Chapter 2

1.4K 102 18
                                    

Die With A Smile by Pangaea69

Die With A Smile by Pangaea69

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 2

Dinala ako ng aking paa sa loob ng paaralan kung saan ako nag-aaral. I've been here for a week now and I know kung saan ang classroom ko. The principal toured me here the first day I enrolled myself. Gusto akong samahan ng magulang ko pero I refused. Magiging magaan para sa akin ang lahat kung ieexplore ko ang paligid ko ng walang tulong nila.

My feet stepped in numerous steps before ako makatuntong sa second floor. Bumungad sa'kin ang mga estudyante na nagkakagulo hindi dahil may nag-aaway kundi pinag-uusapan nila ang iba't ibang experience nila nitong weekends.

Hindi ko sila pinansin. Nakatungo akong pumasok sa loob ng classroom ko at inilagay ang bag sa may upuan at kinuha ang libro na kailangan kong ireview. As far as I know, may surprised quiz daw kami ngayong araw, so I need to review myself para makapasa.

"Hello, Glenn..." tumigil ako sa pagbabasa sa mga notes ko at tinignan ang pinagmulan ng boses na bumati sa'kin.

Malawak ang pagkakangiti nito sa'kin na feeling ko ay may kailangan ito sa'kin.

"Yes? Claire, right?" Tanong ko sa kaniya nang maalala ko ang pangalan niya.

"My gad! Mabuti naman at nakilala mo ako. I thought, nakalimutan mo na ang pangalan ko, e. You know, palagi mong nakakalimutan ang ibang bagay especially 'yung mga tao sa paligid mo." She chuckled tapos med'yo may halong pang-iinis 'yung boses niya.

May lumapit na dalawang babae kay Claire at may ibinulong ang mga ito sa kaniya.

"Kung wala ka namang sasabihin na maganda or wala ka namang kailangan, maybe, you should stay at your chair and mind you own business? As far as I concern, ikaw yata ay may pinaka-mababang score sa last exam natin. Am I right?" Pinandilatan ko siya ng mata at pinakitaan ng itsura na hindi ako interesado sa kaniya.

"Alam mo, Gleen, cute ka sana eh. Kaso may ugali ka din." Ganti nito na parang na-triggered ko yata si Anger sa kaniya.

"As if I care, Claire?"

"Tse! Dyan ka na nga. Deserve mo talagang wala kang maalala kasi attitude ka!" Saad niya sabay irap at talikod sakin. Bago pa man siya makalayo sa'kin ay gumanti ako ng salita.

"Deserve? Alam mo kung sino ay may mas deserve sa ating dalawa? Ikaw, maganda ka nga, bobo naman!" Humalikhik ako ng tawa at napatigil siya sa ginawa kong iyon.

Med'yo nakakaagaw na kami ng atensyon dahil 'yung ibang estudyante ay tumitingin na samin. Sa mga itsura nila, parang ngayon lang yata sila nakakita ng dalawang taong nagsasagutan.

"Let's see, kung sino ang mas bobo sa'ting dalawa, Glenn. On that state of mind na laging nakakalimot? I don't think you can pass the surprise quiz or either the exam." She chuckled again and turn her back. Naglakad na ito pabalik sa upuan niya kasama yung dalawang alipores niya.

'Yung tapang na kaninang ipinakita ko ay unti-unting nabalot ng takot at kaba. She's right. Sa mga nakaraang exams and quiezzes ko, parating pasadong score lang ang nakukuha ko. Nagagawa kong magreview pero pagdating ng exam ay bigla akong na-me-mental block. 'Yung lahat ng pinag-aralaan ko ng buong gabi at bago pa mag-umpisa ang exam ay nakakalimutan ko. Sana makisama ang utak ko ngayon.

"Okay, Grade 12 students. Get one whole sheet of paper. Items of your exam is 50 items. I expect so much from this class dahil nasa star section kayo. Gusto kong hundred percent ng exam ay maipasa niyo. Kung hindi, magkikita-kita na naman kami ng mga magulang niyo." Saad ng teacher namin bago niya idistribute ang mga soft copies ng test papers namin.

Nang makuha ko ang test paper na para sa'kin ay agad akong kinabahan. This feeling is not new to me. Ganito rin ang naramdaman ko nung nag-take ako ng exam nung isang linggo.

Siguro tumagal halos ng isang oras ang exam at hindi ko pa rin natatapos ang exam ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malagkit dahil yung ibang tanong sa exam ay nareview ko kanina pero hindi ko masayadong maalala ang isasagot. Napapapikit nalang ako tuwing may naririnig ako nagsasabi ng 'finish' at nagpapasa ng test paper sa teacher namin.

"30 minutes left..." My teacher announced.

Lalo akong kinabahan dahil 20 items pa ang hindi ko nasasagutan at 'yong iba ay nilaktawan ko na dahil hindi ko maalala ang sagot. I only need 5 correct answers para kahit paano ay makapasa ako. Mas nawala ako sa focus ng bigla may bulto ng katawan ang tumayo sa may gilid ko. Tinignan ko ito at si Claire ang nakita ko kasama ang dalawang alipores niya.

"Goodluck, bitch!" Mahinang saad nito sabay irap sakin. Lumayas siya sa harapan ko na parang hindi niya ako ininsulto.

Kung hindi lang ako naghahabol ng sagot sa test ay pinatulan ko na ang demonyitang ito 'e. I'll deal with her once I finished my exam. Maghintay lang siya.

"Finish or not finish, pass your papers forward."

Halos mapamura ako ng malutong nang kunin ng nasa harapan kong kaklase ang papel ko. May limang items pa akong hindi nasasagutan! Gusto ko sanang agawin mula sa kaniya yung papel ko kaso naipasa na ito sa unahan at hawak na ng teacher namin ang mga papel.

"Since feeling ko ang iba sa inyo ay nahirapan sa exam, especially si Glenn..." my god na-special mention pa ang pangalan ko. "Alam ko na ang kakalabasan ng exam na ito. I guess, magkikita-kita na naman kami ng inyong mga magulang. That's all for today. See you tomorrow."

Mrs. Hernandez—our teacher fixed her stuffs before leaving our classroom. Nang makalabas ito ay kaniya-kaniyang bulungan naman ang mga kaklase ko. Mabuti nalang at wala dito sa loob sina Claire at ang mga alipores niya. But I can't escape with their judgemental stares like I did something wrong or immoral. May naririnig akong salita na sad'yang nagpapatahimik nalang sa'kin at piliin ang mag-isa.

"Bakit kasi pinabalik pa dito ang baklang 'yan!"

"Mukhang pati si Mrs. Hernandez ay hindi gusto na makita siya."

"What the heck is he doing here? Akala ko ba..."

I saw how this girl stopped by her friends to continue what she's about to say. Tinakpan lang ng isang babae yung bibig niya para hindi maituloy yung sasabihin.

It seems like, my big enemy here is not those people who surrounds me, it's my parents who raised me and taught these goons to shut up!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Die With A Smile (Boy's Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon