidente sa'kin

"Glenn?" Tumingin ako sa pinanggalingan nung tumawag sa pangalan ko.

Isang babae na nakasuot ng school uniform. May katangkaran siya. Maputi at makinis ang balat. Nakapuyod ang buhok niyang kulay pula. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka.

"Sorry, si Myx ito. Nakalimutan mo na ba?" She chuckled. She held her hands to make a handshake. Tinignan ko lamang ito at hindi nagabalang makipagkamay.

"So, tama nga ang sabi sa'kin nina Tito Anttonio at Tita Gwen. You lost your memories because of that accident." Saad nung Myx sa harapan ko.

Sa tono ng kaniyang boses parang may alam siya sa nangyari sa'kin. Humakbang akong papalapit sa kaniya. Para magtanong. Ngunit natakot ko yata siya dahil nakita kong napaatras siya ng bahagya.

"Sorry to scare you, I am no harm to you. I just want to ask, may alam ka ba sa nangyari sa akin. Just answer me. Gusto ko lang malaman ang tinatago nina mama at papa sakin."

I watched her expression, she tried to gulp. Tila nakakita siya ng multo at natulala bigla. Natahimik at parang ayaw sagutin ang tanong ko.

"Ah-eh, Glenn, maybe we should enter muna ng school? Medyo pinagtitinginan kasi tayo dito sa labas. Mauna na muna ako sayo. Baka ma-late na rin ako sa unang subject ko."

Nawalan ako ng pag-asa sa sagot ni Myx. Alam ko, alam niya ang nangyari sa'kin. Bakit ayaw nilang sabihin ang totoo. Bakit nila pinagtatakpan sina mama at papa.

"Ah ganun ba? Sige. Pasensya na sa abala." Sagot ko.

"Sige. Bye muna, Glenn. Nice to meet you again." She waved her hands habang papalayo sa'kin. Pero bago siya makapasok sa loob ng school nagtatakbo ito papalapit sa'kin at may ibinulong.

"Wag kang magtiwala ng sobra sa mga taong nakapalibot sa'yo, Glenn ha. Wala kang maalala dahil sa aksidente, mas mabiti siguro kung lalayuan mo muna sila. Makinig ka sa'kin. Pinsan mo ako. Kilala ko ang mga tao rito."

Pinsan...

Now I know. Myx is my niece. Alam kong may alam siya. Siguro, mas mabuti kung didikit ako sa kaniya para unti-unti kong malaman ang nangyari sa aksidenteng nakasangkutan ko.

Ganun nga siguro ang dapat kong gawin. Kung patuloy kong papakinggan at susundin ang babala ng magulang ko, walang mangyayari. Hindi uusad ang katotohanan sa aksidenteng iyon. Hindi ko malalaman ang katotohan kung hahayaan ko lang sila na diktahan ang buhay ko.

Die With A Smile (Boy's Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon