I rushed to the library hall after i left the garden. Pumunta pa ko ng garden kung dito lang din naman pala ang bagsak ko sa library. Nasa 4th floor ng Eastwing Bldg. Ang library ng school namin. Pinagpawisan ako sa mabilis na paglalakad na ginawa ko. Hindi ako sporty pero if that's the only way to get rid of that jerk, i would run miles!
"Bakit ba inis na inis ka?" tanong ng kaibigan kong si Chandy.
I called her out as soon as i got inside the library for assistance.
I took a deep breath then spoke. "Nakausap ko siya."
I saw her eyes widened. Napatili siya nang hindi gaanong malakas. But it didn't escape the ears of the librarian.
"Shh!" the librarian.
Agad kong tinakpan ang bibig ng babaeng katabi ko. Kapag talaga pinaalis kami ng librarian, uuwi na lang talaga ako!
"What the hell, Chan!" halos pabulong kong sabi. "Napaka-oa mo!"
Hinawi niya ang kamay ko sa kanyang bibig. "Sorry! Eh kasi naman! Girl, you spoke to that guy after 3 fucking years! Ano feeling?"
Inirapan ko na lang siya. Pinapunta ko siya dito para tulungan ako sa ppt ng report ko. Chandria is good in Physics. And right now, i'm stuck between thanking her or not because we're one step away from being kicked out by the librarian.
Hindi umabot ng 20 slides ang Powerpoint Presentation na ginawa namin. 15 slides lang ang inabot. But the content is unbearable. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng kailangan kong aralin. Buti na lang at next week ko pa ito irereport.
"Wala bang 'Thank you, Chandria. Napaka-ganda mo!' Dyan?" tugon ni Chandy habang patagong sumusubo ng ulam niya.
"Thank you, bobo."
Hinintay ko siyang matapos sa pagkain at saka lumabas na kami. Napaka-tibay ng babaeng 'to. Biruin mo, prohibited sa library ang kahit na anong uri ng pagkain, even water is not allowed! And this girl fucking ate her lunch inside! #StrongWoman
We walked around the H.S. Building. May isa pa kaming subject bago mag-uwian. Kaya sabay na kaming nag-lakad papunta sa room namin. Although, we are not classmates, sabay parin kami.
"Sasabay ka ba sa amin nila Keira? Kain tayo." anyaya ni Chandy nang papalapit na kami sa room ko.
Umiling ako bilang sagot. "Pass. Pero sasabay na lang ako maglakad sa inyo. May homework kami sa Philo."
She pouted and looked at me as i was walking. Patuloy din siya sa paglalakad. Arms crossed. "You know what, Gen? Don't stress yourself too much. Puro ka na lang aral! Last week hindi ka rin sumama kumain sa amin. I'm starting to think na may relasyon na kayo ng mga libro mo."
I looked at her, determined of what i am going to say. But before i can even open my mouth, nagsalita na agad siya.
"I know what you're going to say, and i understand. We all want to pass UPCAT, pero chill muna." she said.
Alam kong alam niya na wala kaming homework sa Philo and alam kong alam din niya na palpak ang pagsisinungaling ko. Let's be real here. I want to pass UPCAT. Because if not, baka kung saan ako dalhin ng parents ko and i don't want that. They gave me a choice when i am still in 11th grade. A choice between passing UPCAT and staying here in the Philippines or not passing UPCAT and fly upstates.
Pumayag akong sumama kila Chandy ngayong uwian. Halos wala akong naintindihan sa ni-discuss ng teacher namin. Binalot ng pag-uusap namin ni Chandy ang isipan ko. Greetings lang ata ng teacher namin ang natandaan ko kanina.
Naglalakad na ako ngayon palabas ng school. Hindi na gaanong mainit dahil magaalas-singko na din. Ang mga kotse ng mga estidyante ay naka-park sa bakanteng lote sa harap ng school. And there, i saw his car while looking for my friends. Ang (name ng car) ay bukod tanging naiiba sa lahat ng kotse na nakaparada doon. He was standing beside it. One door open, and he's with his friends. And just like in any other chick-flick films, may kasama siyang babae. Ang isang kamay niya'y naka-akay sa likod nito. I bit my lip. I shouldn't be looking at them, at him, specifically.
Ilalayo ko na sana ang tingin nang mapa-tingin ang mga kaibigan niya sa akin at parang sumenyas. The jerk then turned back on me. He looked a bit shock. Nagulat ako nang bigla niyang inalis ang kamay niya sa babae.
I bit my lip. What was that?
I shook my head and continued looking for Chandria. Gladly, they were just a few steps away from me. I walked to them as they were leaning beneath Hes' car.
"Kanina pa kayo?" tanong ko na nagpa-tigil sa kanilang pag-uusap.
"What took you so long?" tanong ni Hes.
"Hinanap ko kayo." i pouted my lips as soon as i said those words.
Pumasok si Hesuinne sa driver's seat, Chandy's on the seat beside her.
"Gutom na ako!" halos pasigaw na sabi ni Chandy habang papasok sa front seat.
Naglakad papunta sa kabilang side si Keira upang pumasok at doon na umupo. Binuksan ko na din ang pinto kung saan ako naka-tapat. I sat instantly as soon as i got in. This day was tiring. Idagdag pa natin ang mga cringe moments including that jerk.
"Where to?" Hesuinne asked.
"RomBa at Hamptons." Keira said.
Suminghap ako at ipinatong ang ulo sa salamin ng pintuan. The engine started and we were off to go.
Tahimik ako buong byahe habang ang tatlo kong kaibigan ay kulang na lang dumiretso sa BGC para mag-party.
In case you're wondering, at this point, who that jerk is. He's Prince Hamilton Rodriguez. And in case you're wondering again why i spoilt out bad blood against him, it's because he broke my heart 3 years ago. And for additional info, he's my first love. I had a crush on him during 9th grade, lumala iyon at naging pag-ibig. Too bad it turned out to be one sided. And guess what? He turned out to be a fucking jerk too!
I won't ever forget what that jerk did to me.