chapter 3
Pag kalagay ng bag na dala ni Jaaved ay pinagbuksan naman niya si Jannah sa harap saka pinasakay umikot siya sa harap at saka nag-umpisa na ito mag-maneho. magaan ang pakiramdam ni Jaaved habang nagmamaneho nakangiti nanaman itong bumaling kay Jannah na tahimik lang sa tabi niya."Hindi kaba nagugutom" tanung nito kay Jannah
"ha ikaw pala baka nagugutom kana" medyo tarantang sagot ni Jannah
"hmm medyo gusto mo daan tayo Jollibee or kfc madadaanan natin mga yun?" di parin mawawala ang ngiti nito
"Kung gusto meron naman ako dyan yung niluto ko kanina sa assessment" Medyo nahihiyang sudgest nito sa binata
"mas maiigi let me taste it im sure masarap" baling niya sa dalaga, agad namang tumingin sa likod ng sasakyan si Jannah para hanapin ang paper bag na dala niya, saka inabot at tinignan ang mga nilagay niya doon una niyang nilabas yung chicken lollipop pagkabukas nito ay agad umalingasaw ang mabangong amoy nito sa sasakyan.
"wow smell good huh amoy pa lang masarap na chef" komento ni Jaaved dito
"Paano ka pala makakain kung nag-mamaneho ka" tanung nito sa binata
"subuan mo na lang ako kung okay lang" baling nito sa kanya, medyo natigilan man si Jannah pero humogot na ito ng tissue na nasa dashboard saka humawak ng isang manok at inumang sa bigbig ni Jaaved na kasalukuyang nag-mamaneho,nakangiti naman itong kumagat at ninamnam ang kinakain.
"Masarap nga Chef" makikita mong sarap na sarap nga ito "kumain karin" sabi nito sa dalaga dahil sa taranta ay napakagat nadin si Jannah sa mismong manok na naisubo niya kay Jaaved salitan sila na kumakain hanggang maalala niyang wala pala silang panulak kaya idinaan niya parin ito sa isang drive thru para bumili ng dalawang coke float at dalawang bottle water.
"may gusto ka ba?" tanung nito kay Jannah
"pwede ka bang humingi ng spoon may chocolate mousse kasi dito wala akong plastic spoon" sagot nito kaya humingi na din si Jaaved sa crew nagbayad na ito saka inabot kay Jannah ang binili umusad nadin sila paalis at pati pag inum ay naka alalay si Jannah sa kanya. sunod na nilantakan nila ang chocolate mousse na gawa ni Jannah na halos ni Jaaved lang din ang naka-ubos.
"sarap ubos na" medyo malungkot na tanung nito sa dalaga, natawa ng mahina si Jannah sa inasta nito parang batang natatanung sa kanya
"oo ubos na gusto mo pa ba?" natatawang tanung niya dito
"ubos na eh, gawa ka ulit sa susunod gusto ko yung pareho ng gawa mo sakto lang ang lasa hindi gaya nung iba nakaka-umay sa tamis" sagot nito
"sige sa susunod gawan kita" masaya ito at nagustuhan niya, habang sa di kalayuan ay napansin nilang medyo mabagal ang usad nang mga sasakyan at mukhang uulan pa at madilim ang kalangitan
"parang may banggaan" sambit ni Jaaved habang si Jannah naman ay patingin tingin sa kalangitan,hindi nga nagtagal ay bumuhos na ang malakas na ulan napapansin ni Jaaved na medyo pinagpapawisan si Jannah at hindi mapakali sa kanyang upuan malakas naman ang aircon ng sasakyan niya hindi niya tuloy malaman kung okay lang ba ang dalaga mabagal pa naman ang usad nila at hindi pa sila ganung nakakalayo dahil may disgrasya ngang naganap at pahirapan ang pagtanggal ng dalawang sasakyan dahil bumuhos narin ang ulan na may kasama ng kulog at kidlat.

BINABASA MO ANG
BEYOND COMPARE
RomanceEverything about her had been perfect beyond compare, and I had thought that if things were going to change,they were only going to get better and my love for her will not go less or fade cause what I feel for her is BEYOND COMPARE. All rights reser...