POPULARITY OR FRIENDSHIP-That RULE part 2

32 1 0
                                    

[SABRINA'S POV]

" Class Dismissed, See you all tomorrow " 

Ngayon ko lang ata sinabi ito...I'm so glad na uwian na!! Finally I can get out of this hell school! 

Huminto muna ako sa labas ng gate dahil dito ko hihintayin si Chloe.Sa loob lang naman ng School ang Rule na iyon.Nasa labas naman ako eh kaya pwede yun.

"Bye Sabrina!" sabi ni Abbygail De Vera at Samantha Geroza...

"Bye Ingat kayo!" sabi ko ng nakangiti.

**15 MINUTES PASS**

Natatanaw ko na si Chloe na naglalakad papunta sa direksyon ko.Habang palapit siya ng palapit ay palungkot ng palungkot ang mukha niya na para bang iiyak na.

Hanggang sa makalabas na siya ng gate ay agad niya akong niyakap.Nararamdaman ko na basa na ang balikat ko, naririnig ko yung mga hikbi niya.Tumingin-tingin ako sa paligid, baka may makita sa amin.

Mabuti naman at walang tao...

"Chloe..." iniharap ko siya sa akin..Pinahid ko ang mga luha niya na tuloy-tuloy pa ding umaagos. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak."Chloe bakit ka ba umiiyak?" 

"U-uwi muna tayo~" maarte niyang sabi.Parang alam ko na kung bakit siya umiiyak.Hayss.

"Sige uwi muna tayo" 

~~~~~~~~HOME~~~~~~~~~

[Chloe's POV]

*Flashback**

"Chloe Davis, right?" 

*tango*

*tango*

"Follow us." sabi ni Rozzelle.

Bakit di ba nila ako kilala? Tinatanong pa nila kung sino ako eh alam naman na nila! May memory gap lang?

"Teka saan tayo pupunta?" huminto muna ako saglit.

"Relax... Scarlet will just make usap to you in her office."

"Ano nanaman bang kailangan niya? Tsaka bakit--" 

"Uggh So daming questions!" 

Napabuntong-hininga nalang ako.Kainis naman to.

Maya-maya nakadating na din kami sa Office ni Scarlet.

Madaming mga picture frames ang nakasabit.Puro si Scarket. Mga panakot sa daga.

"Oh Hi Chloe.." halatang peke ang ngiti niya.

"A-anong kailangan mo?" 

"Oh nothing naman chloe...please maupo ka muna. *ngiti*

Umupo naman ako sa isang upuan na katapat ng table niya.

"Chloe, do you have a friend in the Pilot Section?" nakasimangot siya kanina lang nakangiti siya. Ano bang problema niya?!

"W-wala"

"Are you sure?" maloko niyang tanong.I cleared my throat."I don't like liars chloe..."

"Wala nga"

"Talaga? How do you explain this?"

Kinuha niya yung loptop niya at may pinindot na video.Mukhang kuha sa CCTV camera.Makikitang magkahawak kamay kaming pumasok ni Sabrina sa loob ng campus.Madami ngang nakatingin sa aming dalawa.

"Ano naman?" masungit na tanong ko matapos ang video.

"Ayokong may makikita pa akong ganyan DAVIS." MADIIN niyang sabi. "Ngayong alam mo na ang Rule namin... I will expecting na magkahiwalay na kayo.."

"BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YON?! BESTFRIEND KO SI SAB! HINDI MO KAMI KAYANG PAGHIWALAYIN! WHAT'S THE PROB--"

**slap**

"But I already did... diba magkahiwalay kayo ng classroom?" 


Hinawakan ko yung pisngi ko na sinampal niya.Ang sakit! Hindi ko magawang magsalita, sobrang sakit.

Kahit ganon walang tumulong luha sa mata ko.

"Kung hindi mo ako susundin... I'll kill you and Sabrina Cruz." 

Nagpinting ang mga tenga ko.Gusto kong durugin ang mukha niya.

"Ilabas niyo na siya dito..."

Hinawakan ako sa magkabilaang braso at parang basura lang akong tinapon sa labas ng pintuan ng office ni Scarlet.

Leche siya! Eh kung siya kaya patayin ko! 

Nako naman .. anong gagawin ko? Paano ko ito sasabihin kay Sab... sasabihin ko ba sa kanya? Parang ayaw ko.

POPULARITY OR FRIENDSHIP-(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon