Prologue

3.3K 118 22
                                    

Die With A Smile by Pangaea69

Die With A Smile by Pangaea69

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Prologue

"Magigising ang anak ko, Anttonio!"

"Alam ko 'yon, Gwendelyn. Malakas ang pananalig ko sa Diyos. Magigising ang anak natin! "

I feel that my body couldn't move. I tried several times but my body isn't cooperating. Gusto kong magmulat ng mata. May kung anong bagay lamang ang pumipigil sa'kin para gawin ang bagay na 'yon.

Paralisado ang katawan ko sa paarang kahit anong pilit kong paggalaw ay hindi ko magawa. Naririnig ko ang iba't ibang boses sa paligid ko ngunit hindi ko naman alam kung saan nagmumula ang mga ito.

May naririnig akong nagsasalita sa baritonong boses. Pilit niyang kino-comfort ang isang babae na patuloy pa rin ang pag-iyak.

Sa tono ng kanilang boses, ramdam ko ang pangungulila at hinagpis na parang namatayan sila ng anak.

"Glenn, gumising ka na..." Saad ng isang manipis, may halong pangungulila at nanginginig na boses sa taenga ko.

May kung anong bagay ang pumiga sa puso ko na nagparamdam sa'kin ng sakit na ngayon ko lang naramdaman. Alam kong malapit sa puso ko ang narinig kong.

Ngunit kahit anong pilit at pagpupumiglas ang gawin ko ay hindi ko parin magawang makakilos. Hanggang sa nakaramdam ako ng panghihina na parang gusto kong matulog muli.

"G-Glenn... Glenn!"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Malamig na hangin ang sumalubong sa balat ko. Ang lamig na ito... It gives me longing...

"Glenn! " Unang nakita ng mata ko ang maliwanag na ilaw na nakatapat sa'kin. Nasa langit na ba ako?

OA mo naman self! Alam kong wala pa ako sa langit at hindi ko naman hinihiling na ang liwanag mula sa langit ang gusto kong makita.

Arghh!

Napadaing ako nang may mahigpit na yumakap sa'kin. Kahit hirap pa akong kumilos ay nagawa kong yumakap pabalik sa taong nakayakap sakin. There is warmth at her embrace. Something... I missed.

"Diyos ko! Salamat sa Diyos dahil nagising ka na!" Halos mabura na ang suot nitong makeup sa mukha nang makita ko ang isang medyo maedad ng babae sa harap ko na umiiyak na hindi ko malaman kung bakit labis niya ako iniiyakan.

"Glenn, you're finally awake!" Nakita ko naman mula sa likod ng babaeng nakayakap sakin ang isang matipunong lalaki na hindi kaputian ang nagsalita na may matamis na ngiti sa labi. Medyo may edad na rin ito base na rin sa wrinkled forehead niya.

Puno ng curiosity, napatanong ako. "Sino po kayo?"

Ang labis na ngiti at saya ay unti-unting naglalaho sa kanilang mga mukha at napalitan ito ng pagkagulat. Labis akong nagtaka sa biglaang pagbabago ng kanilang expression. May nasabi ba akong mali?

"K-kami ito, Glenn. Mga magulang mo!" Saad ng babaeng nasa harapan ko. "Ako ang iyong nanay at itong lalaki sa likod ko ay ang tatay mo. Hindi mo ba kami maalala?" Pakilala ng babaeng nagsasabi na nanay ko daw. Pilit itong ngumiti sa harap ko habang hindi naman maipinta yung mukha ng lalaking nasa harapan niya.

Napatingin kaming tatlo nang bumukas sa may pinto ng kwarto at nagpakita ang isang lalaki na nakasuot ng puting robe. Maaaring siya ang doctor na nag-alaga sakin.

"Magandang umaga po Mr. and Ms. Acosta." Pormal na bati nito sa dalawang tao na bumungad sa kaniya.

"Doc, pasensya na kung magiging bastos ako pero bakit hindi kami maalala ng anak ko! Ano ang nangyari sa kaniya, doc!" Tumaas ang boses nung babae don sa doktor.

"Kumalma po kayo, maam. 'Yan din po ang sadya ko kung bakit po ako narito sa kwarto ng inyong anak..." saad nung doktor sa nanay ko daw.

Habang nakikinig ako sa usapan nila ay unti-unti ako nakaramdam ng pagkahilo na gusto ko muli matulog. May narinig lamang akong sinabi ng doktor bago ko ipikit nang tuluyan ang mga mata ko.

"Nagkaroon po ng amnesia ang inyong anak,"

Die With A Smile (Boy's Love Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon