Chapter 4: WWE... a.k.a Worst Weekend Ever!!! (Part 3)

19 1 0
                                    

[Tina’s POV]

Oo nga sige!” sabay-sabay pa naming sabi...

Ang ganda talaga ng mansyo--- Ibig kong sabihin ay bahay nila Ellie. Ewan ko ba kung bakit ayaw na ayaw ni Ellie na tawagin ang bahay nilang mansion kahit halatang-halata namang mansyon yun. Anyway highway, (wow arte)...

Ang swerte-swerte talaga ni Ellie, ang bait ng mga magulang niya sa kaniya, mayaman sila, alagang-alaga siya ng mga magulang niya, nakatira siya sa isang mansyon(ui wag niyo sabihin na mansyon tawag ko ha? J), ang dami nilang kotse, ang ganda at gwapo ng angkan ni Ellie, mukha siyang Koreana, matalino din siya, (lagi nga siyang top 1 eh, kaso may ka-tie lagi, si Vina) ang bait bait niya talaga at lalong lalo na... MARUNONG NA SIYANG MAGKOREAN!!!

Eh ako? Wala ako, talbog niya lang ako. (edi siya na nga, joke...). Pero kahit ang bait-bait na niya, may mga nagagalit pa rin kanya, katulad ni Vina Malditera(Oopss.. hehe). Eh ano bang magagawa ko, na kay Ellie na ang lahat... sino ba namang hindi maiinggit sa kanya. (kahit ako nga eh naiinggit pero konti lang naman J)

Pero buti na lang kaibigan niya ako, hindi lang basta kaibigan, isang espesyal na kaibigan, kumbaga BEEF niya ako. Ang swerte ko din dahil kaibigan ko siya. Ang bait niya sa amin at nakakatuwa kasama, nakikiramay siya kung may problema kami at tinutulungan kami kung ano ang gagawin namin, at Minsan tinutulungan niya rin kami sa mga assignments namin, at projects, activities, minsan naggagayahan kami sa test at siya ang kumbaga “cheat sheet” namin. Sorry po Lord. J(Ang totoo halos lagi... hehe, share your blessings nga naman! ;P)

“O andito na tayo!” (Ellie, the lucky, deal with it nalang mahilig akong mag-nickname)

Wooowww!!! Ang cute ng bedroom mo!!! I love it! You’re such a lucky lady.” (Belle, ang maarteng... maarteng... maarteng basta)

“O bukas na ang aircon!” (Ellie na swirtiii)

“Someday, Ellie, dito matutulog si Xyzan...” (Si Nico na bolero)

“Sinong sayzhan?” (Si Tina ganda, hehe)

“Yung... first son namin ni Ellie.” (Nico Ambisyoso)

tsss...” (kami nila Ellie at Belle)

“Bakit ayaw niyo ng Xyzan? Xyrem na lang kung ayaw niyo... kung girl naman Xyrra.” (Nicolas puro angas)

“Hayyy... naku Nico talaga, dumadale ka na naman. At Ba’t ba ang hilig mo sa “S.”” (Tina shunga..hahaha, alam ko ako ang nagsasalita pero gusto ko ring nickname-an ang sarili ko)

“Anong “S”? lahat yun X. Tina talaga... shunga!” (Nico pango)

Aba!!! Hindi naman!” Ayus lang pag sarili ko tinatawag kong shunga pero ayoko ngang si Nico nagsasabi nun, iba ang dating.”

Hahaha! Tama na nga yan!” (Belle)

“Ui, may card game ako dito, gusto niyo?” (Ellie)

“Ui uno! Game!” (Ako)

“Sige Sali ako!” (Nico)

“Wag ka na! Matatalo ka lang!” (Meh!!)

“Ano!?! Baka ikaw!” (Nico mabaho, hehehe)

“Para kang kalabaw na lawlaw!” (ME-hehehe)

The Story You Never Knew {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon