Chapter 2 #Fix_Marriage

14.2K 316 21
                                    

LEIGHANNIE'S P. O. V



Gusto kong matawa sa sinabi niya, anong akala niya sa akin, mapapaniwala niya ako?!

Fiance niya mukha niya.

Pagboboyfriend nga hindi ako pinapayagan ng parents ko, dahil sobra pa sa sobra ang pagiging strict nila sa akin. Tapos sasabihan niya ako na fiancee ko daw siya!

Lahat dapat sundin ko kahit labag man sa loob ko. Wala eh mabuting anak lang naman ako na sunod-sunuran sa gusto ng magulang.

Pero bago pa maging statue tong kaharap kong nakaboxer lang, kinuha ko ang Louis Vuitton Coin Pouch ko para kumuha ng coin, at pagkatapos binato ko yun sa kanya buti na lang nasalo niya agad.

"Ano naman gagawin ko sa piso?" takang tanong niya.

"Bumili ka ng kausap mo, wag ako ang pinagtripan mo." seryosong sabi ko, dahil wala akong panahon makipagbiruan sa kanya.

"Tsk, I'm not joking, ok"

Natawa ako. Tinagalan ko talaga ang pagtawa ko kahit mukha na akong loka-loka. Tumigil din naman ako sa pagtawa at sumeryoso ng tingin sa kanya. "I don't care."

"You know what, you're weird. I can't believe I'm getting married to a crazy woman like you." aba't nanlalait na naman.

"Hoy Mister, mas weird ka ok. Tignan mo nga sarili mo ang lamig-lamig dito sa mansyon tapos ikaw nakaboxer ka lang, sinong weird sa atin ngayon. Diba ikaw." sabi ko habang nakaturo pa sa kabuoan ng katawan niya. Akala nito magpapatalo ako sa panglalait niya...

Ulol siya.

"Walang basagan ng trip ok. Saka kanina mo pa inaano tong boxer ko ah, bakit gusto mo ba pati ito tanggalin ko." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Aba anong gusto nitong palabasin ah.


BEEP! BEEP! BEEP!

Natigilan kami nang may makarinig kaming bumubusina sa labas. "Ay, baka nandiyan na sila Madam, wait lang hija ah." paalam sa akin ni Manang, yumuko naman siya dun sa lalaki bago tuluyang umalis.

Kaya ngayon kaming dalawa na lang ang naiwan sa kwarto ko.

Umayos ako ng tayo at maangas na tumingin sa kanya na kanina pa nakapoker face. Hindi ba to marunong ngumiti kahit yung plastik na ngiti man lang. Sabagay Engineer nga pala siya. Diba ang mga Engineer mga seryoso sa buhay kaya siguro ganito to, pero bakit nakaboxer lang siya dito, ganito ba talaga sila pag nasa bahay lang.

"Hanggang ngayon, boxer ko pa din ang nasa isip mo." natauhan ako nang magsalita siya.

"Hindi, bakit ko iisipin yun, saka basura lang yan sa utak ko." mind reader ba tong lalaking to. Tsk.

Maya-maya bigla na naman sumulpot si Manang sa pinto kaya napatingin ako sa kanya. Hingal na hingal pa siya at siguro akong tumakbo to. Buti na lang malakas lakas pa siya, kung hindi inatake na to sa puso.

"Hija, pinapababa na kayo ng Mommy mo. Naghihintay na sila sa sala." hindi na ako sumagot kay Manang nauna na akong bumaba at pumunta nasa sala.

*

Nang makababa ako, nakita ko silang may mga kausap na hindi ko pa naman kilala. Sino kaya sila, at bakit nandito din sila. Sa pagkakaalam ko hindi sila nagpapapunta dito ng mga guest.

Bakit ngayon nagdadagsaan na ata?

"Oh, Leighannie... Anak" natigilan ako sa bungad nila sa akin.

Shit! Tinawag nila akong anak, ibig sabihin may ipapagawa na naman sila sa akin. Kung ang iba ay nasisiyahan kapag tinatawag sila ng anak ng mga magulang nila, pwes ako hindi. Dahil alam ko may pinaplano na naman sila.

"Hello Mommy, Daddy." nakatungo kong bati at saka lumapit sa pwesto nila.

At nagsisimula na akong lalamigin dahil sa kaba. "This is our daughter Leighannie Harris. Lei, they are Mr&Mrs. Graysion." tignan mo tong si Mommy hindi muna ako pinaupo bago ako ipakilala.

"Hello po Mr&Mrs. Graysion." pilit na ngiting sabi ko.

"Hahaha, just call us Tito and Tita, have a sit iha." nakangiting sabi nung babaeng kasing-edad siguro ni Mommy.

Hays, buti pa siya pinaupo muna ako. Kaya naupo ako sa sofa na kaharap nila. Maya-maya din ay dumating din yung lalaking nakaboxer. At himala nakasuot na siya ngayon ng V-neck na t-shit at fit na jeans. At infairness ang gwapo niyang tignan pero ang panget niya pa din dahil nilait niya ako kanina.

"Oh, hijo come here." tawag sa kanya nun lalaki, daddy niya ata.

Lumapit naman siya at naupo din sa tabi ko kaya kumunot ang noo ko. Ang daming upuan dito bakit sa tabi ko pa.

"So, Lei hindi na ako magpapaligoy-ligoy. We have something important to tell you." paninimula ni Daddy na ikinalunok ko. Hala na ito..

"Lei, we know that you have proven us a lot and you're at the right age naman na." nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Mommy, paraang alam ko na kung saan ang papunta tong usapin namin dito.

"That's why we decided na kay Rhydian ka namin ipakasal." napayuko ako dahil sa sinabi ulit ni Mommy, at nanlulumo na din.

"Ano? You planned that thing without me?" nagsimula nang mamasa ang mga mata ko. "Para ano, hindi ako makapalag-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla akong hatakin ni Mommy sa kamay at kinaladkad pa ako papalayo sa kanila.

"Leighannie! Ano ba may mga bisita tayo kaya kung maaari igalang mo" matigas na sabi ni Mommy sa akin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Ako ba iginalang niyo? Kailangan ba lahat ng gagawin ko, kayo ang magdedesisyon? Paano naman ako, kailangan ko din naman magdesisyon para sa sarili ko-" nahinto ako dahil sa malakas na sampal ni Mommy sa akin.

"Wherever you like it or not, we will continue this wedding. Anak lang kita, ako ang bumuhay sayo kaya dapat lang ako ang magdesisyon kung paano ka mamuhay sa mundong to, comprendre. (Understand)" mahinang sabi ni Mommy. Hindi na ako nakasagot pa sa kanya at na patango na lang.

Paano pa ako makakapalag kung pinamukha na niya sa akin na anak lang niya ako. Kaya hinayaan ko na lang sila kung anong gusto nila.

*

Alam ko nag-uusap pa sila nun pero hindi ko na kayang pakinggan pa kahit pagkilos hindi ko na din magawa. Para na akong puppet na hinihintay na lang na may magpakilos sa akin para gumalaw ako.

Sino pa ba ang may gustong mabuhay sa sitwasyon ko kung lahat kontrolado ng mga magulang ko. Nakakaasar sobra. Pero wala akong magawa dahil pinapamukha lang nila na sila ang bumuhay sa akin na dapat isipin kong utang na loob ko yun na dapat bayaran ko sa kanila.

'Kung ganito lang din naman, sana hindi na lang nila ako binuhay.'

***

P. S. Rhydian Graysion (Kumag) 😂 pic. Niya sa taas. ☝️💕

Arranged Married To My Professor (Marriage Series 1) COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon