AAKG 18

2K 60 2
                                    

Simula ng araw na nakausap ko si Cloud ay bumalik na naman siya sa dati na hindi ako pinapansin. Ang laki ng pinagbago niya. Ang dating Cloud Justin Angeles ay bigla nalang nag transform ng ibang katauhan malayong malayo sa Cloud na humahabol habol saakin. Ang Cloud na abo’t tenga lagi ang ngiti habang sumasalubong saakin ay nawala nalang bigla.

Hindi ko makakayanan kapag nagpatuloy pa ‘to. Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Kailangan kung ibalik ang Cloud na dating akin.

Maaga akong pumasok para maka usap ko siya bago magsimula ang klase. Nag antay muna ako sa parking lot, mga 5 mins ang lumipas bago ko namataan ang sasakyan niyang paparating. Tumayo ako ng diretso at doon ko naramdaman ang kaba sa aking dibdib. Shit! Kaya ko ‘to! Pinalakas ko nalang ang loob ko.

Lalo akong kinabahan ng bumaba siya ng driver seat at tinapunan lang ako ng tingin at dumiretso sa passenger seat, mula roon ay bumaba si Lalaine. Wow lang ah! Hanep! Iniisip ko kung sino saaming dalawa ang unang nakasakay sa kotseng yan.

Sinalubong nila ako at lalagpasan sana ng pigilan ko ang braso ni Cloud. “Pwede ba tayong mag usap?” Lakas loob kung tanong. Ramdam ko ang pag irap na ginawa ni Lalaine. “No. CJ won’t talk to you anymore.” Aba’t lakas makasabat ng isang ito ah! Jumbagan kita diyan e! Hindi ko siya pinansin at tinitigan si Cloud. “Please.” Mahinahon kung sabi.

 

 

“Ang kulit mo rin eh noh? Sabi ng hindi siya makikipag usap sayo! Ano bang mahirap intindihan ‘don?” Doon na kumulo talaga ang dugo ko. “Pwede ba manahimik ka! Hindi ikaw ang kausap ko.” Sigaw ko sakanya. Nakakairita!

 

 

“Aba’t! Nakakalimutan mo atang ako ang fiancée ng lalaking ‘to?”

 

“Fiancée? Huh! Like I care!” Sinalubong ko muna ang nagliliyab niyang mata at ngumisi bago ako ulit bumaling kay Cloud.

 

“We have nothing to talk about. Let’s go Lalaine.” Nanigas ako ng tumaas ang boses niya. Shit! Ang saklap lang. Hinablot niya ang kamay ni Lalaine at dali daling naglakad palayo.. Isang malupit na ngiting mapang asar muna ang natanggap ko bago siya tumalikod saakin. Tsh! Tingin mo ba panalo kana babae? Hindi pa ako nagsisimula. Babawiin ko sayo ang CJ mo.

Kailangan kung malaman ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung ano ang nangyari at naging ganito nalang bigla. Balisa pa rin ako simula ng nag umpisa ang klase at hanggang sa matapos ito.

Sabay sabay kaming pumunta ng parking pero nauna silang umalis. Hindi muna ako umalis hanggang sa dinala nalang ako ng sarili kong mga paa sa rooftop.

Pagpasok na pagpasok ko ay naaninag ko agad ang nakaupong lalaki sa paborito kong pwesto. Kumalabog agad ang dibdib ko ng napagtanto ko kung sino ‘yon.

Si Cloud…

Dahan dahan akong lumapit sakanya at umupo sa tabi niya. Gulat pa siyang nilingon ako pero iniiwas niya agad ang tingin niya saakin. Medyo madilim na rin ng tumingala ako sa langit.

“Why are you here?” bakas sa tono ng pananalita niya ang panlalamig at lungkot.

 

“Baka nakakalimutan mong pwesto ko ‘to. ikaw ba’t ka nandito? Hindi kaba hinahanap ng fiancée mo?” Sounds bitter? Parang ganon na nga pero alam ko namang hindi dapat.

Ang Astig Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon