One Shot #1

38 2 0
                                    

9:19 

 Ano bang meron sa 9:19 at yan ang lama nang newsfeed ko. Nang mag saliksik ako tungko sa 9:19 sabi nila lilindol ng malakas at magugunaw daw ang mundo. Di ko alam kung maniniwala ako pero ayon sa nabasa ko isang PREDICTION lang naman daw.Mag-lolog out na sana ako kaso biglang nag chat sakin ang tropa ko.

 "Pre,sabi mo di ka makakasama kasi hindi pinayagan gf mo?"

 "Oo,pre. Di siya pinayagan ng tatay niya baka daw kasi gabihin ulit tayo"Yan ang rason na binigay sakin ng gf ko kaya hindi na lang din ako sumama sa mga tropa ko.

 "Pre,nakita ko naman si Shaira kanina may kasamang lalaki" 

 Hindi ko na nireplyan yung tropa ko. Hindi magagawa ni Shaira yan. Alam ko,dahil mahal niya ako. Naisipan kong tawagan siya. 

 "Hello,mahal" 

 "Buti tumawag ka. Tatawagan sana kita kaso naunahan mo ako" aniya

 "Ayiee~ miss mo na ko ,mahal noh? Hahahaha" 

 Pero parang may mali,di ko alam pero may nararamdaman akong mali."Break na tayo" malamig niyang sabi 

 "Mahal,sabi mo mahal mo ko? Nag pprank ka na naman ba? Di magandang biro,mahal." Kakasabi niya pa lang na mahal niya ako pero bakit ganito? Bigla na lang nag bago. 

 "Sorry. We need to break up,Shion. I don't love you at all"

 "What the f***,Shaira!?" Sa pagkaka alala ko wala naman kaming napag-awayan o kung ano man. At wala din akong ginawang mali. Bakit umabot ito sa ganito? 

 "Sorry,Shion. Bye" her last words tear me apart. Pinutol niya na ang tawag. 

Umiiyak ako pero hindi dahil bakla ako,umiiyak ako dahil iniwan ako ng taong mahal ko.Pag tingin ko sa cellphone ko nahagip nang mata ko ang oras.9:19. Mapait akong napangiti sa nakita ko. Hindi nga lumindol nang malakas nagunaw naman ang mundo ko.

 I gave everything and I ended up with nothing.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now