AAKG 19

2K 50 0
                                    

AAKG19

--

Halos hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa sobrang puyat. Gabi na kami nakauwi ni Cloud dahil namasyal pa kami pagkatapos naming mag usap. Hindi ko ma imagine ang tingin samin ng mga tao kagabi. Nagtataka siguro sila dahil sa nakikita nilang tomboy at lalaki nan aka holding hands.

“Good morning babe! Wake up’’ Napabalikwas ako ng gising ng marinig ko ang boses niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko habang kinukusot ang mata ko. umupo siya sa kama at yumakap sa bewang ko at hinila ako pahiga.

“Ano ba ginagawa mo?” Sheteh naman baka biglang pumasok si kuya o kaya si Manang mayayari kami nito e.

 

“Wala lang, na miss lang kita. Hehe!” Sabi niya at isiniksik ang ulo sa leeg ko na nagdulot saakin ng kakaibang feeling. “Ang bango mo babe.” Sabi niya saka humalakhak. Putapete naman oh! Hindi ko maiwasang kiligin.

Bumangon ako bigla.

“Bakit babe?” tanong niya ng naka upo na rin siya.

“W-wala, lumabas ka na maliligo lang ako.” Mahinahon kung sabi.

“Antayin nalang kita dito babe.” What? Pinandilatan ko siya.

 

“Cloud, hindi porket tayo na pwede ka ng mag stay dito sa kwarto ko. kaya sige na labas.” Sabi ko.

“Tsh! Wala naman tayong ginagawang masama ah!” pagmamaktol niya at nakanguso pa.

“Hindi parin magandang tingnan. Kaya sige na.”

“Sige na nga pero sa isang kondisyon! Hehe!” ano naman kaya kalukohan ang gusto nito.

“Ano?” kunot noong tanong ko.

“Kiss me.” Ah! Ayan tayo e.

“Ikaw ah namimihasa ka na. Hindi pwede.”

“You’ll kiss me or I’ll stay here. You choose.” Nakangisi pa ang loko.

 

“Aishh! Hindi pa ako nagto toothbrush kaya hindi pwede.”

“I don’t care babe!” nakangisi parin niyang sabi.

Isang mabilis na smack lang sana ang gagawin ko kaya lang pinigilan niya ang ulo ko na nagdulot ng malalim naming halikan. Sobrang nakakalasing ang halik niya na hinding hindi ko kayang tanggihan.

Bloggg!

“What the fuck!”

Parehas kaming napabalikwas ni Cloud ng biglang pumasok si kuya.

“What do you think you’re doing both of you huh?” bulalas niyang tanong. Halos hindi naman ako makatingin sakanya.

“Easy dude! We’re just kissing and it’s normal for the lovers. We know our limitations. No need to worry okay.” Tsh! hambog nito ah! dahan dahan siyang tumayo at hinarap si kuya na hindi maipinta ang mukha.

“Siguraduhin mo lang ah! Ang aga aga! Wala ba kayong balak pumasok?”

 

“Ito na nga po kuya maliligo na po.” Sabi ko saka tumayo at pumasok ng banyo. Bahala nga kayong dalawa diyan. Putek na ‘yan! Dapat talaga hindi na siya makapasok ng kwarto ulit. Dyahe!

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon