Prologue

6 0 0
                                    

Isang malaking kabawasan sa akin ang ubusin ang oras ko sa isang bagay na wala naman akong makukuha na kahit anong makabubuti sa akin. Iyan ang panata ko. Timing and effort should always be spent and used wisely. Hindi dapat bara-bara lang.

Inirapan ko ang dalawang magkasintahan na kulang na lang ay maghubad na sila sa kaharutan. Bwiset. Ang sarap nila sigawan at sabihing, paaralan 'to, hindi motel. Buti na lang ay mabait pa ako.

Hindi ko magawa nang mabuti ang report ko sa Physics. Dahil bukod sa ayaw ko sa subject na ito, sadyang nakakairita lang ang pinaggagawa ng mga tao dito sa garden. I mean, napaka-inappropriate nga naman ang gumawa ng school works sa garden kung saan madaming estudyante ang nagkukumpulan tuwing free time. Mas gusto ko talaga mag-aral sa garden, maaliwalas kasi ang tanawin at sariwa pa ang hangin. Ganoon din naman sa library, ngunit nakakabingi lang yung katahimikan doon, hindi tuloy ako makapag-focus.

Patapos na ako sa pagsusulat ng key points sa isang chapter nang biglang may napadpad na bola sa paanan ko. Tinignan ko iyon at isa itong bola ng soccer. Tss. Crazy kids, inuubos ang oras paglalaro.

Isinara ko ang libro na hawak at yumuko upang kunin ang bola nang biglang inangat ito ng isang lalaki.

"Sorry, Gen."

Tinignan ko siya. Natigiaan ako nang makita kung sino iyon. Bumuntong hininga ako at saka binuksan ang librong hawak upang makapagbasa ulit. I hate seeing this guy's face. Nakakainis, nakakabadtrip, nakakagago.

I heard him smirked after i opened the book i was about to read.

"Woah chill, missy. Ain't no need to be salty." he said with an annoying smile on his face.

Look who the fuck is talking! 3 years and he's still a fucking a jerk. Walang kupas, walang pinagbago. Nakakawalang gana na tuloy mag-aral. He remained standing in front of me, not talking, nakatingin lang siya sa akin na para bang hinihintay niya akong sumagot. I can feel his amusement by this. Ayoko makipag-sabayan sa kanya, aalis na ako.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong niya nang maisabit ko na ang bag ko sa aking balikat.

Nilingon ko siya at tinitigang mabuti. "Kung saan wala ka." at saka umalis.

Where You Are NotWhere stories live. Discover now