Picture ni STARLET RAYE LAREYES---->
[SCARLET LAREYES POV]
Nagsasalita yung teacher sa harap pero ang hawak,gadgets.Nag-eexplain yung teacher sa harap pero nakikipaglandian.Sumisigaw na yung teacher sa harap pero busy ang lahat sa mga walang kwentang bagay.
Haayy~Section 5! Ang tindi niyo talaga.
"Charm,Rozzelle!" lumingon kaagad sila ng tawagin ko.Tss,isa din sila sa mga may hawak ng gadgets.Ang tigas ng ulo ng mga kaibigan ko! Nakuha pa nilang mag selfie sa classroom! Tapos may teacher pa sa harap! Aba,matinde -__-
"Oh,sorry scarlet...malas daw kasi ang magpicture kapag tatlo ang tao!" sabi ni charm at nag-selfie pa more kasama si rozz.Mga bruhang to.
Tumayo ako at hinablot sa kanya yung tablet."Hey~scarlet! huuu~" angal ni charm.
Pumunta ako sa harap,katabi ko na yung teacher namin.Tinaasan ko siya ng kilay tapos hinarap na ang buong klase.Hindi ba nila ako nakikita?! F*ck u silang lahat!
Dahil sa galit ko,pinukpok ko yung desk ng teacher namin.Ang lakas ng pagkahampas ko sa desk pero hindi ko naramdaman ang sakit.Manhid na ako dati pa--aiisssh! Leche.
lahat sila nakataingin na sa akin.Good.
"Listen up section 5! Mag-iingay pa kayo or Tatahimik na kayo?! Hindi niyo ba nakikita na may teacher sa harapan niyo,ha?!May naiintindihan ba kayo sa kanya?wala! Pano kasi cellphone dito,tablet dun.Landian dito,landian doon.Kaya minamaliit kayo eh! Hindi kayo nag-aaral! Sinasayang niyo lang ang tuition niyo! MAG-ARAL NAMAN KAYO!" sigaw ko.Agad silang napatungo.Yung iba naman walang pake.Halata namang walang pake yung iba eh.Nilingon ko yung teacher.Nakatitig lang siya sa akin.
"LUMAYAS KANA DITO! NAGSASAYANG KA LANG NG LAWAY MO KAKATURO! WALA NAMAN PALANG NAKIKINIG SAYO! TSAKA ANG HINHIN MO NAMAN! MAS MALAKAS PA YUNG BOSES KO KAYSA SAYO!BAKIT KA BA INA-SIGN DITO?" Bigla nalang umiyak sa harapan ko yung teacher.Kung titgnan mo siya parang nasa 20's lang ang age niya.Mukhang bata pa eh.Pero maliit.Nanginginig yung mga balikat niya.What will i do? ahh i know! NOTHING! Pssh. wala akong pake."Ano? iiyak ka nalang ba diyan? hindi mo sasagutin ang tanong ko?"
"M-maam sabi po ng head d-dito daw ako." sabi niya habang inililigpit ang mga gamit niya.
"Psssh...pinagtitripan ka ng matandang yun! Bago ka lang kasi eh,tapos mukha ka pang----Inosente" sabi ko habang tinignan siya mula ulo mukhang paa este mula ulo hanggang paa.
"P-po?" tumigil siya sa pagliligpit ng gamit niya sa desk tapos tinignan ako.
"Sa office ko nalang tayo mag-usap.Sa ngayon,ako ang magiging teacher mo." sabi ko tapos akmang lalakad na palabas ng room,bigla siyang nagsalita.
"H-hindi ko p-po kayo naiintindihan..." sabi niya habang nakatungo.