“Mahal na mahal kita Anna.”
“Mahal na mahal din kita Clyde.”
BOOOOOOOOOGSHHHHS!!!!
Kakatapos ko lang magbasa ng pocket book na tragic ang naging ending pinasabog ang lugar kung nasaan ang dalawang bida ng biglang may nahagip ang mata ko, isa s'yang libro na anime character ang book cover, hindi ko nakasanayan ang ga‘nung klaseng book cover. Babaeng naka wedding gown at lalaking ang angas ng dating na kulay asul ang iba pang natitirang bahagi nito. Kinuha ko ‘yon at sinimulang basahin. Tungkol sa lalaking Casanova na in-arrange marriage sa babaeng may ibang mahal ang tema nito nagpakasal sila at natutunan mahalin ang isa't-isa pero nagkaroon ng problema at bumalik ang minamahal ni Casanova at etsapwera ang babaeng bida at 'di naglaon nagkasakit, pero buntis na siya 'non.
Nagandahan ako sa plot at kung ano-ano pa, tinignan ko muli ang book cover nito at nakita akong bilog na kulay dilaw at nakalagay Wattpad .
Wattpad? Parang narinig ko na 'to dati, app yata 'to na kung saan pwede ka magbasa ng kahit anong genre. Dahil curiosity kills a cat. Dinownload ko to at napakunot noo akong tinignan ang acc. alagay. Hindi ako marunong gumawa ng account! pero dahil usisera ako nag-sign up ako at hindi tinandaan ang password at email. Pagkatapos nun ay bumungad na kung ano ang pipiliin kong genre na gusto kong basahin, tatlo ang pinindot ko General Fiction, Random at Mystery/ Thriller. And it's all done.“Hindi naman pala mahirap gamitin to e.” Bulong ko sa aking sarili
Dahil 'di ko pa gamay gamitin ay pinindot ko kung ano ang magandang book cover ang nakikita ko, pagkatapos kung i-back may lumalabas na words na kung gusto ko bang i-add sa library ko ang mga pinindot kong story in-okay ko lang lahat. Kahit 'di ko alam kung ano ang library na 'yon.
Pagkalipas ng ilang buwan hindi ko akalaing hangang alas tres ng madaling araw ay mababasa ako ng story. Kaya kong tapusin ang isang story na may 50+ na chapter sa loob ng ilang oras. Habang ang sinasabi ng ilan na pinakamahabang story wattpad ay inabot lang ako almost 1 week basahin. Masyado akong nagandahan sa mga story sa wattpad, kahit ang iba ay mga newbie sa langaran ng pagsusulat ng nobela masasabi kong ang gagaling nilang lahat.
One time habang nagbabasa ako isang story at tinitignan ko ang iniwan n'yang message para sa mga readers niya na nakasaad ang mga salitang 'Hi mga Anak! Kung gusto n'yong malaman kung kailan ako magkakapag-update pwede n'yo kong i-add sa dummy account ko hehe.'
“Dummy Account, ano 'yon?”
'Di na ko nag-dalawang isip pa tinype ko ang pangalan na nilagay ni Author at hinanap ang sinasabi niyang Dummy Account niya. Isang account lang naman ang lumabas at dali-dali ko 'yong in-add. Tinignan ko ang wall niya, puro mga bidang character sa wattpad novels ang mga nagcomment sa mga status niya. 'Yun ba yung sinasabi nilang Dummy Account? Gumamit ng ibang pangalan at ginagamitan ng picture ng portrayer sa wattpad novels ang iba naman ay gamit ay mga chibi.
Dahil siraulo akong bata at may pagka saltik at curious ako sa buhay ay gumawa rin ako ng sarili kong account at pinangalanan kong Nami Martinez. 'Yun ang bidang babae sa pinakapaborito kong story dahil wala pang napipiling port si Author kumuha na lang ako ng ibang picture sa gallery ng cellphone ko at okay na, may dummy account na 'ko. In-add ko lahat ng pangalan na alam kong galing sa wattpad.
Almost 4 months....
Almost 4 months ko ng ginagamit
ang D.A ko, acronym ng dummy acc. Marami na 'kong nakaka-chat at tungkol sa pagkahilig sa wattpad ang topic namin. Until one day naisipan kong mag-status.
BINABASA MO ANG
Dummy
General FictionWe're in the dummy world baby, beware. Never fall. Never assume. Masasaktan ka lang.