Chapter 1

31 1 0
                                    

Victoria Luna's PoV~

"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Tita sa akin kaya napayuko ako para hindi niya makita na umirap ako.

"Just like what you said, Tita, I don't have a choice so bakit pa ako magdedesiyon kung wala namang pagpipilian." sabi ko sa kanya.

"Victoria, wala ka talagang galang kung sumasagot ka sa akin. Pasalamat ka at ngayon ang punta ni Mr. Suarez dahil kung hindi mamamaga yang mukha mo kapag sinampal sampal ko yan."

"Hindi ka rin naman ka galang galang so bakit pa kita igagalang?" bulong kong sabi na hindi naman niya narinig.

"Anong binubulong bulong mo jan? May sinasabi ka nanamang masama tungkol sa akin?"

"Tita, ginagalang ko po kayo at hindi ko po magagawang pagsalitaan kayo ng masama." of course, pagsisinungaling ko lang iyan dahil sukang suka ako sa sinabi ko. Paano ko ba naman magagalang ang isang iyan kung mula pagkabata ko pinaparamdam niya sa akin na mali ang pagkabuhay ko rito sa mundo.

"Dapat lang dahil pinakain at binihis kita mula pagkabata kaya dapat galangin mo ako at dapat lahat ng inuutos ko ay susundin mo kahit na kasal kayo ni Mr. Suarez." sabi niya kaya mas lalo tuloy akong naairap. Kapal talaga ng mukhang sabihin na pinakain at binihisan niya ako samantalang si papa naman ang totoong nag-alaga sa akin.

"Madam, nasa baba na ang magsusundo kay Miss Victoria." sabi ni Ate Ichay kay Tita ng makapasok siya rito sa kwarto kung saan ako matutulog.

"Itaas mo na yang mukha mo at wag kang yuko ng yuko dahil baka aakalain nilang kinakawawa at ginawa ka naming katulong rito sa bahay." sabi ni Tita.

'Wow! Kahit hindi nila aakalain iyon ganun parin ang ginawa niyo sa akin buong buhay ko.'

Itinaas ko nalang iyong ulo ko at tinignan si Tita tsaka pilit na ngumiti sa kanya kahit na gusto ko na siyang bigyan ng masamang tingin. "Masusunod po, Tita."

"Good. Lumabas ka na ng kwarto at puntahan na natin si Mr. Suarez." sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Ay madam, hindi po si Mr. Suarez ang dumating. Isa po sa mga tauhan niya ang susundo kay Miss Victoria at aalis raw ho sila agad kapag nakuha na nila si Miss Victoria." sabi ni ate Ichay kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin at parang sinasabi na 'Makakaalis ka na rin sa impiryong dala ng demonyo mong madrasta at ng demonyita mong kapatid.'

"Ganun ba? Sayang pala iyong hinanda kong pagkain pero siguro may susunod naman dahil ikakasal na sila ng anak kong ito na si Victoria." sabi niya kaya napaismid ako. First time niya akong tawaging anak dahil hindi naman anak ang turing niya sa akin.

Nakita kong napaikot rin ang mata ni Ate Ichay sa narinig niya tsaka umiling iling. Lumabas na kami sa kwarto at pumunta sa sala kung saan naghihintay iyong magsusundo raw sa akin.

"Young Madam Victoria." bati ng susundo sa akin nang makita niya ako. Matanda na siya at siguro nasa mid 50s' na siya o mas matanda pa don. Ngumiti ako sa kanya tsaka nagbow nalang rin. "Sabi ni Master ay kailangan na nating umalis agad pagkasundo ko sa'yo. Nagkapagpaalam ka na ba sa Mama at kapatid mo?" tanong niya kaya tumango nalang ako.

Bumaling ako sa mga katulong rito sa bahay na naging malapit at itinuring kung pamilya. "Dadalaw dalaw nalang ako rito sa bahay para bisitahin kayo. Alagaan niyo ang sarili niyo at baka magkasakit kayo." sabi ko sa kanila. Ngumiti naman silang lahat sa akin at nakikita ko rin sa mga mukha nila na masaya sila para sa akin dahil makakaalis na ako sa impirnong bahay na ito.

"Tara na, Young Madam." sabi sa akin ng lalaking susundo sa akin. Tumango lang ako sa kanya at tsaka na kami lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan para umalis na roon.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon