Prologue

0 0 0
                                    

"I love you always remember that."

"Ikaw lang ang gusto ko."

"Ikaw yung pinaka mahalagang tao para sakin."

"Hindi ako magsasawa."

"Hindi ako magbabago. Tayo parin hanggang sa huli."

"Hindi kita ipagpapalit."

"Hihintayin kita."

"Hindi kita iiwan."

"Pangako."

      Mga salitang binibitawan natin sa mga taong mahalaga satin. Mahal natin. Ayaw nating mawala. Para iassure sila na sila lang ang mamahalin natin ng tapat at totoo.

       Subalit, bakit tila kayhirap ng paniwalaan? Kayhirap ng panindigan? Kay sakit ng marinig?

Bakit tila wala ng kuwenta sa ating pandinig? Tila wala ng saysay kung paniniwalaan pa natin?

Mga pangakong tila nadungisan na at naiwanan kung saan.

Napakadaling sabihin at iparamdam.

Pero ang tanong ay hanggang 'Kailan'

Hanggang 'saan'

Hindi na ganoon katibay ang sinasabi nilang Pag ibig na 'wagas'

Tila isa na lamang laro at pangkaraniwang expression kapag ika'y pansamantalang nagmamahal..

Ang salitang "mahal kita" at "gusto kita" ay tila nakakatakot ng sabihin at marinig man lang.

Imbes na pananabik at saya ang mararamdaman ay tila "pangamba" sa ating mga puso't isip ang dulot.

Nasaan na ang patunay o katibayan na totoo ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam saiyo ng isang tao?

Nasaan na yung "susugal kahit walang kasiguraduhan"

tila ang sumubok ay kinaiilangan

ang pag ibig ay pinangingilagan

We have different principles in life. We have different decision to make.

But how come it will always end with the word

"Hurt"

why do we always need to "sacrifice"

why did people come and leave to be a "lesson" to us?

who knows?

Pero sa kabila ng kawalan natin ng kaalaman sa magaganap sa hinaharap bakit tila takot na tayong sumubok?

Takot na tayong magmahal dahil alam na natin na kadugtong nito ang sakit at pagsasakripisyo gaya ng nakita, naramdaman at naranasan natin hindi lamang sating sarili kundi sa ibang tao na rin.

Nakakalungkot isipin na, hindi na natin hinihiling na tayo'y panain ni Kupido at bigyan ng Katuwang ng Diyos.

Dahil pinangungunahan na tayo ng pangamba at takot.

Sa tingin mo ba deserve nating maging mag isa?

Makuntento sa pagiging mag isa?

Kasi ako, oo. Mas pipiliin kong mag isa kesa magmahal ulit. Tapos masasayang lang din. Dahil kahit makuntento tayo sakanila. Sila yung hindi kayang makuntento satin. Yun bang nagagawa tayong isabay sa iba. Dahil hindi tayo sapat. Dahil lang nagkulang tayo. Iiwan lang nila tayo ulit o di kaya'y pagsasabayin.
- L(Afraid)

Kasi ako, oo. Hindi ko na kailangan pang magmahal dahil lolokohin lang ako. Pagkatapos kong maniwala, magtiwala at ibigay lahat sakanya. Ipagpapalit niya lang pala ko sa malapit. Bihira na nga akong magtiwala sinira pa. Kaya nga ayoko na.
- C(Hesitated)

Afraid to fall in love. Hesitated to Trust again.

Life is fuck as hard and complicated. Nagmamahal tayo ng taong hindi marunong magpahalaga at magmahal ng totoo. Napakagaling nilang magpanggap. Napakatanga naman natin para maniwala at magtiwala sa mga sinasabi at pinapakita nila. Ganoon siguro kapag masyado tayong nabubulag sa pagmamahal natin.

Ganoon siguro kasi sakanila lang natin naramdaman ang ganon.

Tipong akala natin sakanila na natin natagpuan o nahanap yung tunay na pagmamahal.

Pero lahat ng 'yon ay ilusyon lamang pala. Dahil sa umpisa lamang pala ganoon.

Sa umpisa lang tayo mahal. Sa umpisa lang tayo mahalaga. Sa umpisa lang sila mag eeffort. Sa umpisa lang sila makukuntento.

Hirap no?

Minahal natin sila ng wagas. Pero para sakanila hindi pa sapat at di tayo karapat dapat.

PistanthrophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon