CHAPTER 7
[Chloe Davis Pov]
"OUCHY!!! HEY~ STOP THROWING PAPERS NGA!"
Hayyys...Kanina ko pa naririnig ang mga conyo na angal nila.Ang daming nagsisinliparan na paper airplanes.Mga nagbabatuhan ng papel.Lahat ng mga lalaki ang pasimuno...Yung mga babae naman--
"Look oh, i have a new louis vuitton bag! Galing pa ito sa U.S. Ha-ha how 'bout you loraine? whats new sayo?" sabi ni michelle.
"Well..." maarte niyang pinakita ang kumikinang na singsing sa daliri niya.At hayun nalaglag ang mga panga namin dahil sa kagandahan ng singsing.
"Wow! So shiny naman!"
"IKR! ako ang nag-design niyan..." sabi ni loraine habang pinapakita ang mala-reyna niyang singsing.
"Hmp.Di naman maganda yan! How much ba iyan?Baka local lang yan..." sabi ni michelle.
Napataas naman ng kilay si loraine.Maya't-maya ay napangisi."Kung naiinggit ka,sabihin mo lang.Malay mo bigyan pa kita!"
Napatayo si michelle at loraine. "HINDING HINDI AKO MAIINGGIT AKO SAYONG DUKHA KA!" nang gigigil na sabi ni michelle.
"HAHAHA! You're too obvious mich! dont act na hindi ka naiingit sa akin! Ayan oh, nakasulat na sa mukha mo na naiinggit ka sa akin! Idedeny mo pa ba?" nang-aasar na sabi ni loraine.
"GRRRR! IPAPASALVAGE KITANG BRUHA KA!!!!" akamang susugod na si mich nang bigla siyang hawakan sa magkabilaang braso ng mga lalaki. "Agghh! bitawan niyo ako!"
"Mich,calm down" sabi ng kaibigan niyang si kira.
Napa-upo naman sa sahig si michelle.Agad niyang binawi ang braso niya.Sinamaan niya ng tingin si loraine.Nakangising nagwalk out si loraine.
Juicecolored! Ang hahangin ng mga tao dito! Puro kayabangan! Mga warfreaks din...Ene be nemen yen~ ako lang ata ang matino dito.Simula nung pagalitan ni scarlet yung teacher kanina,wala ng teacher na pumasok.Natatakot na ata.Kawawa naman kasi kanina si ma'am.
Hindi na school ang tawag dito...
Sinubsob ko nalang ang mukha ko sa desk.I wanna go home na~ oh ayan na hawa na din ako sa pagiging conyo.I hate that language!
"Arayyyy~" napa-angat ang ulo ko ng may nambato sa akin! Binato ba naman ay marker! Ang sakit langgggg!
Hinanap ng mata ko kung sinong nambato.Naningkit ang chingkit kong mata sa lalaki na tatawa-tawa na nakatingin sa akin.Tumayo ako at binato sa kanya yung marker.Tumama iyon sa noo niya.
"ARAY!" sigaw niya.Napatawa ako ng mahina sa reaksyon niya."HOY BABAE! BAKIT KA NAMBABATO? INA-ANO KITA DIYAN?"
Mag-sasalita na sana ako nang biglang bumukas yung pintuan.
"bakit ang ingay dito?!" tanong ni Scarlet.
"Ahh kasi po may nag-iingay! hehehe"
*scarlet's death glare insert here*
"S-sabi ko nga tatahimik na ako""Tss.Listen pupunta dito sila----Aghh! Nasaan nanaman yon?" naiinis na sabi ni scarlet sa dalawang alipores niya.Pero nagkibit balikat lang sila.Lumabas si scarlet ng room at--
"Saan pa ba kayo naglalakwatsa? Bilisan niyo nga! Gusto ko ng matapos to kaya kung pwede pakibilisan!"
"Nag-cr lang naman kami Scarlet, no need to be rude..." hindi pamilyar sa aking yung boses nung nagsalita.
"Parang ngayon lang ako naging rude! Pssh.LAKAD NA!" sigaw ni scarlet.
"Here comes the nerds..." bulong ng katabi kong babae.
Pumasok na si Scarlet at dalawa pang babae... Parehas na nakasalamin yung dalawang babae.
Pumunta sila sa harapan.Inis na lumingon sa kanila si scarlet. "Where is starlet?"
*blaaag*
"Ay~ sorry pintuan~" sabi nung babae na kakapasok lamang. Nakayuko siya at natatakpan ng buhok niya ang kanyang mukha kaya di namin makita ang hitura.Pero alam ko naman na maganda siya,wala ng duda.
"STARLET!" agad namang naglakad papunta sa tabi ni scarlet yung babae pero nakatungo pa rin yung babae."ANO KA SI SADAKO? UMAYOS KA NGA STARLET!"
"Waahh saan si sadako?!" napakapit sa balikat si----
O_O
Scarlet? Scarlet no.2? wahh dalawang scarlet ang nakikita ko... ay hindi.Tanga ka talaga chloe.Siya ata si Starlet.Kakambal ni Scarlet?
"Get off me..." suway ni scarlet.
"Oh~ sorry scarlet~" sabi ni starlet.Magkamukha nga sila! Medyo mataba nga lang si scarlet...
"ANONG MATABA?!"
O_O
WAAAAHHHH! Naririnig ni scarlet yung sinasabi ng utak ko? "OO! SA SUSUNOD WAG MONG LAKASAN! UNDERSTAND DAVIS?!"
Tumango-tango nalang ako sa sinabi ni scarlet.
"Magpakilala na kayo!" ---scarlet. Unang nagpakilala si Abbygail,Sunod si Sam at ang huli ay si--
"H-hello my name is Starlet Raye Lareyes the twin of Scarlet Cecil Lareyes..." nahihiyang sabi ni starlet.
"Tss.. ngayon ka pa nahiya?"
"Ehhh~ Scarlet naman~"
"Hoy wag mokong artehan jan! Di tayo close noh..." mataray na sabi ni scarlet."Let's move on to the rules shall we?"
***************************************************************************************************
pabitin ^_^ hehe thanks for reading :)
Yung twins oh! XD located in multimedia section...