Read at your own risk! thankyou.
June 8, 2009
Jaaved
® unang araw noon ng klase walang masydong mga estudyante ang nagsipasok malamang ay hindi pa sila tapus sa kani kanilang mga bakasyon, lihim kung pinagmamasdan ang babaeng sadyang naiiba ang kanyang angking kagandahan lalo na sa aking paningin,hindi maitatago ang saya sa aking labi habang ngumingiti siya sa akin, haha how i wish ngunit sa akin nga ba siya nakangiti?
nakakapanghinayang nga lang naman talaga dahil alam kung ang mga ngiting yun ay sadyang hindi para sakin,kundi sa aking katabi,ngunit salamat na din dahil bahagyan kung napagmamasdan yung mga matang parang bituwin na kumikinang,yung perpektong korte ng kanyang mukha,ang hindi nito katangusang ilong na bumabagay sa manipis at mapupula nitong labi,bahagya akung napalingun sa katabi ko na halos hanggang tenga din ang ngiti,may kung anung kumikirot sa puso ko ngunit bakit nga ba naman niya ako mapapasin kung isa lang naman akung normal na estudyante kasama sa honor student,opo hindi sa pagyayabang ngunit may angking katalinuhan po ako,gwapo daw ako sabi ng aking ina ngunit sadyang hindi lang ako maporma gaya ng iba na ang buhok naka gel o wax samantalang ako kulang na lang maging idolo na si Jose rizal,medyo may katabaan pa, imagine niyo ba hindi naman sa panget ako kasu papasa na sa baduy ang pormahan ko pero handa akung magbagong anyo, mapansin niya lang ako.
Lumipas ang mga araw natutunan ko narin kung panu pomorma nakikita ko din naman ang aking mga kapatid na lalaki kung pomorma at kung panu mag ayus ng buhok,kontrolado na din ako sa pagkain,madalas na din akong sumali sa basketball para mag papawis, napapangiti ako kasi kahit papanu napapasin na niya ako dahil din siguro sa kilala din ako sa buong campus dahil anak ako ng alkade ng bayan namin pero kunti pa malapit na.
hanggang isang araw uwian nakita ko siyang nag aantay sa gate ng school, syempre dumamoves na ako.
''helow Jannah mag isa ka lang? inaantay mo ba sundo mo?'' sunod sunod kung tanung bahagya siyang tumingin sakin at ngumiti woah nginitian niya ko!"ah ikaw pala Jaaved! oo inaantay ko si papang'' nakangiting sagot niya
''ah ganun ba sige samahan muna kita'' ngiting sagot ko
''bakit wala ka pang sundo okay lang mauna kana'' nahihiya niyang turan
''ah wala pa eh samahan muna kita tara dun oh fishball bili tayo''
''talaga kumakain ka nun diba mayaman ka?'' manghang tanung niya oo may kaya kami at mayor ng bayan namin ang papa ko ngunit nanatili naman kaming simple lang at malapit sa mga mabababang tao at di naman ako ganun kaarte mas gusto ko pa nga ang mga ganitong pagkain sarap kaya.
''hindi sarap kaya niyan tara'' nauna na akung lumapit sa nagtitinda
'' manung dalawang baso nga po tag sampu piso po'' sabi ko kay manung. sabay abot ng bente saka ko inabot kay Jannah yung isang baso.
''anu gusto mung sawsawan maanghang o matamis'' tanung ko sa kanya
'' ah silang dalawa''
''anu pwede yun''
'' oo mix subukan mo kaya akin na'' kinuha niya yung baso ko saka niya nilangyan ng matamis saka maanghang na sawsawan tudo ngiti pa habang naglalagay at saka inabot sakin nakatigtig lang ako sa kanya habang sarap na sarap sa pagnguya,
BINABASA MO ANG
BEYOND COMPARE
RomanceEverything about her had been perfect beyond compare, and I had thought that if things were going to change,they were only going to get better and my love for her will not go less or fade cause what I feel for her is BEYOND COMPARE. All rights reser...