chapter 2

0 0 0
                                    

Umiyak ako nang umiyak sa likod ng gym. Mapuno roon at may kaunting tumatambay, mga tamad mag-parade yata pero hinayaan ko na lang sila.

Ang sakit-sakit talaga. Hindi ko mapigilan. Hindi ako masokista para saktan ang sarili ko. Sadyang, hindi ko makontrol ang nararamdaman ko ngayon at kailangan ko lang ilabas.

"Isa na naman pong kababayan ang binasted ng crush, mga kaibigan." rinignkong sabi ng isang lalaki sa di kalayuan.

Nagulat ako at papalapit siya sa akin na nakapamulsa.

"Masakit?" tanong nito.

I just pouted and nodded. Imbes na maasar ako, napatigil ako ng kaunti sa pag-iyak.

"Hay, buhay nga naman."

Ngayong wala na halos luha sa mata ko, I can see him clearly. His earrings are shining because of the lights. Naka-blue ito which means, he's a senior. Naka-cap ito ng itim pero kita ko ang matangos niyang ilong at mapulang labi. Amoy sigarilyo ito. Bawal yan sa school premises ah.

"Amoy ba?"

"Oo. Bawal yan."

"Isusumbong mo ko?"

"Hindi. Di naman kita kilala."

Natawa lang ito. Sumandal sa pader at sinipa sipa ang mga bato sa harapan niya. "Alam mo, miss. Ang mga lalaki, hindi yan iniiyakan."

"Lalaki ka, ah."

"Oo nga. Hindi kami iniiyakan."

"Paano mo nasabi?"

"Kasi wala kaming kwenta. Alam ko kasi lalaki nga ako, di ba?"

"Ha?"

"Wala kaming kwenta."

Ramdam ko yong bitterness sa boses niya. Natahimik na lang ako. Hindi ako marunong makipag-argue sa strangers.

"Gusto mo ba ng ice cream?"

Tumango ako.

"Bumili ka. May nagbebenta doon, oh."

I pouted and sniffed.

Tatalikod na ako nang nagsalita siya ulit. "Joke lang. Ako na bibili. Dito ka lang. Magang maga ang mata mo, oh."

Naupo lang ako sa gilid at niyakap ang mga tuhod. Mayamaya, dumating na si Kuya at may hawak na dirty ice cream.

"Di ko natanong gusto mong flavor kaya pinalagay ko na lahat."

Inabot ko iyon. Buti may ube.

"Thank you po."

"Kinse."

"Ha?? Ah! Wait." kukuha na ako ng barya sa sling bag ko pero tumawa siya nang tumawa. As in di ko gets. Bakit? Anong nakakatawa.

"Libre ko na yan, hahahaha!"

Luh? Baliw ka koya?

"Cute mo talagang bata ka. Ang inosente mo masyado."

"Bakit? Di naman tayo close para ilibre mo ako kaya magbabayad ako."

"No need. Sagot ko na yan. Basta wag kang iiyak dahil sa lalaki. Kapag nakita kita ulit na umiiyak, ako naman ang ilibre mo."

"Ha?"

"Hakdog." at natawa na naman siya. So weird but nevertheless kumain ako ng ice cream. Masarap pala kumain ng ice cream kapag galing iyak.

"Thank you ulit kuya."

"Tss. Kuya."

"Senior ka na."

"Junior ka lang."

"Quinn." pakilala ko. I extended my hand.

Tiningnan niya lang ito at nag-smirk. "Baby. Call me baby."

"Ha? Weird naman, baby name mo?"

Natawa na naman siya. As in halakhak na nage-echo!

"Charl—"

"Quinn!!!" sigaw ni Corin.

Tumakbo ako papunta sa kanila. Niyakap ako ng mahigpit ni Corin at napaiyak na naman ako.

"Sorry. Kasalanan ko." si Corin.

"Mas kasalanan ko," sabi ni Star.

"Ako rin," sabi ni Hana.

"Huhuhu ano ba kayo? Kasalanan ko kaya! Na-fall ako, eh. Tanga ako eh."

"Uy, hindi ka tanga ha. Innocent cutie ka lang." si Corin.

"Sino kausap mo?" tanong ni Star.

"Ah. Si—" nang lingunin ko si koya, wala na siya sa pwesto namin kanina. "Basta si Kuya Senior."

"Don't talk to strangers. Masyado kang inosente sa mundong ito." si Hana. Parang galit pa.

"Sorry po."

"Don't worry. Will get revenge." sabi ni Star.

"No. I still like him. Ambisyosa ko lang para umasa."

"But he made you cry."

"It's okay. I can manage. I will never cry again because of a guy."

"Awww. I love you, Quinn."

We end up in a group hug. Nahuli pa ng yakap si Hana.

"Nasaan na nga pala ang balloon mo?"

"Ha? hala, nawala na?"

"Hayaan mo na nga. Basta wag ka na lang tatakbo kung saan."

"Opo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

crushED. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon