SHE LOST HIM
"Shyn!" Agad itong napalingon ng tinawag siya ng kaniyang nobyo.
"Oh ikaw pala Dash." Sambit nito.
"Alam mo na ba ang bali-balita dito sa atin?" Tanong ni Dash sa kaniya na para bang hindi ito mapakali.
"Alin? Iyong bang mga nangunguha ng mga binata't dalaga?" Tanong nito sakanya.
"Oo, kaya ikaw, mag ingat ka. Ihahatid kita mamaya hintayin mo ako ha?" Sabi nito, bakas sa mukha nito ang pag aalala.
"Oo naman. Mag ingat ka, hindi sa lahat ng oras kaya mo. Oo, lalaki ka pero hindi ibig sabihin non na kaya mo sila naiintindihan mo?" Pangaral nito sa kaniya.
"Opo boss, At ikaw, huwag kang aalis ng bahay ng walang kasama, kung kina kailangan tawagan mo ko para ma siguro kong ligtas ka, naiintindihan mo?" Pangaral din nito sakanya.
"Opo."
"Good."
"Oo nga pala Dash. Mag pakalalaki ka na ngayon, alam mo naman na halos babae ang puntirya ng mga kidnapper ngayon kaya ikaw pag may nakita kang babae na mag isa lang nag lalakad samahan mo, kahit na mag mukha ka ng masama/bastos atleast na siguro mong ligtas siya/sila naiintindihan mo?" Paalalahanan nito dahil hindi na talaga ligtas ang mga kababaihan ngayon dahil sa kumakalat na balita.
"Matagal na akong nagpaka lalake love so don't worry gagawin ko lahat ng sinabi mo para sayo at para sa mga babaeng nangangailangan ng tulong."
"Thank you love, I love you."
"Always welcome love, I love you more. Ingat ka ha? Sige na ihahatid na kita sa room mo baka mapano ka pa."
"Sige love, tara na."
....
Pag katapos ng kanilang klase, hinatid nga siya nito sa kanilang bahay at talagang ingat na ingat ito sakanya na para bang isa itong mamahaling babasagin na bagay na hindi pwedeng mabasag dahil hindi na kayang palitan.
Makalipas ang isang linggo hindi pa rin talaga nawawala ang mga kidnappers kaya ingat na ingat ang mga tao at takot na takot, maagang umuuwi at hindi na lumalabas ng bahay.
At sa nag daang linggong iyon ay kulang nalang doon na tumira ang kanyang nobyo sa bahay nila upang masigurong ligtas ito.
Pero Makalipas pa ng isang linggo bigla nalang nag bago ang kanyang nobyo, minsan nalang siya nito sunduin at ihatid sa kanilang bahay, minsan nga mag dadahilan pa itong madaming ginagawa.
Nagtataka na siya sa kanyang nobyo dahil hindi naman ito ganito dati na kahit madami itong ginagawa ay nagagawa pa din itong unahin, kaya labis ang pag tataka nito.
Pumunta siya sa bahay ng kaniyang nobyo para kamustahin dahil minsan nalang sila mag kita.
Habang siya ay papunta sa apartment ng kaniyang nobyo, naisip nyang bumili ng kanilang makakain para doon na rin mananghalian.
At ng malapit na ito sa apartment ng kaniyang nobyo hindi niya inaasahang makita niya ang kanyang nobyo na masayang lumabas ng apartment nito at may kasamang babae.
Labis ang gulat ng kanyang nobyo ng makita ito sa harapan ng kanyang apartment.
"Shyn." Gulat pa rin sabi nito at halatang takot na takot.