AAKG 6

2.3K 46 2
                                    

[SHONE’S POV]

 

Naging masaya ang mga nagdaang araw ng klase ko, syempre kasi lagi kung nakakasama ang anghel ng buhay ko. Madalas narin kaming magkatext, siyempre mabilis ako ei I got her number already, kelangan ko ng kumilos, baka mamaya maunahan pa ko ng kung sino. Marami narin ang bubuyog na aalialigid sa kaniya, siyempre maganda siya ei. Kaya lang pag ako ang kasama niya papalag pa ba sila sa isang Shon! Hahaha!

As usual lagi kaming magkasabay magbreakfast, para bang naka ugalian na namin ‘yon, at syempre wag niyong kalimutan mawawala pa ba ang asungot sa buhay ko! alam niyo naman siguro kung sino ‘yon. Wag na nga lang pansinin.. nakakaurat!

“Baabbee!” O diba kakasabi ko lang! inaasahan ko naman na talga ang ganyang pangyayari araw araw. Napatingin ako sakanya, hambalusin ko kaya ‘to agad ng helmet ko. kakabungad ko palang kasi sa gate ng school. Agad naman siyang nakalapit sakin habang ako nagsimula ng maglakad papuntang canteen, kaya ayon para siyang tangang sumusunod sakin!

“Morning babe! For you!” abot niya sakin ng isang  kape na galling starbucks! Kala mo madadala ko sa ganyan, haa! Tama ka, ansarap kaya ng mga kape don! Lalo na ung coffee jelly, malamang ‘yon ung dala niya ngayon. Talo pa neto stalker ko ei! ,kaya lang hindi ko tatanggapin ‘yan. Baka mamaya may gayuma pa ‘yan! Hindi ko siya pinansin at bagtuloy-tuloy lang sa paglalakad.

“Ayaw mo na ba babe? Sige na please tanggapin mo na.” Alok niya pa rin sakin!, ilayo layo mo ‘yan sakin..  .. . baka magkasala ako!

“Babe, diba favorite mo ‘to?" Tanong niya pa sakin

“Ano naman sa’yo?

“Tanggapin mo na babe!” Ayy, sheteeh nakakarindi! Nakarating kami ng canteen na ipinagpipilitan parin niya ang kape niya. Imaginin niyo nlang kung pano niya nagawa ‘yon! Kasi hindi ko kayang e-explain! Tiningnan ko agad ang pwesto namin kaya lang mukhang wala pa siya.. . siguro na late lang! umupo ako roon at sumunod naman si Ulap. Uupo na sana siya sa kaharap ng inuupuan ko kaya lang mabilis ko siyang pinigilan.

“Wag na wag kang uupo diyan!” sigaw ko sakanya, natigil naman agad siya.

“Bakit babe, wala namang naka upo dito ah?” Angal niya.

"Merong nakaupo diyan na hinding hindi mo kayang tapatan! Layas na dali!” Sabi ko sakanya kumunot naman ang noo niya.

“Ows bakit ano ba siya? Alien? Wala ng tatapat pa sa isang katulad ko, lalong lalo na kung pagmamahal sayo ang pag uusapan!” sabi niya ng nakangisi !  nababaliw naba siya?

“Umalis ka na lang sa harap ko pwede ba?" Sabi ko sakanya

“O sige babe! Babalik nalang ulit ako. Kape mo oh!” Nilapag niya yong kape sa mesa.

“Inumin mo ‘yan babe a!" Saka siya tumalikod, nong nakatalikod na siya, pinagmasdan ko naman siya habang naglalakad palayo, may kung anong kakaiba sa aura niya ngayon. Hay, naku ba’t ko ba siya iniisip!! Pakialam ko ba sa kanya.

Beep beep [may nagtext]

Napangiti ako ng rumehistro sa cellphone ko kung sino ang nagtext! Si angel lang naman..

From: ANGEL<3<3

Morning shone, sorry kung hindi kita masasabayan kumain, something came up! Pasensya na ha! Di narin ata ako makakapasok.

Enjoy the rest of the day!!

