Chapter 1
'RIINNGGG! RIINNGGG!'
Nagising ako sa ingay na likha ng alarm clock kaya dali-dali ko itong pinatay habang nakapikit parin ang mga mata ko. Ilang segundo pang nakapikit ang mga mata ko at saka ko iminulat ito at tumingin sa wall clock.
‘Alas-sais na ng umaga’
Inis akong bumangon at dumeretso sa CR at nag-ayos ng sarili. Isang oras din akong natapos dahil 8:00 am pa naman ang pasok ko at malapit lang naman ang SIA (Slytherin International Academy), na pinapasukan ko.
‘Di ko alam kung anong trip nang may may ari ng school. Adik yata to sa Harry Potter! Kakaiba din ang topak ng isang to!'
‘Di na ako magtataka kung may Gryffindore International Academy! Hehe!’
Nung nakauwi na kami dito sa Pilipinas noong May, sinabi ko kila Mommy kung pwede bang ako ang pumili ng school na papasukan ko and pumayag naman siya. Habang naghahanap ako ng magandang ekuwelahan noon, narinig koi tong SIA. Mukhang interesting kasi ang pangalan at kilala din ito na isa sa mga top best schools dito sa amin. Then I ended up chosing SIA.
'GRRRRR GGRRRR'
Hinawakan ko ang tiyan ko.
'Gutom na ako.'
Bumaba na ako sa kusina upang kumain dahil gutom na din ako.
"Goodmorning my dear sister," masayang bati ni ate pero tinganguan ko lang siya.
"Oh hija, kumain ka na," sabi naman ni manang. Hindi ko siya sinagot. At umupo nalang ako at naglagay ng kanin sa plate ko.
"Anong oras ang pasok mo Dallpein?," tanong ni ate at nagkunot naman ang noo ko.
'Bakit naman nagtatanong to kung anong oras ng pasok ko eh di naman yan nagtatanong ng mga bagay bagay sakin.'
"8:00, bakit?," walang ganang tanong ko.
"Could you give me a ride today?"
'Ayoko!'
"Saan?," dagdag ko pa.
"Sa school siyempre! Ano bang akala mong ibang pupuntahan ko?!," inis na sabi niya sakin..
'Siya na yung nagpapahatid, siya pa yung galit! Nice Deim!..'
"May regla ka ba?," walang ganang tanong ko sakanya at mas lalong siyang nainis at tumingin ng masama sa akin.
"Eh kung sabihin kong Oo?!!"
"Okay."
"Ihahatid mo ba ako?!" inis pa ring tanong niya sakin pero ngumuya lang ako at linunok ito saka uminom ng tubig.
"Ayoko."
"What?!!" sigaw niya kaya natigilan ako sa pagkain.
'Kaimbyerna mo! Makasigaw eh kala mo naman humihingi ng tulong sa prince charming niya at inaasahan niyang magliligtas sa kanya.'
"Ang ingay mo!," sigaw ko din sa kanya.
"Siya na nga yung nagpapahatid, siya pa yung galit!" mahinang bulong at nag-make face.
"Ayaw mag-start ng koste ko kaya naman sana ihatid mo ako sa school." sa ngayon, malumanay na yung pagakakasabi niya pero ayoko parin siyang ihatid.
"Edi mag-taxi ka!"
"Duh! Sa ganda kong to, magtataxi? Like duhh?!!"
"Bahala ka sa buhay mo! Kung ayaw mong magtaxi then maglakad ka papunta sa school!," ani ko at tinapos ang pagkain ko ng breakfast at kinuha ko ang bag ko at dumeretso na palabas ng bahay.
YOU ARE READING
Her Tears
Teen FictionHer life with full of curiosity. Her past with full of memories. And her tears with full of sadness. That's what her life is! Dallpein Zeinn Diem, an 18 year old girl also knwon as "Vera" has an dissociative amnesia caused by a car crash. A month...