“Malayo Man Tayo”
Milya man ang layo ng ating pagmamahalan
Bundok man ang nagsilbing pader sa atin at naging harang
Dagat man ang sinasabing ating pagitan
Ngunit lahat ng ito ay hindi magiging hadlang.***
Tukso man ay hindi kayang bumuwag
Sa ating pagmamahalan na walang katulad
Oras man ay walang paliwanag
Kung bakit kumakapit sa gitna ng salat.***
Magkikita rin tayo, hindi man ngayon
Sa tamang lugar at sa tamang panahon
Tayo'y magiging masaya at sabay babangon
Pagtulungang mapuno ang dating kahapon.***
Nagmamahalan ng tapat kahit na mahirap
Hindi man mapunan ng halik at yakap
Ngunit ako parin sa Diyos ay nagpapasalamat
Pagkat sa tulad mo — ako ay mapalad.***
KalliaAmour
BINABASA MO ANG
It's All About Poems
Poetry"Words can either harm or heal, but pure heart know's what is real" ~KalliAmour