SAYANG! Nireplayan ko naman siya.

To: Angel

Ok lang! ok kalang ba? Text me if kailangan mo kO ha, ok!

Sent!

Haiss, pano ko naman mae-enjoy ang the araw ko kung wala ka naman sa tabi ko.

Nanlulumo akong pumasok sa classroom namin, saktong kaka upo ko pa lang ay bigla namang dumating ang mga kaibigan ko.

“Oh andito na pala ang lobidude natin”. Bungad sakin ni Beth! Ng makalapit na ang mga ito saakin. Hindi ko lang siya pinansin.

“Ay taray ng shumboy na ito!” sabi niya ulit. Saka umirap!

“Ba’t wala ata ngayon si Akkina?" Tanong naman ni Jhane, tiningnan niya ‘ko.

“Oo nga noh! Siguro lq Kayo noh?” Tanong naman ni Hannie, hay ano ba itong mga ito. Bakit feeling ba nila kami na. sabagay feeling ko nga din ei. Haha

"May importante lang daw na nangyari kaya hindi siya makakapasok!” Sagot ko sa kanila.

“Haro, maka acting naman boyfriend!?” Sabi naman ni Hannie na nakataas pa ang kilays.

“Ano naman papunta narin yon don, kunting panahon nalang!” Nakangiti kung sagot sa kanila.

“bakit nililigawan mo naba?” tanong ni jhane

“hindi pa pero siguro naman nararamdaman niya na rin ‘yon, at feeling ko may gusto rin siya sakin.” Sabi ko pa gulat naman nila akong tiningnan. Kasi ito ang unang beses na nagtatapat ako ng ganitong bagay sa kanila.

“Shone, sigurado kana ba talaga diyan? Kaya lang alam mo na ito ang unang beses na makikipagrelasyon ka sa isang babae kung matutuloy man” pabiro pang sabi ni jhane, pero halatang seryoso siya.

“yah, tama. Baka kasi mamaya masakyan ka lang.. You know, tanggap ka namin kung ano ka pero, siya ba sinabi niya na gusto ka talaga niya?" Si Beth, tama nga naman ang sinabi hindi niya naman sinabi na gusto niya ‘ko. hindi ko rin talaga kung ano ang nararamdaman niya para sakin.

“at tsaka shone, mahirap ang mag expect, kasi hindi biro ang sitwasyon mo, kaya sana don’t expect too much from her.” Si Hannie. Minsan lang magseryoso ang tatalong to  kaya naman naiintindihin ko sila.

“alam ko naman yon ei! Handa naman ako sa mga mangyayari,  tsaka nakalimutan niyo naba? I’m Shonelle Del Castillo No one can resist me!" Taas noo ko pang sinabi

“Ay sus, umiral na naman ang yabangs neto. Oo na kaw na gwapa!” Si Beth

“kapag ikaw umiyak iyak diyan! Wag mo kami matawag tawagan ah” Si Hannie

“Ahem, excuse me lang, tell me nga guys kelan niyo ba ko nakitang umiyak ha?!”

Tanong ko sa kanila, with matching confidence pa. tama naman ako. Ni minsan walang nakakakita sa pag iyak ng isang shone, nakakahiya para sakin ang Makita ako ng tao habang umiiyak.

“Well, malay natin, baka netong mga sumunod na araw makita na namin ang pag iyak ng isang Shone,haha!” Si Hannie

“Asa..” sabi ko

Nagpatuloy pa sila sa pag aasaran hanggang ang isipan ko naman ay inuukupa ng nag iisang anghel na nakilala, sana naman ok lang siya. Puntahan ko kaya siya, total alam ko naman bahay nila eh. Tama, bright idea shine! Natapos ang klase at nagpauna na sa kanilang tatlo. Halos lakad takbo na ang ginawa ko makarating sa parking lot. Nag aalala kasi ako. Wala kasi siiyang text sa akin maghapon, sana nga lang ok siya. Nakarating naman agad ako sa parking lot at pinatakbo ng mabiis ang motor ko papunta sa bahay nila.

--------------------  

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon