chapter one

0 0 0
                                    

Intramural Meet.

It's the most anticipated part of the semester! Maingay, magulo, maraming tao- meaning: HAPPY!!!

Sila! Ako, no! Sa dami ng mga estudyante, hindi ko na makita ang hinahanap ko.

"Nasaan na ba ang puso ko?" sambit ko sa sarili pero napalakas kaya nabatukan ako ng katabi ko. Si Hana. "Aray! Bakit ba?" I pouted as I feel my head.

"Gaga ka ba? E di nasa dibdib mo, kahit wala kang dibdib, may puso ka naman!"

"Ih! Hana naman, e! Si EJ! I mean, si EJ! Nasa kanya kaya ang puso ko, hahaha!"

Inismiran lang ako ni Hana. Palibhasa, bitter sa buhay ang babaeng ito. Que ganda-gandang bata, ang pait-pait!

"EJ, EJ! Puro ka EJ! Kilala ka ba noon?"

"Aray ulet, ba't nananaket?"

Hmm. Hindi nga ako kilala ni EJ pero di bale na, basta ako, kilalang kilala ko siya. EJ is one of my inspirations. Siya ang dahilan kung bakit ako excited na pumasok sa iskul.

Iba ang hatak niya sa akin. He's been this very nice guy, smart and chinito. Really everyone's type of guy kaya lang, disadvantage din ang pagiging jowable niya-marami akong kaagaw.

"Nasaan na ba kasi ang dalawang babaita? Kanina pa tayo naghihintay rito sa gymnasium. Mag-uumpisa na ang program."

Oo nga pala. Aside kay EJ, kanina ko pa rin hinahanap sina Star at Corin, close friends din namin kaso iba lang ng kurso. We've been friends since freshmen years dahil sabay-sabay kaming kumuha ng entrance exams noon.

"Oo nga, kanina ko pa sila hinahanap."

She looked at me unbelievably. "Weh? E puro ka EJ, EJ!"

I just pouted. Mayamaya ay dumating na ang dalawa, nasa may entrance palang sila, alam kong silang dalawa na iyon. May lobo kasing dala si Corin na nakatali sa bag, same sa lobo na nakatali sa bag ko para hindi kami magkawalaan mamayang gabi sa parade. Kahit blurred, dahil malabo na ang paningin ko, alam kong sila iyon kaya tumayo ako at sumigaw.

"Corinthian! Estellar! Dito!!!" nag-echo iyon sa gym kaya natawa ang mga nakakita sa akin.

Nagtakip ng mukha si Hana at lumayo ng kaunti sa akin. Nasa iisang hanay lang kami ng bleachers kaya wala rin siyang magagawa. Kumaway naman si Corin at hinila si Star na hiyang hiya rin dahil tinawag ko sa buong pangalan.

"Hindi kita kilala," Hana hissed. I just giggled and excitedly wiggle while waiting for them to arrive on our spot.

I hugged Corin immediately. Si Star, napaupo na lang kaagad sa tabi ni Hana na nakahalukipkip.

"Corin, ang sexy mo naman!" bati ko. Suot na kasi nito ang costume sa cheerdance para mamaya. Red ang color namin kaya mas angat ang kaputian niya. Naka-jacket lang siya pero naka-open. Kita ang abs at maganda nitong legs. Naka-makeup na rin siya at nakatali pataas ang buhok.

"Mana sa yo!" sagot ni Corin at nag-bearhug kaming dalawa.

"Iw."

"Kaasiwa."

"Plastic."

"Err."

Reklamo ng dalawa. "Hoy, grabe kayo. Walang support!" sabi ko.

"Corin, galingan mo mamaya ha? Ichi-cheer kita nang super lakas!"

Corin giggled so do I. "Asahan ko yan, ha?"

"Uu! Ako pa ba?"

"Umupo na kayo, nakakahiya ang ingay nyong dalawa."

"Pinagtitinginan na kayo ng mga freshmen. Ay ganyan pala pag-juniors na, maiingay." sabi ni Star.

crushED. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon